11

5.8K 111 3
                                    

Chapter 11

“HINDI ka ba curious kung saan mag-aaral si Wilson ng college?” maintrigang tanong ni Je sa bagong kaibigan na si Dana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


HINDI ka ba curious kung saan mag-aaral si Wilson ng college?” maintrigang tanong ni Je sa bagong kaibigan na si Dana. Nasa study area sila habang kumakain ng sandwich.

“Curious,” pag-amin niya. “Pero ayaw kong tanungin sa‘yo kasi baka iniisip mo kinaibigan kita para lang makakuha ng scoop kay Wilson.”

Pakiramdam ni Je muntik na siyang mabilaukan kaya siniko niya si Dana. “Huy, ano ka ba! Hindi ko iniisip ‘yun, ah!”

“Talaga?”

Nang tingnan niya ang mukha ni Dana, mukhang may pagkabahala ang hitsura nito. “Bakit? May nagsabi ba ng ganon sa‘yo sa klase niyo?”

Kumagat lang siya sa sandwich niya.

“President ka pero ini-easy easy ka ng mga kaklase mo??” Hindi makapaniwalang tanong ni Je. “Hala, dapat lumaban ka!”

“Hindi ako ganun. Hindi ko gagamitin ang posisyon ko para manghamak.”

“Pero ikaw naman ang hahamakin nila?” Bumuntong hininga si Je. “Kung ako ‘yun— aiish.”

On second thought, hindi rin pala magagawa ni Je na gumanti sa bully dahil simula nang pagpasyahan niyang pumasok sa SMU ay inaalagaan na niya ang magandang moral.

“Anyway,” Je said to move on from the topic. “Kahit hindi mo tanungin sasabihin ko pa rin. Guess what? Sa South Mill din mag-aaral si Wilson.”

Nanlaki ang mata ni Dana. “Talaga? Hindi ko inasahan. Akala ko mag-UP siya.”

She shrugged. “Akala ko rin.”

“No questions. Welcome siya sa SMU.”

“Ikaw rin kaya. Sure ball ‘yan.” Je smiled at her para pagaanin ang loob niya. Then she asked, “Pero seryoso, bakit mo nga naisipan na kaibiganin ako? Alam mo ba walang babae sa Rizal ang gusto akong friend? Kaya mas tropa ko pa sila Hanz, eh.”

Dana looked at her and wrinkled her nose as she thinks, “Hmm. Maniniwala ka ba kapag sinabi kong naku-cool-an ako sa‘yo noon pa?”

Muntik na naman siyang mabilaukan. “Ako? Cool??”

Kung irecord niya kaya ‘yon tapos ipagyabang kay Miko na may naaangasan sakanya?

“Oo kaya.”

“Kahit sabit ako sa Rizal dahil apo ako ni Mrs. Verna? Kahit na hindi ka nagkachance mapunta sa highest section dahil sa katulad ko?”

Umiling si Dana. “I don't mind not being in the highest section,” she said. “Ang totoo niyan, ayaw kong kaklase ang crush ko. Hindi kasi ako makakagalaw. Nahihiya ako.”

“Eh diba nga dapat mas magandang opportunity ‘yun para ishow off mo sakanya na active in class ka rin? Malay mo maging magkatunggali pa kayo dahil parehas kayong matalino.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now