Kabanata 1

607 40 9
                                    

Anna Luisa

Nagising ako sa isang malawak na kama. Napakalambot nito at ang sarap sa likod, at tsaka ko naalalang hindi ganto kama ko. Ng imulat ko ang mata ko ay nagulat ako sa paligid. May gantong lugar ba sa mansion sa Hacienda Bonifacio.

Kung meron bakit ngayon kolang to nakita? Bumangon ako at nag-unat ng katawan. At tsaka umupo sa kama.

"Ina, Ama, Annie nasaan kayo?" inaantok na tawag ko sakanila.

Pero bigo ako dahil ni isa kanila walang sumasagot. Nasaan kaya yung mga yun? Tumayo ako sa kama at pumunta sa isang pinto, at ng tingnan ko isa itong palikuran. Ayos tong kwartong to iba.

Pupungay akong pumasok roon at naghilamos. Hanggang sa maalala ko sila Margareth at Lawrence nasaan kaya sila?

Mukhang umuwi na pero imposible naman, diba nga ay patay na--hala oo nga pala wala na sila Tiyo. Bakit kasi kung sino pa kapwa Pilipino nila sila pa pala ang papatay sa kapwa Pilipino rin nila?

Mabait si Tiyo Andres Bonifacio sa katunayan siya ang nagbuo ng KKK, itinuring rin siyang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas. Ngunit marami talagang hadlang sa mabuting layunin niya.

Napatitig ako sa salamin at napansin ko ang pagbagsak ng mga luha ko kahit naghilamos ako.

"Mamimiss kita, Tiyo hangad ko ang katahimikan ng iyong kaluluwa." usal ko sa salamin. At nagpunas sa tuwalyang nakasabit dito sa banyo.

Ayos talaga tong banyong to kakaiba. Napakaganda sa paningin.

Lumabas ako at tsaka binuksan ang pinto ngunit nagulat ako na napakaraming pinto rin at may isang tao pa na dumaan.

Kaya agad kong sinara ang pinto, nasaan ako? Hindi to ang mansion alam ko hindi ito yun.

Hanggang sa umulit sa utak ko ang sinabi ni Sarah sakin.

'Ate Anna Luisa mag-iingat ka, nakatakda ng maganap ang dapat maganap. Magbabalik na ang tunay na Anna Luisa rito, magbabalik na siya.'

Di kaya eto yung sinasabi ni Sarah pero sana hindi sana guni-guni ko lamang ito o kathang isip.

Nakasandal lamang ako sa pinto dahil ayokong malamang tama ang hula ko.
Hanggang sa may tumunog mula sa labas kasunod nito ay katok. Kaya wala akong nagawa kundi buksan ito.

"Hi Ms. Bonifacio narito po ang milktea galing po yan kay Sir Bonifacio na kuya niyo po." nakangiting sabi niya pero wala akong naintindihan. Kaya natulala lang ako.

"Ano ang iyong winika ginoo? Di kita maintindihan?" takang sabi ko sabi ko sakanya kaya nagsalubong ang kilay niya. Na siyang kinagulat ko.

"Ah eto po pala yung milktea.." naguguluhang sabi niya at inaabot sakin ang baso na di ko alam kung anong laman nito. Naramdaman ko ang kung anong tubig na nagmumula rito. "..sige po miss aalis na ko." pagpapaalam niya tsaka umalis.

Ng makaalis siya ay sinarado ko agad ang pinto at dali-daling inilapag sa lamesa ang milktea kung tawagin nung ginoo kanina dahil ang hapdi sa kamay ng kakaibang lamig nito.

"Ano ba klaseng inumin to?" kunot noo na tanong ko sa sarili. Iniwan ko muna yun sa lamesa sa sala at pumasok sa kwarto kung nasaan ang higaan. Ng mapatingin ako sa salamin  na pagpasok mo palang ng kwarto ay bubungad sayo.

At gulat akong napatingin sa aking kasuotan. Ang salamin na kasi na ito ay kita ang iyong buong katawan. Napatakip ako sa aking balikat at binti. Ano't ganito ang aking kasuotan? Nasaan ba kasi ako?

Inilibot ko ang tingin sa paligid may nakita akong malaking kahon na kulay itim ano ang bagay na ito? Ngayon lamang ako nakakita ng ganto. Sa tabi naman nito ay parang may parang pindutan siya kaya dinampot ko ito at pinindot ang kung ano-ano laking gulat ko sa pagbukas ng kahon na kulay itim. Kaya naihagis ang kanina'y pinipindot ko sa kung saan. At napatalon ako sa kama ng sobrang bilis.

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now