Kabanata 24

131 21 0
                                    

Anna Luisa

"Sinong nagpunta sa ibang bansa?" biglang sulpot ni Rafael kaya napalingon kami sakanya at napakalas sa yakap ni Alonika. Kasama niya pala si Steven.

Nagkatinginan kami ni Alonika at natahimik. Dahil di namin alam kung ano ang aming isasagot kay Rafael. Nagulat naman ako ng makita ko ang pagkuyom ni Alonika ng kamao niya.

Kaya agad kong hinawakan ang kamao niya para pakalmahin siya, alam kong galit siya kay Rafael.

"Panahon na para malaman niya, Alonika at Aera." biglang sulpot ni Kuya, kaya napalingon sina Rafael at Steven sakanya.

"A-anong dapat kong malaman?" naguguluhang saad ni Rafael at nagpabalik-balik tingin samin nina Kuya. Sinenyasan ko si Kuya na siya nalang magsabi, dahil di namin kayang magsalita ni Alonika, dahil baka maiyak lang kami.

"Si Julia, hindi totoong may inaasiko siya. Dahil umalis na siya Rafael." deretsahang sabi ni Kuya kay Rafael kaya napatitig si Rafael sakanya ng may di makapaniwalang tingin.

"Umalis, edi babalik pa siya. Bakit kailangan niyong ilihim pa? Umalis lang pala eh.." kunot noo na saad niya samin, kaya lalo kaming natahimik ni Alonika at tsaka narinig ang paghikbi ni Alonika. Kaya napalingon si Rafael sakanya. "..bakit ka umiiyak? Babalik naman siya diba?" puno ng pag-asa na tanong samin ni Rafael.

Pero nanatili kaming tahimik ni Alonika at ni hindi naming sinubukang magsalita kaya kay Kuya siya bumaling. Napahugot ng malalim na hininga si Kuya at tsaka nagsalita. Akmang magsasalita na si Kuya ng unahan siya ni Alonika.

"Di na siya babalik, Rafael wag ka ng umasa. Kasalanan mo to, gago ka, umalis ang kapatid ko dahil sayo. Ikaw ang may kasalanan." sigaw ni Alonika at lumapit kay Rafael at pinaghahampas ito. Buti nalang nasa labas kami kaya walang nakakakita na mga bisita, kasi kung nasa loob kami, kahihiyan ito.

Todo awat naman si Rafael kay Alonika habang ako ay pilit pinapalayo si Alonika kay Rafael.

"Ng dahil sayo umalis ang kapatid ko, ng dahil sayo di na siya babalik. Alam mo bang di na siya nagpapigil pa, aalis na siya at di na babalik pa." sigaw ni Alonika sakanya kaya natahimik si Rafael.

"Nasaan siya? Pupuntahan ko siya. Kakausapin ko siya." saad ni Rafael at bakas rito ang pagsusumamo kay Alonika na sabihin sakanya kung nasaan si Julia.

"Huli na Rafael, huli na para puntahan at kausapin mo siya. Nakaalis na siya ng bansa.." matigas na saad ni Alonika sakanya at pinunasan mga luha niya. "..btw thank you for breaking my sister again. Imbes na makatulong ka, ay mas lalo pa siyang nawasak." matigas na dagdag pa ni Alonika, at sinampal si Rafael. Tunog na tunog ang sampal niya kay Rafael, dahilan para matahimik kaming lahat 

Napahawak sa pisngi niya si Rafael, pero di umalma at malungkot lang nakatingin kay Alonika.

"Ano bang kasalanan ko sakanya? Siya itong biglang umiwas." mapait na saad ni Rafael samin.

"Anong kasalanan mo? Ha! Bat kami tinatanong mo? Bat di mo tanungin sarili mo." gigil na sigaw ni Alonika sakanya. Kaya natahimik si Rafael..

"Totoo bang nakaalis na ng bansa si Julia, parang kanina lang papunta siyang probinsya." takang saad ni Kuya samin, kaya natigilan si Alonika at napatingin kay Kuya.

"Dapat talaga ay di pa siya aalis ng bansa, pero ng may makita siyang picture mo Rafael na nasa unit ni Aljean. Nagdesisyon siyang umalis agad ng bansa." malungkot na paliwanag ni Alonika kay Kuya.

Diba mamaya pang madaling araw biyahe ni Julia? Bakit pinalabas niya na nakaalis na ng bansa si Julia?

Gusto ko sanang magtanong kay Alonika pero baka makasira sa kung ano mang gusto niyang mangyari kaya di nalang ako nagtanong pa.

"Di totoo yan, mahal ko si Julia. Mahal ko na siya." bulong ni Rafael at tsaka nagbagsakan ang mga luha at napaluhod sa lupa. Agad namang umalalay si Kuya at Steven sakanya.

"Mahal? Huli na Rafael. Huli ka na." matigas na wika ni Alonika sakanya.

At doon ay tuluyang humikbi si Rafael, hanggang sa sumulpot sina Catriona, Ethan, Yuri at Jannine na nagtataka sa nangyayari.

"Babalik pa siya, alam kong babalik siya." bulong ni Rafael habang nakaalalay sakanya sina Steven at Kuya.

"Anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni Maxwell na naguguluhan din sa nangyayari. Samantalang lumapit naman sakin si Alonika at yumakap sakin at doon ay umiyak. Kaya todo alo ako sakanya.

"Alonika, please sabihin mo na babalik pa siya. Na babalik siya dito." pagsusumamo ni Rafael, pero di siya sinagot ni Alonika. Kaya si Kuya nalang ang nagsalita.

"Hayaan mo nalang muna si Julia, wala kang magagawa kundi umasa na babalik siya, pero sana ay wag ka masyadong umasa dahil walang kasiguraduhan kung babalik siya." payo ni Kuya kay Rafael.

"So guys, ang ibig sabihin ba nito? Pumunta sa ibang bansa si Julia?" tanong ni Catriona samin. Na wari mo'y naliwanagan na sa nangyayari.

"Oo bessy, nasa ibang bansa na si Julia." sagot ko sakanya, at dahil dun ay bumakas ang lungkot sa mukha niya at ng iba pa naming kasama.

"Hala di man lang tayo nakapagpalaam." malungkot na saad ni Jannine habang nakatingin kay Rafael na umiiyak pa rin at ganun din kay Alonika na umiiyak na nakayakap sakin.

"Guys, the party is not yet over. Di kayo pwedeng pumasok sa loob na ganyan lagay niyo." saad ni Maxwell samin kaya napalingon kami sakanya. Kaya tumayo si Rafael at inayos ang sarili, pero bakas pa rin ang lungkot sakanya. Ganun rin si Alonika ay agad inayos ang sarili. Pumasok kami sa loob na parang walang nangyari, pero simula ng pumasok kami ay di na nagkibuan si Rafael at Alonika.

Ang programa ay nasa parte na ng pagsasayaw sa gitna ng mga gustong magsayaw. Tapos na ang party, kaya kanya-kanya ng sayawan sa gitna.

Nandun sila Steven at Jannine, ganun rin si Maxwell na nagulat pa ko na si Alonika ang niyaya. Habang si Rafael ay tahimik rito sa lamesa at panay ang pindot sa cellphone niya. Si Yuri at Catriona naman ay parang baliw na nagpunta sa gitna, oo baliw talaga dahil para silang mga ewan sa gitna.

At kami naman ni Ethan ang naiwan sa lamesa kasama si Rafael, habang si Kuya ay kasayaw si Aira. Na kilig na kilig sakanya.

"Aera, di ko pa rin talaga mahulaan yung mga sinabi mo kanina." bulong ni Ethan sakin, kaya natawa ako sakanya.

"Wag mong sabihing, kaya kanina ka pa tahimik ay dahil ayan ang iniisip mo?" natatawang bulong ko sakanya. Kaya napakamot siya sa ulo niya..

"Me gustas,Ethan." nakangiting wika ko sakanya kaya napatitig siya sakin at mukhang naguluhan na rin siya.

"Ayan ka na naman. At tsaka nag-iisip na rin ako kung paano ako magsisimula na manligaw sayo." nakangusong sabi niya, kaya natawa ako sakanya. Dahil halatang problemadong-problemado siya.

Bahala siya diyan, dahil ayan ang kanyang nais at di ko naman siya pinilit. Walang nagpilit sakanya!

"Ano, manliligaw ka na kay Aera?" biglang sulpot ni Catriona, kasama ang iba pa naming kasama.

Kaya sabay kaming napatingin ni Ethan sakanila.

Paanong nandiyan na ulit sila? Ni hindi man lang namin namalayan.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now