Kabanata 15

195 26 0
                                    

Maxwell

"Aira, bumangon ka na diyan. Naghihintay na si Angge sayo sa sala." katok ko sa kwarto ni Aira. Btw her real name si Maxine Aira Sarmiento. Spoil siya dahil bunso siya at dalawa lang kaming magkapatid.

"Yes kuya, coming." sagot niya kaya tumalikod ako at napagdesisyunang bumaba sa sala. Kakamustahin ko si Aera ngayong araw kaya papakita ako sa school. Nabalitaan ko kasi na di pa siya tinitigilan ng mean girls.

Gusto ko siyang tulungan sa mga yun, pero malakas ang kapit ng tatlong yun sa nakakataas kaya nga walang nagrereklamo ng mga estudyante sa kanila eh..

Malaki masyado ang kapit nila kaya wala kaming laban na sakanila.

Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Angge roon. Her real name is Maria Angela Lastimosa. Di sila magkayear level ni Aira, mas matanda siya sa kapatid ko inshort magkaedaran lang kami ni Angge, pero kababata kasi namin si Angge kaya malapit sila ni Aira..

"Ah, Maxwell si Aira nasaan na?" tanong niya sakin, medyo may ilangan kami kasi we're not close. Pero nagkasomething kami noon, wag na natin ungkatin, nakaraan na yun..

"Ah, pababa na siya. Intayin mo nalang, sige na aalis na ko ah, ingat kayo papunta sa school niyo." paalam ko sakanya at lumabas ng bahay at medyo nawala ang awkward na bumabalot sakin.

Agad akong sumakay sa kotse ko at minaneho ito papuntang school, ilang araw na rin di nagpaparamdam si Ethan samin simula ng umuwi kami galing sa Ilog paraiso. Nakakausap naman namin si Aera pero ang lalim lagi ng iniisip niya.

Kaya minsan di namin siya makausap.

Pagdating ko sa campus ay bumungad sakin sina Julia at Rafael na kasama si Alonika pero wala si Aera. Dikit na dikit sina Julia at Rafael, akala ko ba fake relationship lang sila eh bakit grabe kung umaarte psh!

"Oy Maxwell, nandiyan ka na pala." bungad ni Alonika at nila Rafael sakin.

"Natagalan ka ata ngayon?" tanong ni Rafael sakin.

"Ginising ko pa kapatid ko eh, tsaka nandun din si Angge." sagot ko sakanya kaya binigyan niya ako ng nanunuksong tingin, ayan na naman siya sa mga ganyang tinginan. Alam niya rin kasi yung nangyari noon.

Barkada ko na sila nun, si Azrael lang di updated samin. Masyadong busy sa trabaho niya, kaya nga di pa yun nagkakagirlfriend.

Maya-maya pa ay dumating na si Aera, kumpara kahapon ay medyo okay na siya ngayon. Kasama niya sina Catriona at Yuri, pansin na pansin ang pagiging malapit nilang muli ni Yuri.

Hmm..wag mo sabihing may comeback na magaganap di ako papayag aba! Gagalaw na ako.

Kaya agad akong lumapit sakanila.

"Aera, buti naman nangiti ka na ngayon di katulad kahapon. Ang blanko ng awra mo." salubong ko sakanya.

"Hmmm..wala lang akong gana kahapon." sagot niya sakin.

"Tara na sa classroom baka malate na tayo. At kayong dalawa, Rafael at Maxwell magsipasok na kayo sa klase aba, kaklase pala namin kayo kaso ang tatamad niyo." sermon ni Catriona samin, naging malapit na talaga kaming lahat. Sumipag na rin kami pumasok ni Rafael ng dahil sakanila.

"Eto na nga diba papasok na kami." nakangusong sabi ni Rafael sakanya.

"Psh! Oh nasaan si Steven wag mo sabihing di tutupad sa usapan yun." seryosong sabi ni Catriona samin ni Rafael. Kaya nagkatinginan kami ni Rafael at parehas napakibit balikat.

"Sinong nagsabing di ako tutupad?" biglang sulpot ni Steven at for the first time nakauniform ito, pumapasok kasi siya ng nakacivillian. Tamad nga kasi.

"Nasaan si Jannine?" tanong ni Alonika kay Steven.

"Mamaya pa klase nun, iba kasi section nun kaysa satin." sagot ni Steven samin. Kaya napatango nalang kami lahat.

"Tara na guys, hatid muna natin tong sina Julia at Alonika at tsaka tayo pumasok sa klase natin." yaya ni Rafael kaya tumango kaming lahat at pumasok na sa campus.

Anna Luisa

Di ko matandaan ang mga nangyari kahapon, nagising nalang ako na nasa kama ako at nasa tabi ko sina Julia at Alonika, nung umaga ay naikwento nila sakin na wala daw ako sa wisyo kahapon, sobrang tahimik ko daw at di raw ako umiimik. Inaaway raw ako ng mean girls pero parang wala lang daw sakin.

Kaya hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung anong nangyari at wala akong maalala sa mga naganap sakin kahapon.

Nasabi rin nila sakin na nagkaganun daw ako mula nung umuwi kami galing Ilog paraiso.

Nandito na kami sa kantina dahil tanghalian na at kailangan na namin kumain, tulad ng dati ay sama-sama kami. Napansin ko rin ang pagkawala ng presensya ni Ethan, simula nung naganap samin medyo nailang ako sa kanya kaya maganda na rin na wala siya dito.

"Ah, punta lang ako sa parking lot. May kukunin lang ako sa kotse ko." pagtayo ko at pagpapaalam ko sakanila kaya napalingon sila sakin.

"Samahan na kita." pagpepresinta ni Maxwell, pero inilingan ko lang siya.

Kaya walang nagawa kundi umupo ulit, at ako naman ay nagpunta na sa parking lot.

Nagulat ako pagpunta ko ron ay nandun ulit yung matanda na nabundol ko noon na biglang nawala.

"Lola." usal ko ng makita siya at agad akong lumapit sakanya.

Ningitian niya ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Iha, nagsisimula na ang pagtatama. Kailangan mong maging handa sa mga mangyayari, may magbabago at may mabubura. Kaya mag-iingat ka iha! Sa pagtungtong mo ng ilog paraiso, tuluyan ng nabuksan ang libro ng pagtatama." sabi niya kaya napatitig ako sakanya. Magsasalita pa sana ako ng mawala ulit siya bigla.

Napapasok ako sa kotse ko at natulala nalang.

"Naguguluhan na ko sa mga nagaganap sakin sa taon na ito, gusto ko ng bumalik sa taon namin. Ayoko na dito, hindi ito nag taon ko. Di ako nararapat dito." bulong ko at bahagyang naluha nalang.

Ina, Ama at Annie

Iligtas niyo ko dito, pakiusap. Ibalik niyo ko diyan, gusto ko na kayong mahagkan at mayakap. Napayakap ako sa sarili ko at umiiyak.

"Ano ba kasi ang itatama, kung umpisa palang mali na napunta ako sa taon na to.." bulong ko sa ere. "..bawal ako mahulog sa kahit sinong nasa taon na to, kailangan kong bumalik sa taon ko para makasama si Juancho, siya lang mahal ko siya lang." dagdag ko pa.

Ako si Anna Luisa, hindi ako si Aera.

Kaya ibalik niyo na ko sa taon ko pakiusap, ayoko na ng mga kaganapan na ito.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now