Kabanata 25

143 21 0
                                    

Anna Luisa

Nagulat kami sa biglang pagsulpot nilang lahat, pero agad ding naalis ang tingin nila samin ng biglang ibagsak ni Rafael yung bote na hawak niya..

"Pre, anong nangyayari sayo?" tanong ni Steven sakanya at inalalayan ang wala na sa wisyo na si Rafael, ngumisi lang si Rafael at tumawa ng mapait.

"Wala na siya pre, wala na. Kung kailan hulog na hulog na ako dun pa siya nawala, wala pre kasalanan ko talaga.." mangiyak-ngiyak na saad niya kay Steven. "..ang bobo ko, kasi hinayaan kong mawala siya." mahinang saad niya at tsaka tinumba ang lamesa, dahilan para magbagsakan ang mga bote na nasa lamesa. Buti na nga lang ay wala ng bisita, bale kami nalang nandito kaya walang makakita nito.

Nakita ko naman ang paglapit ni Aira kasama si Kuya at Angge na nagtataka sa nangyayari.

Nasa lapag si Rafael at panay ang hawi sa mga bote na nasa lamesa.

"Pre, tama na." awat ni Maxwell sakanya pero di natinag si Rafael.

"Ang sama ko na ba? Ang sama-sama ko na ba para saktan siya, at ulitin ang nakaraan niya." emosyonal na tanong niya samin. Kaya napayuko ako, at napansin ko rin ang awa sa mukha ni Alonika pero wala siyang magawa. Dahil batid niyang makakagulo lang si Rafael sa gustong tahakin ni Julia.

"Di ka masama pre, di mo naman inakala na mamahalin mo siya diba? Deal lang yun diba lahat? Kaya pre tama na, kasi umpisa palang wala namang kayo." pagpapakalma ni Ethan sakanya.

"Oo deal lang yun, pero nahulog ako at ang ending napunta lang sa wala." malungkot na saad ni Rafael, habang patuloy sa pagbagsakan ang mga luha niya.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng sumulpot si Aljean kasama ang mga kaibigan niya.

"What the hell is happening here?" bulalas ni Aljean at nagtatakang nakatingin kay Rafael na nasa lapag at pinapakalma ng mga kaibigan niya.

Di na namin alam ang sunod na nangyari, ang tanging alam ko nalang ay sinugod ni Alonika si Aljean at pinagsasampal ito.

Kaya nagkagulo na kami.

"Ano ba? Bakit mo ba ko sinasampal? Ano bang ginawa ko sayo?" mataray na tanong ni Aljean kay Alonika.

"Ikaw may kasalanan kung bakit umalis ang kapatid ko, kayo ni Rafael. Ano masaya ka na? Umalis na kapatid ko.." sigaw ni Alonika na nagpatahimik kay Aljean at napalingon naman si Rafael sakanya. Bumaling si Alonika kay Rafael at tsaka nagsalitang muli. "..peste kayo, magsama kayo. Tara na ate, gusto ko ng umuwi." matigas na sabi ni Alonika at hinila na ko palabas ng venue. Agad namang sumunod si Kuya samin, dahil sakanya kami nakasakay eh. Kaya siya rin maghahatid samin.

Ng akmang pasakay na kami ay biglang sumulpot si Aira, Maxwell at Ethan sa harap ko. Bale nakasakay na si Alonika at ako nalang naiwan sa labas ng kotse.

"Ate Aera, sana ay maging okay si Alonika. Salamat po pala sa pagpunta." nahihiyang saad ni Aira sakin. Kaya ningitian ko lang siya.

"Ah, Aera ingat kayo pauwi. Nag-aalala ako kay Alonika eh." sambit ni Maxwell sakin kaya ningitian ko lang din siya.

"Wag kayong mag-aalala, ako na bahala kay Alonika. Wala iyon, Aira naging masaya naman ako." masayang sambit ko sakanya. Akmang sasakay na ko ng magsalita si Ethan.

"Aera, mag-iingat kayo. Patuloy kong huhulaan yung mga sinabi mo kanina." sabi niya sakin, kaya ningitian ko siya at sumakay na ng sasakyan at umalis na kami.

Ethan

Pagkaalis nina Aera, ay agad kaming pumasok sa venue kung saan nandun pa ang iba naming kasama.

"Alak pa, ano bigyan niyo pa ko alak." sigaw ni Rafael, at halata mong  lasing na lasing na.

Napansin ko namang wala na sina Catriona at Yuri mukhang umuwi na.

"Tama na Rafael, lasing ka na." pag-aawat ni Aljean sakanya, at dun ko lang napansin na wala na sina Charm at Rica. Maging si Jannine ay wala na din, habang si Aira at Angge ay pinauna na ni Maxwell bago pa kami makapasok sa venue.

"Aljean, may mali ba talaga ko? Sabihin mo." tanong niya kay Aljean at lumagok ulit ng alak. Hinihila naman ni Aljean ang bote para di niya mainom pero kinukuha pa rin ni Rafael.

"Tama na sabi eh, tsk kung gusto mo magpakamatay wag alak dahil gastos pa aabutin mo. Blade dapat, mas madali yun." masungit na singhal ni Aljean sakanya pero ningisian lang siya ni Rafael.

"Wag mo nga pakialaman, ayaw mo nalang ako samahan." inis na sabi ni Rafael kay Aljean at inabutan ito ng bote pero di iniinom ni Aljean, mukhang wala siya sa mood para uminom ngayon.

Ano ba kasing ginagawa nito dito?

"Sabing tama na eh, fuck pumunta ako dito para magpasalamat sa pagsaklolo mo sakin sa tangka kong pagsuicide. Pero shet, di ko akalaing ganto aabutan ko psh! Kung alam ko lang di na sana ako pumunta." iritang-irita na singhal ni Aljean sakanya. Ang maldita talaga kahit kailan.

Nagkatinginan kami ni Maxwell at lumapit na sakanila. At inaagaw lahat ng bote ng alak kay Rafael, at sinenyasan ko si Steven at Jannine na kunin na ito at itago.

"Pre, tama na aba. Lasing na lasing ka na." saway ni Maxwell sakanya.

"Kulang pa to pre, di pa rin nawawala yung sakit mga pre. Di pa rin nawawala sa isip ko na umalis na siya.." malungkot na sambit niya, kaya napalingon si Aljean sakanya at bumakas ang lungkot sa mukha niya dahil sa itsura ni Rafael. "..nakailang bote na ko pero di pa rin sapat para mawala panandalian yung sakit." dagdag pa ni Rafael, at tinititigan kami ni Maxwell.

"Pero di alak ang sagot sa sakit Rafael, sakit lang aabutin mo." sabi ni Aljean sakanya, kaya natatawa naman siyang nilingon si Rafael.

"Edi magkasakit, wala na rin namang saysay ang buhay ko ngayon. Minsan nalang ako magkagusto, nawala pa." natatawa at maluha-luhang sabi niya samin. At tinungga ang kaisa-isang bote ng alak na di namin naagaw sakanya.

Ng maubos niya ito ay tumayo siya at halos matumba-tumba siya. Ngumiti siya samin at naglakad palayo na pasuray-suray.

"Aljean, please ikaw na bahala kay Rafael. May gagawin pa kasi ako." pakiusap ni Maxwell sakanya.

"Ako din eh, I have something to do, nandiyan naman sina Steven at Jannine. Pakitulungan nalang sila sa pag-asikaso kay Rafael." sabi ko naman sakanya.

"What the hell, ipapaubaya niyo sakin kaibigan niyo. Wtf?" di makapaniwalang bulalas ni Aljean samin. Pero ng bigyan namin siya ng nakikiusap na tingin ay agad siyang tumango, senyales na pumayag na siya..

Kaya agad na niyang sinundan si Rafael, at kasunod naman niya sina Jannine at Steven.

"Rafael, magdahan-dahan ka nga." sigaw ni Aljean kay Rafael na pasuray-suray pa din sa daan.

Mukhang lasing na lasing siya. Hys, sobrang daming nangyari ngayong araw. Kung nasaan ka man Julia, please comeback soon.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now