Kabanata 38

106 24 0
                                    

Anna Luisa

Di ko alam kung ano ang naghihintay sakin sa pagbabalik sa Poblacion Indang, alam kong may mangyayari. At nararamdaman ko ito, kahit na malayo pa ang biyahe ko parating sa poblacion.

Ang poblacion kung saan kami nagmahalan ni Juancho, ang poblacion kung saan nakatayo ang mansyon ng mga Bonifacio at higit sa lahat ang poblacion kung saan ako nagmula.

Habang nasa biyahe ay di ko mapigilang isipin si Ethan, di pa sana ako aalis. Sobra lamang ako nasaktan na di niya man lang ako kinausap. Kaya naisip ko na baka nakapili na siya, at hindi ako ang pinili niya.

Mas makakabuti na rin yun, dahil iiwan ko din naman siya. At babalik ako sa taon ko, sa taon na nararapat ako at haharapin ang mga magiging kaganapan sakin. At kaya din ako umalis ng maaga ay para wala pang tao sa mansyon at mahanap ko ang libro ng angkan ng Bonifacio na siyang pakay ko.

Ang sabi ni Kuya, pagdating ko daw doon ay wala pang tao kaya kinuha ko na yung tsansya na yun para mahanap ang libro.

Ako na ang nagmaneho dahil ako lang naman ang uuwi sa probinsya. Habang si Kuya raw ay susunod sa Lunes habang si Alonika ay bukas na ang biyahe papunta sa ibang bansa kung saan naroon si Julia.

Kaya ko naman magmaneho, sadyang takot lang ako dahil baka may mabangga ako. Pero dahil mag-isa akong uuwi ay wala akong pagpipilian kundi ang magmaneho para sa sarili. Todo paalala nga si Kuya bago ako umalis eh.

At tsaka nagulat sila na pag-uwi namin ng condo unit ni Alonika, sumama kasi si Kuya dahil wala naman daw siyang gagawin sa office niya dahil bukas daw nakatambak lahat ng dapat niyang gagawin. Nagulat sila na bigla kong sinabi sa kanila na mauuna na ako sa poblacion ngayon din.

Naibigay kaya ni Rafael ang liham kay Ethan? Sana oo, dahil sa tingin ko iyon ang huling mga salita na maari kong masambit sakanya. Dahil kahit ako mismo sa sarili ko ay di sigurado kung makakabalik pa ko.

Sa paglipas ng oras ay naging maayos naman ang pagmamaneho ko hanggang sa bumungad na sa akin ang napakalaking arko ng Poblacion Indang at agad naman akong nagmaneho papunta roon, madaling araw na pala ng tingnan ko ang oras sa cellphone ko. At pagdating ko sa tapat ng mansyon ay agad akong bumaba at kinuha ang susi na binigay sakin ni Kuya para raw mabuksan ko ang mansyon.

Pagbukas ko ng gate ay agad kong minaneho ang kotse ko papasok sa loob at tsaka bumaba muli para isarado ang gate, wala daw kasi sila Mommy at Daddy rito. Nasa Maynila ang mga ito para hintayin sina Lara.

At ng maisaayos ko ng paglalagay ang kotse ko ay pumasok na ko sa loob, saktong buhos naman ng ulan ng makapasok ako sa loob. Buti nalang ay bitbit ko na mga gamit ko, at buti nalang din ay di ako inabot ng ulan sa daan.

Dahil delikado raw ito sabi ni Kuya lalo na't di ako sanay magmaneho ng kotse ng mag-isa. Binuksan ko ang ilaw at umupo sa sala. Saktong pag-upo ko ay tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag.

Kaya agad ko itong sinagot.

"Aera, ano nandiyan ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya sakin.

"Oo narito na ko bakit? Halos kadarating ko lang." sagot ko sakanya.

"Sabi ni Mommy at Daddy ay nandiyan na daw si Lara nung isang araw pa, bale sila Tito at Tita ang nahuli kaya may kasama ka na diyan. Mag-iingat kayo dahil may bagyo diyan ngayon, baka sa Martes pa kami makapunta diyan lahat sasabay na ko kila Mommy kaya mag-iingat kayo diyan." sabi niya dahilan para matigilan ako, nandito na si Lara. Eh nasaan?

Saktong paglingon ko sa hagdan ay halos mapahamak ako sa dibdib ko sa gulat, ramdam ko pang namutla ako dahil sa gulat.

"Anna Luisa?" gulat na saad niya, dahilan para matahimik ako. Kaya wala ako sa wisyong napatay ang tawag ni Kuya, text ko nalang siya mamaya. Para di na siya mag-aalala.

Anna Luisa? Paano niya nalaman pangalan ko?

"Sino ka? At bakit Anna Luisa tawag mo sakin?" takang tanong ko sakanya. Kaya bumaba siya ng hagdan at lumapit sakin at pinakatitigan ako.

"Alam kong di ko personal na kilala si Aera dahil sa tagal kong namalagi sa ibang bansa, pero alam ko kung sino ka? Dahil lagi kitang napapanaginipan." paliwanag niya sakin dahilan para matigilan ako at mapatitig sakanya.

"Anong n-napapaganipan mo?" kinakabahang tanong ko sakanya.

"Ang tungkol sayo, at ang dahilan kung bakit ka narito sa taon na ito." sabi niya sakin, at ng mapatitig ako sakanya ay doon ko napansin ang pagkakahawig nila ni Sarah.

"Teka, Sarah ikaw ba yan?" wala sa sariling tanong ko sakanya, kaya natawa siya.

"Sarah, sino yun? Anna Luisa, ako si Lara Bonifacio, hindi ako si Sarah." natatawang sabi niya sakin at umupo sa upuan kaya umupo na rin ako, napatayo kasi ako sa gulat ng makita ko siya kanina.

"Kamukha mo siya, Lara sobra!" saad ko sakanya. "..dahil kung totoo ngang kilala mo ko at nakikita mo  kung saan ako nanggaling, ang Sarah na tinutukoy ko ay siyang nagdala sakin sa taon na ito." kwento ko sakanya. Kaya napatingin siya sakin.

"Pero teka? Kung hindi ikaw si Aera, at ikaw si Anna Luisa? Nasaan si Aera?" takang tanong niya sakin.

"Di ko alam, nagising na lamang ako sa eksaktong araw ng.." sandali akong napatigil ng mapansin kong  nakatitig siya sakin at muling nagpatuloy. "..kamatayan nila Tiyo Andres noong Mayo 10, 1897 sa isang condo unit ni Aera. Di ko na alam ang iba pang nangyari kung paano ako napadpad doon." kwento ko sakanya.

"Mukhang may dahilan ang lahat ng ito, wala na akong ibang alam sayo. Tanging ang alam ko lang ay di ka si Aera at sa taong 1897 ka galing.." saad niya sakin, dahilan para matigilan ako. Ibig sabihin limitado lang ang alam niya sakin, dahil sa panaginip niya lang naman nalaman ang tungkol sakin. "..pero ikaw ang dahilan kaya niyaya ko sila Mommy na umuwi rito." sambit niya pa dahilan para lalo akong matigilan.

"A-anong i-ibig s-sabihin mo?" garalgal na tanong ko sakanya.

"May nagsabi sa panaginip ko, na kailangan kitang samahan sa pagtatama ng mga maling nakatala o nakasulat sa kasaysayan ng ating angkan. Dahil sabi ng matanda sa panaginip ko ay may malaking pagkakamali ang nakaraan sa kasalukuyan na kailangang itama." saad niya sakin, dahilan para matahimik ako at mapatitig nalang sakanya. Ano bang pagkakamali yun? Ganung di namin alam kung anong pagkakamali yun.

At paano namin maitatama?

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon