Kabanata 37

103 21 0
                                    

Ethan

Di ako makapaniwala na makikita ko siya ulit,di ko akalaing magkikita pa kami ulit. Pero bakit ganto ang  nararamdaman ko? Bakit parang may iba sakin? Akala ko patay na siya, kasi yun ang sabi sakin ng mga magulang niya. Ano yun? Bumangon siya siya ulit sa hukay? Wow just wow!! Nung makasalubong namin sila ay hinila ko agad si Aera paalis ni hindi na nga kami nakapag-usap ng maayos ni Aera hanggang ngayon, wala kaming pansinin.

Lalo na ang katotohanan na aalis na siya bukas, matagal ko siyang di makikita. Di ko kasi alam kung paano siya kakausapin, dahil nagstuck ako sa punto na nakita ko si Eunice ngayong umaga lang, di naman ako masaya. Di rin natuwa, basta iba ang naramdaman ko ng makita ko siya ulit, ganun pa rin mukha niya walang pinagbago siya pa rin ang babaeng minahal ko noon.

"Pre? Bakit nandito ka pa?" biglang sulpot ni Rafael kaya napabangon ako sa kama na hinihigaan ko.

Umalis na kasi sila, kaya ako nalang naiwan dito sa tree house. Nagdecide kasi ako na wag na munang pumasok, dahil di ko kayang makita diyan sa paligid si Eunice.

"Tinatamad akong umuwi." sagot ko sakanya, kaya naglakad siya papunta sakin at umupo sa kama.

Nagulat nga ako ng mapadpad siya dito eh, ngayon lang ulit siya pumunta dito eh kaya nagulat talaga ako sakanya.

"Nagkita na kayo noh?" he said kaya napalingon ako sakanya. At kinunutan siya ng noo.

"Alam mo na nandiyan na siya?" takang tanong ko sakanya.

"Hmmm..accidentally lang na ako ang hinila ni Aljean para pumunta sa Airport para sunduin ang mga magulang niya.." panimulang kwento niya at tumigil saglit at tumititig sa kawalan. At tsaka muling nagpatuloy. "..at kahit ako nagulat ako ng malaman ko na magkapatid sila ni Aljean." dagdag niya pa.

"Di mo alam na kapatid ni Aljean si Eunice?" sabi ko sakanya.

"Hindi eh, kaya nga nagulat ako diba? Maiba tayo anong plano mo nan ngayon?" sabi niya at lumingon sakin, madilim na sa labas. Senyales na gabi na at wala ng tao sa campus.

Tanging kami nalang ata ni Rafael nandito. Pwede naman kami tumambay dito, hanggang gusto namin. Basta lang ay wala kaming gagawin na kababalaghan, yan ang bilin ng principal samin noon.

"Plano? Di ko alam. Sa ngayon wala pa kong plano, dahil gulong-gulo ako." sabi ko sakanya kaya napatingin siya sakin at napahugot ng malalim na hininga.

"Pero pre, wag mo hintaying may isang mawala sayo. Bago mo pa malaman kung sino na ba talaga, lamang sayo." payo niya sakin, dahilan para mapaisip ako.

"Pero wala talaga akong maisip ngayon na kung anong dapat kong gawin.." sagot ko sakanya. Kaya napatango nalang siya. "..teka nga maiba tayo? Kayo na ba ni Aljean?" tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.

"Aljean? Hindi ah, magkaibigan lang kami at naging close lang talaga sa isa't-isa. Alam mo naman kung sino gusto ko diba?" he explained, kaya napatango ako.

"Si Julia?" tanong ko sakanya.

"Oo pre, alam kong suntok sa buwan na umasa na babalik siya. Pero handa akong maghintay!" nakangiting saad niya sakin.

"Wow, well intayin nalang natin ang pagbabalik ni Julia." nakangiting sabi ko naman sakanya.

"Ay oo nga pala, kaya ako pumunta dito para iabot ang letter galing kay Aera. Nakaalis na siya kanina pa, inaagahan niya kasi ang alis dahil maaga rin ang dating ng pinsan nila." sabi niya, dahilan para magulat ako. At matahimik nalang, nakaalis na siya! Bakit? Di man lang kami nakapag-usap.

Kaya tahimik kong inabot ang letter na galing raw kay Aera.

"Nakapag-usap kayo ni Aera?" tanong ko sakanya.

"Oo, ako na nakipag-usap kasi ayoko din naman magsembreak na puro iwas nalang ako sa inyo. Lalo na ngayon na alam kong kailangan mo ng bestfriend." nakangiting saad niya sakin.

"Aba! Welcome back, namiss ka  namin." natatawang saad ko sakanya at tsaka binasa ang letter na galing kay Aera.

Ethan,

Alam kong di na tayo nag-usap mula kanina, ramdam ko naman kung sino yung babaeng nakasalubong natin kanina, siya si Eunice diba? Ayan na siya Ethan ang babaeng inakala mong patay na at ang babaeng iniyakan mo noon sakin, okay lang ako Ethan, nandiyan na siya. Nandiyan na yung hinihintay. Pwede mo na siyang balikan? Wala pa namang tayo kaya sa kanya mo na ituon at ibuhos lahat ng pagmamahal mo. Ethan salamat sa lahat! Salamat sa lahat ng saya na pinaramdam mo sa tulad ko..

Alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko ngayon, alam ko namang balang araw ay malalaman mo rin lahat ng di mo pa alam. Ethan, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako muli. Walang kasiguraduhan kung magkikita tayong muli!

Pero nais kong malaman mo na masaya ako na nakilala kita.

Te Quiero Ethan!

- Aenna Rana Bonifacio

Te quiero? Ano ba kasi ibig sabihin nan? Ilang beses ko ng nababasa yan? Pero wala pa rin akong ideya kung anong ibig sabihin nan?

At dahil si Rafael ang nandito kaya sakanya ko naisipang itanong ang ibig sabihin ng te quiero.

"Raf? Alam mo ba ibig sabihin ng te quiro, lagi kasing sinasabi sakin to ni Aera pag magkasama kami.." tanong ko sakanya, kaya nagbukas siya ng cellphone niya at may kung anong pinindot. "..oy sabi ko anong ibig sabihin ng te quiero, wala akong sinabing magbukas ka ng cellphone." umiiling na sabi ko sakanya.

"Naggogoogle translate ako, abno ka ba? Di mo ba alam mag google translate jusq." natatawang sabi niya. At doon ko lang narealize na, oo nga noh! Bakit di ko naisipang maggoogle translate? bobo ko sa part na yun.

"Nakalimutan ko pre!" natatawang sabi ko sakanya, kaya tinawanan niya lang ako at nagtype na sa google translate..

Tinype niya ang te quiero, at natulala nalang ako sa lumabas na resulta.

"Hala ang galing ni Aera ah? Alam niya magspanish?" namamanghang sabi ni Rafael pero di ko siya pinansin at natuon ang pansin ko sa resultang lumabas na ibig sabihin ng te quiero.

Mahal kita

Ayan ang ibig sabihin ng salitang yun? Mahal din ako ni Aera? Mahal din niya ako.

"Pre, mahal din ako ni Aera? Mahal niya ko." maluha-luhang saad ko sakanya kaya napatingin siya sa akin at mukhang narealized niya rin ang ibig kong iparating.

"Hala ka? Pero bakit kailangan magspanish pa siya? Di niya ba kayang sabihin ng deretso?" taka at nakakunot noo na saad ni Rafael.

"Kung anuman ang dahilan niya ay naiintindihan ko, kaya pre! Nakapagdesisyon na ko. Susundan ko siya sa probinsya nila." nakangiting saad ko sakanya.

"Pero paano si Eunice? Nakiusap siya sakin na gusto niyang magkausap kayo." saad niya sakin, kaya natigilan ako.

"Sige mag-uusap kami, sabihin mo sakanya na magkita kami sa ilog paraiso. Kung saan una kaming nagkakilala.." sabi ko sakanya at tumayo na. "..tara na umuwi na tayo! Salamat nga pala sa pagbigay sakin ng sulat." nakangiting sabi ko sakanya at inalalayan siya patayo ng kama. At tsaka kami sabay na lumabas ng tree house.

Intayin mo lang ako Aera, magkikita pa tayong muli. Dahil susundan kita diyan para makasama ka, di man bukas ay baka sa Lunes na ko makapunta may mga dapat pa din kasi akong asikasuhin.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now