Kabanata 17

159 26 0
                                    

Rafael

"Talaga ba pre, pupunta si Azrael sa birthday ni Aira. At kapatid niya pala si Aera?" di makapaniwalang sabi ni Steven, nandito kami ngayon sa tree house na tambayan namin. Bukas na ang birthday ni Aira na kapatid ni Maxwell. Actually lahat kami malapit kay Aira, maliban kay Azrael na nabwibwisit sa kakulitan ni Aira.

"Oo, nakita namin siya sa mall kahapon ni Aera. Gulat nga ako ng malaman ko na magkapatid sila kasi di halata." natatawang kwento ni Maxwell.

Di ko na sila pinakinggan at naglayag na ang isip ko sa kung saan-saan. Di muna kasi kami sumama sa canteen kay na Aera dahil gusto muna naming tumambay sa Tree House namin.

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila, lilibangin ko muna siguro sarili ko.

Naglalakad ako papunta sa garden ng may makita akong babae na may hawak na blade, anong gagawin niya dun? Kaya dali-dali akong nanakbo sakanya. At inagaw ang blade niya.

Kaya natumba siya at ganun rin ako.

"Miss, ano sa tingin mo ginagawa mo?" tanong ko sakanya at tumayo na. Di ko pa nakikita mukha niya dahil nakatalikod ako sakanya.

Kaya ng makita ko siya, ay nakita ko siyang umiiyak. At nakaupo sa damuhan. At doon ko lang napagtanto kung sino siya.

Siya si Aljean, leader ng mean girls. Kaya nilapitan ko siya, at umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ba pinakialaman mo ko?" inis na sigaw niya sakin at pinaghahampas ako. "..alam mo bang naantala ang pagpunta ko sa kabilang buhay dahil sayo." sigaw niya pa at pinaghahampas ako ng todo, panay aray naman ako at awat sakanya.

"Miss, mali kasi yang binabalak mo." sabi ko sakanya.

"Kailan pa naging mali ang magpakamatay, kailan pa naging mali ang pagpatay ko sa sarili just to leave this world. I don't deserve to be here." humihikbing na sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. Natahimik naman ako at napatingin sakanya.

Di ko akalaing may gantong side ang isang leader ng bully sa campus namin.

"Wag mo ngang sabihin yan, nandito ka kasi may purpose ka." sagot ko sakanya.

Natatawa naman siyang nilingon ako at kinunutan ako ng noo.

"Okay ka lang, purpose! Anong purpose pinagsasabi mo diyan? Ano yun ang purpose ko ay saktan ng saktan ng mga taong nasa paligid ko, wow what a nice purpose ass." natatawang sabi niya at tumayo at walang pasabing iniwan ako. Naiwan naman akong tinatanaw siya na palayo.

Nakakaawa siya, she felt empty and alone pero walang nandiyan para sakanya.

Tumayo at nagpagpag ng sarili at bumalik na sa Tree House, naabutan ko naman sila dun. At nandun na pala sila Aera at nandun rin si Julia.

Masaya naman ako pagkasama ko si Julia pero di ko maramdaman na gusto ko siya o nahuhulog na ko sakanya.Pero gustong-gusto ko siyang kasama..

"Oh Rafael, taray mo maglibang ah. Kausap mo si Aljean dun sa garden." pang-aasar ni Steven sakin kaya napatingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

Di ko alam kung bakit napabaling ako kay Julia na ningitian lang ako at bumaling sa kapatid at mga kaibigan.

"Guys, may gagawin pa pala ako. Una na ako.." pagpapaalam niya at nilingon ako at ngumiti sakin. "..alis na ko Raf." she said and walang pasabi na umalis. Sumunod naman sakanya si Aera at Alonika.

Naiwan naman kaming tahimik.

What's wrong with you, Julia?

Anna Luisa

Pagkatapos kumain ay nagyaya sila na pumunta sa tree house at nagulat talaga ako sa biglang pag-alis ni Julia. Kaya nagdesisyon kami ni Alonika na sundan si Julia.

Nakita namin siya sa hallway na umiiyak. Wala na kasing estudyante, wala kasing klase ulit ngayong hapon dahil may mahalaga raw inaasikaso ang mga guro namin.

Nakaupo siya at nakasandal sa pader. Agad naman kaming lumapit sakanya.

"Julia." nag-aalalang tawag ni Alonika sakanya.

"Alonika, bakit apektado ako? Bakit nasasaktan ako. Bakit nadudurog ako kahit hindi dapat?" garalgal na tanong niya sa kapatid at malungkot na tiningnan kami ni Alonika.

Niyakap naman siya ni Alonika ng mahigpit para kumalma ito.

"Bakit kailangang maramdaman kong muli to? Bakit imbes na makatulong siya na makalimutan ko ang past ko, bakit parang nakakadagdag pa siya? Bakit Alonika? Bakit Ate Aera, mali bang pumasok kami sa gantong relasyon na umpisa pa lang ay ayaw niya." umiiyak na sabi niya kaya lumapit ako sakanya at pinunasan ang luha niya.

"Oo mali, Julia. Maling pinasok mo ang sarili sa sitwasyong alam mong ikaw ang nabibigo at madudurog. Mali na pinilit mo siya para tulungan kang makalimot pero, kailangan mo rin tanggapin na ganun ang sitwasyon niyo? Bawal ka magreklamo kasi ikaw ang nagnais ng ganyan sakanya." sabi ko sakanya. Kaya natahimik siya at napatitig sakin.

"Mabuti pa tara sa Mall bili tayong regalo para kay Aira, at para makalimot ka saglit." yaya ni Alonika sa kapatid. Nung una ay di pumayag si Julia pero dahil makulit ang kapatid niya ay pumayag na rin siya..

Palabas na sana kami ng eskwelahan ng makasalubong namin sina Charm at Rica na pawang may hinahanap.

Nagulat naman kami ng lumapit sila samin.

"Ah, Aera nakita niyo ba si Aljean?" tanong ni Charm samin habang si Rica ay masama ang tingin samin.

"Hindi eh, try niyo itanong kay Rafael." biglang sabi ni Julia, napatingin naman kami kay Julia na malungkot ang mga mata.

Paano niya nagagawang magpanggap na ayos lamang siya?

"Ah sige salamat, Rica tara na." sabi ni Charm at hinila na si Rica.

Ng maiwan kami ay kakamustahin sana namin nararamdaman ni Julia pero inunahan niya kami magsalita.

"Tara na baka matraffic tayo." yaya niya samin at nauna na.

Nagkatinginan naman kami ni Alonika at napakibit balikat nalang.

"Kailangan niya tayo ate, wag natin siyang iiwan." sabi ni Alonika sakin.

Kaya napatango ako.

Ng makarating kami sa parking lot ay agad kaming sumakay sa kotse ko para makapunta na kami sa mall. Pagdating namin dun ay nagyaya muna silang kumain.

Di ba sila nabubusog? Kakain lamang namin kanina. Pero dahil sa makulit silang dalawa ay pumayag na ako.

Dito kami kumain sa kinainan namin ni Maxwell kahapon.

"Nakapagdesisyon na ako, iiwasan ko na si Rafael. At kakalimutan yung deal namin." biglang sabi ni Julia kaya napatingin kami sakanya.

"Wag mong sabihing may nararamdaman ka na para kay Rafael?" asik ni Alonika sa kapatid.

"Sa totoo lang di ko ineexpect na aabot ako sa gantong punto, pero Oo may gusto na ko sakanya habang maaga pa kailangan ko ng agapan bago pa lumalala.." nakangiting sabi niya at tumigil saglit at muling nagpatuloy. "..tama na yung nasaktan ako noon, tama na yung umiyak ako noon. Huli na yun! At hindi ko hahayaang mauulit muli iyon sa pagkakataong ito." dagdag niya pa at kumain na.

Nagkatinginan naman kami ni Alonika at bakas ang pag-aalala sa mukha namin.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now