Kabanata 16

165 24 0
                                    

Ethan

Nandito ako sa lugar kung saan ko nakilala si Eunice, sa lugar kung saan nagsimula ang lahat samin. Dito sa Milktea Shop. Mahilig kasi akong magmilktea then ganun rin siya.

Nakilala ko siya sa tulong ni Steven, nagkataon kasing magpinsan sila ni Eunice. Masaya naman kami, wala kaming pinagtatalunan kaso di ko lang alam ang nangyari.

"Psh! Akalain mo nga naman nandito ka na naman.." sulpot ni Aljean na umupo sa harap ko. At ininom ang milktea niya. Di ko siya pinansin at uminom lang ako ng milktea na inoorder ko kanina. "..di ka pa ba papasok? Wag mo ubusin oras mo dito dahil di na babalik yun kahit makailang ulit kang bumalik dito di na babalik ang kapatid ko." deretsahang sabi niya kaya napatitig ako sakanya.

"K-kapatid m-mo si Eunice?" gulat na tanong ko sakanya.

"Ay hindi mo alam, sabagay di naman ako tanggap ng kapatid ko kaya nga lahat sila nasa ibang bansa samantalang ako nandito psh!! Alis na ko ah, wag ka ng babalik dito, dahil di na babalik yun." sabi niya at tumayo na at iniwan ako, naiwan naman akong pinagmamasdan ang likod niya na palayo na.

Magkapatid sila? Ano bang meron sayo Aljean? Bakit magkaiba kayo ng ugali ni Eunice?

Tumayo ako at lumabas ng milktea shop. Papasok nalang siguro ako kahit late. Ilang araw na rin akong di pumapasok, naiilang kasi ako kay Aera dahil sa nagawa ko sakanya.

At tsaka naguguluhan din ako sa nararamdaman ko, alam kong si Eunice pa rin pero di ko maiwasang maguluhan tuwing maiisip ko si Aera. Napapangiti ako tuwing naalala ko ang mukha niya.

Naglakad ako papuntang parking lot ng milktea shop at tsaka tinext sina Maxwell na papasok na ako. Mukhang nasa klase sila kaya di nila mukhang nabasa ang message ko pero bahala na kailangan kong harapin kung ano man kinakatakot kong harapin, dahil sa naganap samin ni Aera.

Anna Luisa

Pagkatapos ng maghapong klase naging balisa na ulit ako dahil sa pagpapakita ng matanda sakin noon, at sa mga katagang binitiwan niya. Kaya di ko namalayan na pumasok na pala si Ethan.

Di ko siya pinapansin dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Kaya ng niyaya ako ni Maxwell na magtungo sa mall ay pumayag ako, makaiwas lang kay Ethan.Kaya eto kami at nasa mall, may nais raw kasi siyang bilhin para sa kapatid niya, kaarawan daw kasi nito sa isang araw. Kaya inihahanda niya ang regalo para rito.

"Anong klaseng regalo ba gino-- Maxwell ang bibilhin mo sa iyong kapatid?" tanong ko sakanya.

Kaya napatingin siya sakin.

"Sa totoo lang Aera, wala akong ideya sa mga gusto at hindi ni Aira kaya sinama kita dito. Kasi baka ikaw ang makapili ng dapat kong iregalo sakanya." sabi niya sakin, kaya napatango ako.

Ano bang nais ng mga katulad ni Aira? Di ko kasi siya ganap na kilala kaya nahihirapan din akong tukuyin ang mga nais niya.

"Mahirap nga ang ating gagawing paghahanap, di ko ganap na kilala ang iyong kapatid." pagpapakatotoo ko sakanya.

Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko, ano namang nakakatawa dun?

"Anong nakakatawa, ginoo sa aking mga tinuran?" takang tanong ko sakanya.

"Ang lalim mo kasi magsalita, para kang galing sa taong 80's pft." medyo natatawang sabi niya.

Galing naman talaga ko sa ibang taon, sa taong 1897. Malayong-malayo sa taong 2020, kaya talagang malalim ako magwika.

Di ko na siya pinansin at iniwan na siya, medyo napikon ako kaya hinabol niya ako.

"Sorry na, tara na hanap na tayo." sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila na ko kung saan.

Marami kaming pinasukan na mga shop daw tawag dun eh, at wala pa rin kaming napipili. Hanggang sa napagdesisyon ni Maxwell na kumain daw muna kami, dahil gutom na raw siya at batid niyang ganun din daw ako di lang daw ako nagsasalita.

Pero totoo talagang kumakalam na ang aking sikmura dahil gabi na rin at wala pa kong kain mula ng umawas kami sa klase kanina.

Dinala ako ni Maxwell sa isang restaurant, Mcdo raw yun rinig ko sa mga taong nakain rito.

Umoorder si Maxwell at iniwan ako sa isang lamesa hanggang sa may umupo sa harap ko, at napangiti ako sa nakita ko.

Si Kuya Azrael.

"Kuya." sambit ko sakanya.

"Anong ginagawa mo mag-isa dito? Wala ka bang kasama?" tanong niya sakin, sasagot na sana ako ng sumulpot si Maxwell dala ang pagkain namin.

"Oh, Azrael nandiyan ka pala tol. Magkakilala kayo ni Aera?" sabi ni Maxwell at inilapag ang pagkain namin sa lamesa.

"Kapatid ko yan si Aera, Aenna Rana Bonifacio. Di mo ba napansin apelyido namin? Hunghang ka talaga." sabi ni Kuya kay Maxwell. Magkakilala pala sila. Di ko na sila pinansin at kumain nalang ako dahil nagugutom na ako.

"Eh magkapatid pala kayo?" namamangha na sambit ni Maxwell.

"Oo, wala bang nakwento sayo si Rafael na nakilala niya kapatid ko. Aba teka bakit pala magkasama kayo?" usisa ni Kuya, di ko sila pinansin dahil ibinuhos ko ang atensyon ko sa pagkain, dahil gutom talaga ako. Nanatili lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Ah, magkaklase kasi kami. At magkakaibigan na kami sa eskwelahan. Nagpasama ako sa kanya na bumili ng regalo para kay Aira." sabi ni Maxwell kay Kuya.

"Oo nga pala magbibirthday na si Aira sa isang araw. Psh! Kailangan ko na palang ihanda ang regalo ko sa makulit na yun." umiiling na sabi ni Kuya.

"Naku, Azrael kahit wala ka ng regalo. Presensya mo lang sasapat na sa kapatid ko.." natatawang sabi ni Maxwell kaya sinamaan siya ng tingin ni Kuya."..Oh bakit? Anong masama. Age doesn't matter ika nga nila." pang-aasar pa ni Maxwell kay Kuya.

"Psh! Ayoko sa bata. Masyado siyang bata sakin. Btw ilang taon na nga yun sa isang araw?" tanong naman ni Kuya.

"Mag-18 na siya, maglelegal age na. Kaya nga pinaghahandaan ng family namin, surprise party kasi yun at wala siyang kaalam-alam na uuwi sila Mommy at may party na magaganap sa birthday niya." sagot ni Maxwell sakanya.

Ano ba yan? Edad lang tinanong pero haba na ng eksplanasyon.

"Wow, uuwi sila Tita. Tiyak na masarap ang mga handa. Siya pupunta ako." sabi ni Kuya sakanya.

"One last request, Azrael. Can you be the last dance of my sister? At kantahan mo na din siya." sabi ni Maxwell kay Kuya, napaisip naman si Kuya at walang pasubaling tumango.

"Kuya, ano nga palang ginagawa mo dito?" singit ko sakanila. Kaya napatingin sakin si Kuya.

"Bibili lang sana ako ng mcfloat ng makita kita kaya nilapitan kita." sagot ni Kuya sakin, hanggang sa may naalala ako.

"Kuya pwede ba akong magpunta sa Poblacion Indang ng mag-isa pagkatapos ng sem na to?" tanong ko kay Kuya kaya napaisip siya.

Kailangan ko ng makabalik dun, kailangan kong makita ang libro ng angkan ng Bonifacio.

Malapit na rin kasi ang Sembreak sabi nila Catriona sakin. Kaya eto ang napili kong araw at panahon para magtungo sa Poblacion Indang.

"Ano naman gagawin mo dun?" tanong ni Kuya sakin.

"May gusto lang akong makita Kuya, kaya pakiusap payagan niyo na po ako." pagmamakaawa ko sakanya.

"Osiya sige na pero babalik ka agad after ng Sembreak." sabi niya sakin, kaya tumango nalang ako.

Nagpatuloy sila sa pagkwekwentuhan ni Kuya hanggang sa nagpaalam na si Kuya dahil may gagawin pa siya trabaho niya, 20 years old na pala si Kuya yan ang sabi sakin ni Maxwell.

Matapos naming kumain ni Maxwell ay nagpatuloy kami sa paghahanap ng regalo para kay Aira at ng makahanap ay nagpasya na siyang ihatid ako sa condo, sila Alonika kasi gumamit ng kotse ko, bale kay Maxwell ako nakasakay kanina.

Ng makarating kami sa condo ay nagpaalaman lang kami at pumunta agad ako sa condo at pagpasok ko roon ay natulog agad ako sa tabi nila Alonika at Julia.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now