Kabanata 13

177 28 0
                                    

Anna Luisa

Habang nandito kami sa ilog paraiso, ay di ko maiwasang malungkot na ganto at napunta ako sa gantong sitwasyon.

Bat sa dami-daming pwede kong mabalik ay eto pang lugar na to?

"Bakit titig na titig ka ate, sa ilog na yan?" tanong ni Alonika at tumabi sakin, nandun kasi sila sa damuhan at kumakain habang ako ay narito sa malapit sa pangpang kung saan kadalasan kaming nakaupo ni Juancho hanggang lumubog ang araw.

"Alam mo ba Alonika, eto ang pinakamagandang pwesto upang panoorin ang paglubog ng araw." sabi ko sakanya habang nakatitig sa ilog na patuloy ang pag-agos. Ganun pa rin naman yung kinang at kulay nito, oo marami ng nagbago sa taon na ito. Pero etong ilog paraiso, nanatili ang kinang at kagandahan nito sa madaling salita walang nagbago sa lugar na ito.

"Oo alam ko ate, kasi naikwento nila Lola na simula daw ng iwan ni Juancho si Tita Anna Luisa. Lagi siyang narito, mag-isa ay titig na titig sa ilog na yan.." sandali siyang tumigil at nakangiting nagpatuloy. "..ang ilog na yan, ay mahalaga kay Tita Anna Luisa. Ang tagal daw ni Tita Anna Luisa bago umalis sa kinauupuan niya, at dito sa mismong inuupuan natin dito lagi ang pwesto niya. Tatayo lang daw ito pag nakalubog na ang araw. Ayan ang kwento ni Tita Annie kay na Mommy na kwinento na sa mga sumunod na henerasyon ng Bonifacio." kwento niya pa.

Si Annie? Ang kapatid ko.

Hanggang sa naalala ko ang huling kita ko sa mga ngiti niya, ayun na pala ang huling beses na makikita ko ang mga ngiti niya at tawa niya. Dapat pala nilubos ko na at di ko pinag-aksayahan ng oras si Sarah nun.

"Nakwento din ba nila ang tungkol kay Sarah?" tanong ko sakanya. Kaya nagulat siya at napatitig sakin.

"Sinong Sarah? Walang Sarah sa angkan natin." sagot niya sakin, dahilan para matigilan ako.

Walang Sarah, eh sino yung batang nakita ko sa taong 1897.

"Ah, may libro ba ng listahan ng angkan ng Bonifacio?" tanong ko sakanya. Kaya napatingin siya sakin at nag-isip.

"Ang alam ko meron sa Hacienda Bonifacio, bakit mo natanong?" takang sabi niya sakin.

"Gusto ko lang makita." nakangiting sagot ko sakanya, maya-maya pa ay binaling ko na ang tingin ko sa kalangitan dahil palubog na ang araw.

"Oy, Alonika at Ate Aera. Palubog na ang araw, bakit kaya gustong-gusto panoorin ni Tita Anna Luisa to?" biglang sulpot ni Julia at tumabi samin ni Alonika.

"Siguro, dahil ayan ang nagpapagaan sa kalooban niya at nababawasan ang lungkot niya." sagot ni Alonika sakanya.

Pero ako ay nanatiling tahimik, dahil tama ang sinabi ni Alonika, ayun ang mga dahilan kung bakit nandito ako lagi. Nakakalimutan ko panandalian lahat ng lungkot na nararamdaman ko nung mga panahon na yun, pero di ko maalalang pumupunta ako rito dahil sa hiwalayan namin ni Juancho.

Dahil ayos kami nung mapadpad ako dito, kaya ninais kong bumalik sa taon namin. Pero ng dahil sa naririnig ko sa kanila parang may mali.

Lalo na at wala silang kilalang Sarah na parte ng Angkan ng Bonifacio.

Paano nangyaring walang Sarah?

Ethan

"Ang solid ng bond ng magpipinsan no, Yuri." bulong ni Catriona kay Yuri. Kaya napalingon kami sa magpipinsan. Pero si Yuri ay nanatiling tulala at nagulat kami ng pumatak ang mga luha niya. Kaya takang napatingin si Catriona sakanya, maging kami ay napatingin na sa kanya at tinanggal ang paningin sa magpipinsan.

"Oy napapaano ka?" tanong ni Jannine sakanya.

"Etong lugar na to ang nagbuklod samin ni Aera noon.." malungkot na ngiti na sabi ni Yuri samin. "..dito niya ko sinagot dahil paborito niyang lugar ito. Dito rin kami naghiwalay." malungkot na dagdag niya pa.

"Hala shems, oo nga pala." bulalas ni Catriona, kaya hinimas niya ang likod ni Yuri para bawasan ang lungkot na nararamdaman niya.

"Paano ba kayo naghiwalay?" out of nowhere na tanong ni Jannine sakanya.

"Naghiwalay kami, dahil ako ang toxic saming dalawa. Ako yung naging dahilan para humantong kami sa hiwalayan.." panimulang kwento niya samin. "..masaya naman umpisa namin, pero dumating sa point na parang nasasakal ko na siya, alam kong kasalanan at pinagsisihan ko na yun. At sa mismong lugar na to namin tinapos ang lahat. Sabi niya kasi sakin. Kung saan namin sinimulan doon rin namin dapat tapusin." mapait na kwento niya pa.

Ay grabe, ganun pala nangyari sakanila.

"Kaya pala after ng araw na yun ay bigla kang naglaho, at ang tanging sinabi nalang sakin ni Aera ay hiwalay na daw kayo. Pero wala siyang sinabi na rason sakin kung bakit kayo naghiwalay? Mukhang ayaw niyang magkwento." naliliwanagang sabi ni Catriona.

"Dahil wala na kong mukhang maihaharap sakanya dahil sobrang gago ko." natatawang sabi ni Yuri, at bumagsak ang mga luha niya.

"Di ka gago pre, nagmahal ka lang pero sumobra ka nga lang kaya may nasakal." sabat ni Maxwell kaya napatingin kami sakanya.

Parang double meaning yun ah.

"Sa sobrang pagmamahal natin, minsan talaga sumusobra tayo. At akala natin di na tayo iiwan, pero kasi di mo naman matuturuan ang isang tao na manatili sayo diba Ethan?" sabi naman ni Rafael at bumaling sakin.

Sabi na eh, lumilihis na ang topic sakin na napunta.

"Teka, parang lumalayo na tayo ah." nagtatakang sabi ni Catriona at bahagyang natawa. Kaya ang kaninang umiiyak na Yuri ay natawa na rin. At ningisian naman ako ng tatlong gunggong.

"Psh, wag niyo na isingit yun. Nakamove-on na ako." depensa ko sakanila.

"Ay, pre may binanggit ba tayo?" tanong ni Steven sa dalawa. Kaya napakibit balikat lang ang dalawa.

"Mukhang apektado ka pa rin." umiiling na sabi ni Rafael sakin.

Kaya inis akong tumayo, dahil naalala ko na naman siya. Ang babaeng una kong minahal.

Iniwan ko sila at nagpunta sa isang pwesto roon na malayo sa kanila at di nila tanaw. At inis ako sumigaw sa kawalan at pinagbabato ang ilog.

"Eunice, bumalik ka na. Hirap na hirap na ako, bawat daan na dumadaan ikaw at ikaw lagi kong iniisip. Eunice please go back!" umiiyak na sigaw ko at tsaka binato ng binato ang ilog at napasabunot sa buhok ko dahil sa frustration. "I still love you, so please comeback." sigaw ko pa at napaupo sa damuhan at doon at ibinuhos lahat ng iyak ko.

Akala ko nakamove on na ko pero mali ako, maling-mali ako.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now