Kabanata 7

261 30 0
                                    

Anna Luisa

Nung araw na yun, ay di na kami nakapag-usap pa ni Ethan dahil saglit lang daw siya dahil may pupuntahan pa raw siya. Kaya heto ako at tinitiis ang kaingayan nina Alonika at Julia.

Wala naman akong ganang, pinagmasdan ang pag-aaway nila sa harap ko. Pabalik na kami sa Manila at kasama tong dalawa kong pinsan dahil doon na raw sila mag-aaral sa pinapasukan ko.

Kaya natitiyak kong magugulo ang buong taon ko sa pag-aaral ko dahil sa dalawang to, at sabi ni Kuya ay sa condo ko raw titira tong mga to, nung una gusto kong umangal pero wala akong magawa dahil, wala daw tutuluyan ang magkapatid sa Manila.

Habang nasa biyahe ay patuloy ang bangayan nilang dalawa, at laging napipikon si Julia kay Alonika.

"Julia, ang ingay niyo." saway ni Kuya sakanila. Kaya natigilan ang dalawa at nanahimik nalang.

At ako naman ay napalingon sa labas ng bintana, iba na ang simoy ng hangin di na katulad ng dati. Napakamoderno na ng lahat ng bagay sa taon na ito, kaya ang kalikasan ay naapektuhan na.

Hanggang sa pumasok sa alaala ko ang pinagsamahan namin ni Juancho.

Flashback

"Juancho, saan ba tayo magtutungo?" tanong ko sakanya dahil nakatakip ang kamay niya sa mata ko. Pero di niya ako sinagot at tanging pagbungisngis niya lang ang narinig ko.

Kaya hinayaan ko siyang gabayan ako sa paglalakad papunta sa kung ano man yun.

"Tiyak kong matutuwa ka sa makikita mo, mahal na binibini." bulong niya sakin, kaya napangiti ako.

Habang palayo ng palayo kami ay may naririnig akong huni ng mga ibon na wari mo'y umaawit, at lagaslas ng tubig. Saan kaya kami patungo?

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko sakanya.

"Wag kang mag-aalala binibini malapit na tayo.." sagot niya sakin. At tsaka kami tumigil, at narinig ko ang lagaslas ng tubig, kaya sa tingin ko ay nasa isa kaming paraiso. "..pagkabilang kong tatlo, imumulat mo ang iyong mga mata." sabi niya kaya napatango nalang ako. At tsaka tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa mata ko bale nakapikit nalang ako.

"Isa." unang bilang niya kaya napangiti ako. Ano kaya ang makikita ko? "Dalawa." pagbibilang niya pa. Kaya mas lalo akong naexcite sa makikita ko. "Tatlo." huling bilang niya, kaya agad kong binuksan ang mata ko at namangha ako sa nakita ko..

Nasa paraiso kami, may mga ibon na humuhuni sa paligid at kumikinang ang paligid. Kaya napangiti ako ng malaki.

"Makinig ka binibini, para sa iyo ang awitin na ito." sabi niya at tsaka ko siya nakitang may hawak ng gitara.

Nakita ko naman ang pagpapatugtog niya ng gitara niya tsaka nagsimulang umawit.

Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

"Juancho." naluluhang sambit ko sakanya. Kaya ningitian niya ako.

Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako

AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon