Kabanata 35

112 24 0
                                    

Anna Luisa

Matapos ng nangyari kahapon ay ang di mawala-wala ang ngiti sa mga mata at labi ni Alonika. Nagpuyat nga siya kagabi, kasi kachat daw niya si Maxwell. Pulang-pula siya ngayong umaga, dahil susunduin daw siya ni Maxwell kaya di raw siya sasabay sakin. Kaya ayun si Ethan nalang ang magsusundo sakin dahil wala akong driver. Ngayon ay paalis na siya dahil nasa baba na raw si Maxwell. Kaya natawa nalang ako sa ginawa niyang pagmamadali palabas ng unit.

"Ganun pala ang mga kabataan ngayon pagnagmamahal at umiibig. Di magkamayaw dahil sa saya." natatawang saad ko habang inaayusan ang sarili sa harap ng salamin. Maya-maya pa ay tumunog na ang door bell senyales na may tao sa labas. Kaya tumayo ako at binuksan ito, at pagbukas ay si Ethan pala. Pinapasok ko siya at umupo naman siya upuan sa sala. Habang ako ay bumalik sa salamin at pinagpatuloy ang pag-aayos.

Napansin ko ang pagiging tahimik niya kaya napalingon ako sakanya.

"Ano ang iyong iniisip? Agang-aga di maipinta iyang mukha mo." takang tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.

"Naiisip ko lang na aalis ka na bukas! At uuwi ka sa probinsya niyo? Ibig sabihin nun, di kita makakasama buong sembreak." malungkot na saad niya at tumayo at nilapitan ako at pumunta siya sa likod ko at kinuha ang suklay ko at siya na ang nagsuklay sakin.

"Babalik naman ako ah." sabi ko at binalik na ang tingin salamin at tsaka  tiningnan siya sa salamin na nakabusangot talaga.

Pero di ko sigurado kung makakabalik ba ko? Ethan! Walang kasiguraduhan.

"Eh paano kung hindi? Paano ako?" nakangusong tanong niya habang sinusuklayan ako.

"Ano ka ba naman? Ano namang gagawin ko doon? Dadating lang naman ang pinsan naming si Lara at kailangan ang presensya naming mga kamag-anak niya.." paliwanag ko sakanya at tumayo na kaya tinigilan na niya ang pagsuklay sakin. At lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. "..kahit naman umalis ako, sayo at sayo pa rin ako babalik tandaan mo yan!" nakangiting sabi ko sakanya, dahilan para mapangiti siya at niyakap ako.

"Salamat! Aera, natatakot lang ako maiwan muli." bulong niya at tsaka tinapat ang labi sa noo ko at hinalikan ang noo ko.

Pasensya na, Ethan! Dahil mauulit ko na naman. Patawarin mo ko!!

"Hinding-hindi kita iiwan Ethan, te quiro." bulong ko sakanya. At naramdaman ko naman ang pagngiti niya. Sa simpleng sinasabi ko ay labis na tuwa niya.

"Ayan ka na naman, sa lenggwahe na di ko maintindihan." nakangusong sabi niya ng kumalas siya ng yakap sakin. Kaya natawa ako sa inakto niya.

"Hanggang ngayon ay di mo pa rin ba alam ang ibig sabihin nun?" natatawang tanong ko sakanya.

"Hindi eh, lagot ka talaga sakin pag nalaman ko ibig sabihin nun." pagbabanta niya sakin.

"Sige na, kunin ko lang bag ko sa kwarto at umalis na tayo. Baka mahuli na tayo sa klase!" sabi ko sakanya at naglakad na papuntang kwarto. At inayos ang mga gamit ko at isinukbit ko ang bag. At tsaka ako lumabas ng kwarto.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng unit, sandali kaming tumigil para isarado ko ang pinto at ikandado. At tsaka kami tuluyang lumabas ng building, at pumunta sa parking lot dahil nandun ang sasakyan niya. At tsaka kami bumiyahe papunta sa paaralan.

Habang tumatagal ay di ko na alam kung paano silang iiwan lahat, habang tumatagal ay mas lalong nanaig sakin ang pagnanais na manatili nalang sa taon na ito, kahit kapalit nito ay habangbuhay na di ko na makikita ang mga magulang, kapatid ko at si Juancho.

Mas napalapit na ko kay Ethan, at sa pamilyang meron si Aera.

Napakasaya lang, walang patakaran. At malayang nakakapag-aral di katulad sakin, na ayaw pag-aralin sa paaralan ng aking mga magulang dahil may paniniwala si Ama na dapat ay nasa bahay lang kami ni Annie at gawaing-bahay lang ang dapat naming matutunan.

Habang tumatagal, ay di ko na alam mangyayari sakin sa taon na ito.

At may mga bagay na kong nalalaman na di parte ng kasaysayan. Nagulat talaga ako ng malaman ko kina Alonika at Julia na walang Sarah na nakatala sa libro ng angkan ng Bonifacio na namuhay sa taong 1897.

Maya-maya pa, dahil maulan ay nakatulog ako ng di ko namamalayan sa likod kasi ang pumwesto dahil alam kong mas maganda ang pwesto sa likod kaysa harap.

"Anna Luisa!" tawag ng kung sino sakin kaya napalingon ako sakanya.

At ng tingnan ko siya ay kamukha ko siya, kamukhang-kamukha ko siya.

"Aera? Ikaw ba yan?" tanong ko sakanya. Kaya malungkot siyang lumapit sakin.

"Ako nga, Ate Anna Luisa! Nakakulong ako sa lugar na napakadilim. Tulungan mo ko Ate Anna Luisa!" nagmamakaawang tinig niya kaya napatingin ako sakanya.

"Anong ginagawa mo sa dilim? Bakit naroon ka?" tanong ko sakanya..

"Nagising nalang ako na nandoon ako Ate Anna Luisa, tulungan mo ko makabalik sa amin. Tulungan mo ko!" sabi niya pa. At punong-puno ng pagsusumamo ang tinig niya.

"Susubukan ko Aera, dahil di ko rin alam kung bakit ang buhay mo ay naging buhay ko na ngayon, gusto ko na rin bumalik sa taong 1897." sabi ko sakanya at hinawakan ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya dahil umiiyak siya.

Akmang yayakapin ko na siya ng may humila sakanya na dalawang kamay.

"Ate Anna Luisa? Tulungan mo ko." umiiyak na sigaw ni Aera.

Akmang tutulungan ko na siya ng maunahan ako ng dalawang kamay at lamunin siya ng pader. Kaya napaluhod nalang ako.

"Aera, pangako tutulungan kita!" sigaw ko nalang sa kawalan.

At nagulat nalang ako ng may tumapik sakin at napamulat ako ng mata at pagtingin ko bumungad sakin ang nakangiting si Ethan.

"Nakatulog ka? Psh! Tara na nandito na tayo!" sabi niya at bumaba na sa kotse para buksan ang pinto na babaan ko.

Pagbaba ko ng kotse ay hinawakan niya ang kamay ko at tsaka kami naglakad papasok ng paaralan.

"Aera, kamusta tulog mo?" natatawang tanong niya sakin.

"Okay naman, medyo di lang okay napanaginipan ko." sagot ko sakanya.

Habang naglalakad kami ay nagulat ako ng napatigil si Ethan sa babaeng nakasalubong namin na kasama ni Aljean, sino naman ito?

Bakit ganun nalang ang reaksyon ni Ethan? Magkakilala ba sila?

To be continued..



AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now