Kabanata 39

106 23 0
                                    

Ethan

Ngayon ang araw na magtatagpo kami ni Eunice sa ilog paraiso. Wala ng atrasan ito, para kay Aera gagawin ko lahat para wala ng dahilan para masaktan namin ang isa't-isa.

Sana nga!!

Paalis na ko ng bahay ng biglang may nagvibrate ang cellphone ko, senyales na may tumatawag kaya, agad ko itong kinuha at sinagot.

At pagtingin ko sa screen si Azrael pala, kaya agad kong sinagot.

"Oh, pre bakit napatawag ka?" bungad ko sakanya.

"Pre, uuwi kami sa Martes sa probinsya baka gusto mo sumama?" sagot niya sa kabilang linya. Kaya natahimik ako.

"Actually pre, nagbabalak ako pumunta sa Lunes." saad ko sakanya..

"Pero pre, may bagyo ngayon sa probinsya kaya delikado bumiyahe sa Lunes kaya sa Martes ang ligtas na araw." paliwanag niya sakin.

"Ano? May bagyo? Nandun na ba si Aera, kamusta siya?" nag-aalalang tanong ko sakanya.

"Don't worry about her, she's safe nandoon na pati si Lara kaya may kasama na siya." sagot niya sakin, dahilan para makahinga ako ng malalim. At makampate ako, na ligtas siya at walang nangyaring masama.

"Hys, buti naman sige na pre ibaba ko na to magkikita pa kasi kami ni Eunice." sabi ko sakanya habang binubuksan ang kotse ko at sumakay na at inilagay ang susi sa suksukan.

"Magkikita kayo? Bakit? Para saan?" takang tanong niya sakin.

"Kailangan namin ng closure pre, don't worry pre mas mahal ko kapatid mo kaysa kay Eunice." nakangiting sambit ko.

"Mabuti naman kung ganun, dahil bugbog ka sakin." pagbabanta niya sakin sa kabilang linya.

Kaya tinawanan ko nalang siya at nagpaalam na ko sakanya na ibaba na ang tawag, dahil magmamaneho na ko papunta sa ilog paraiso.

Ang Ilog paraiso, kung saan nagsimula at ngayon doon rin magtatapos ang lahat.

Pagdating ko sa Ilog paraiso ay agad ko siyang nakita roon na nakatayo, malapit sa ilog.

"Eunice?" tawag ko sakanya.

Kaya napalingon siya sakin at napangiti.

"Ethan, mabuti naman nakarating ka.." pilit ngiting saad niya sakin. Kaya ningitian ko lang siya. "..alam kong marami akong nagawa na di tama, na nagpasakit sayo ng sobra. Iniwan kita sa ere, iniwan kita ng walang paalam at pasabi. Alam kong malabo na para maintindihan mo ko? Gusto kong malaman mo na mahal pa rin kita hanggang ngayon sorry kung nagpanggap ako at pinalabas kong patay na ako, sana patawarin mo ako." panimula niya.

Kaya napatingin ako sakanya at binigyan siya ng di makapaniwalang tingin.

"So walang lumubog na barko? Tapos ano ako? Mahal mo, paano mo ko minahal? Paanong pagmamahal ba ang tawag dun Eunice, iniwan mo ko tapos sasabihin mo sakin na mahal mo pa rin ako, lokohan tayo Eunice.." natatawang sambit ko at nararamdaman ko ang pagbagsakan ng mga luha ko. "..hanggang ngayon ba naman sinungaling ka pa rin? Tinanong kita ng ilang beses noon kung mahal mo ko, pero ano laging mong sagot thank you tapos bigla mo kong iiwan. Tapos eto pa malala, pinalabas mong patay ka na at nowhere to be found ang bangkay mo? Really? Eunice. So sabihin mo sa akin ngayon mga rason mo." di makapaniwalang saad ko sakanya. At doon na tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko.

"Ethan, pakinggan mo muna ako." pakiusap niya sakin. Kaya nakakalokong tiningnan ko siya.

"Oh sige, dagdagan mo pa mga kasinungalingan mo Eunice. Dagdagan mo pa?" naasar na bulalas ko sakanya. "..sige magsalita ka pa, magsinungaling ka pa." malungkot na saad ko sakanya. Dahil naalala ko bigla lahat, kung paano siya nagsinungaling sakin noon. Kung paano ilang beses niya kong pinagmukhang tanga. At ako naman itong si gago na mahal pa rin siya sa kabila ng lahat.

"Ethan, may sakit ako noon. Kaya di ko masagot ng mahal din kita ang mahal kita dahil may sakit ako. At walang kasiguraduhan ang buhay ko. Yung sakit ko noon cancer stage three at kapag di naagapan maaaring ikamatay ko, Ethan. At kaya ko pinalabas na patay na ako kasi akala ko di na ko makakabalik dito sa bansa dahil sa sakit na yun." umiiyak na paliwanag niya sakin, dahilan para matigilan ako at mapatitig sakanya.

"May sakit ka? Pati ba naman yan idagdag mo pa sa mga kasinungalingan mo?" di makapaniwalang saad ko sakanya.

"Di ako nagsisinungaling, Ethan. Totoo lahat ng sinabi ko. Maysakit ako, at hanggang ngayon ay di pa naagapan. At habang tumatagal ay lalong lumalala.." umiiyak na saad niya at tumigil para punasan mga luha niya at tsaka muling nagpatuloy, napatingin naman ako sakanya, halata mo sa mukha niya ang sinseridad sa mga sinasabi niya. "..bumalik lang ako dito, Ethan  para dito na hintayin ang kamatayan ko. Di ito alam ni Aljean tanging sina Mommy at Daddy lang may alam nito, Ethan. Patawarin mo ko kung iniwan kita ng biglaan, di na ako nagpaalam dahil baka magbago isip ko pagnagpaalam ako sayo." umiiyak na sambit niya, at habang ako ay natulala nalang.

"Pero bakit? Di mo sinabi sakin? Sasamahan naman kita labanan iyang sakit mo, Eunice." pabulong na sambit ko sakanya.

"Dahil di mo responsibilidad na alagaan ako at bantayan ako. Dahil kahit anong gawin ko, kamatayan pa rin ang ending ng lahat. Pumunta kami sa ibang bansa at nagbabakasali na baka magamot pa at maagapan pero wala na talagang chance para gumaling ako.." saad niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "..dahil ayokong masaktan ka lang sa oras na mawala na ako. Ayokong maging miserable ka pag nawala ako, kaya masaya ako na nakahanap ka na ng babaeng tunay na magpapasaya sayo. At makakasama mo hanggang pagtanda, at hindi ako yun Ethan." mapait na ngiting sambit niya sakin.

"Bakit? Eunice, sasamahan naman kita sa laban na to. Di naman kita iiwan mag-isa. Dahil kahit anong sabihin mo, boyfriend mo ako noon Eunice." mahinang sambit ko sakanya..

"Pero ayokong mahirapan ka ng dahil sakin, kaya eto na ang araw para tuluyan na kitang palayain Ethan. Patawarin mo ko sa mga pagsisinungaling ko noon sayo, patawarin mo ko kung ilang beses ko tinanggihan mga yaya mo sakin na gumala tayo. Patawarin mo ko, Ethan dahil hanggang sa huling pagkakataon ay nagsinungaling ako sayo.." malungkot na litanya niya sakin kaya napatitig ako sakanya. "..Ethan, isang pakiusap wag mo sasabihin sa kahit sino na maysakit ako ayokong kaawaan nila ako. Lalo na ni Aljean. Ethan, salamat kasi dumating ka! Salamat at narito ako, at pinakinggan mo ako. Sige na Ethan, kailangan ko ng umuwi tiyak na hinahanap na ko nila Mommy." saad niya pa.

"Eunice, mag-iingat ka. Di ka man perpektong girlfriend noon, lagi mong tatandaan na ikaw ang una kong minahal ng buo." saad ko sakanya kaya napangiti siya.

At tsaka siya tuluyang umalis at naiwan naman akong tulala.

Pero bakit sinarili mo Eunice, di ko pa rin maintindihan. Dahil kung sinabi mo sakin noon baka, di tayo aabot sa ganto. Pero masaya ako na sa pagkakataon na ito ay nagsabi ka ng totoo, mahal kita pero mas mahal ko na si Aera. Inaamin ko masaya ako na naliwanagan ko na at nalaman ko na ang mga dahilan mo..

To be continued..







AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now