Kabanata 19

147 23 0
                                    

Rafael

Nauna ng umalis sila Rica at Charm dahil hinahanap na sila sa kanila habang ako naman ay nagpaiwan rito sa unit ni Aljean. Maya-maya lang ay aalis na rin ako. Sinabihan ko sina Rica na wag sasabihin kay Aljean na kasama nila akong gumamot sa kaibigan nila.

Oo masama ang mean girls, nambubully sila at kahit sino ay kinakanti nila pero naiintindihan ko yung side nila kung bakit nagagawa nila yun.

Lumapit ako sa kama ni Aljean at pinunasan ang noo niya, nilalagnat kasi siya. Ganun daw talaga si Aljean pag naglaslas nilalagnat pagkatapos.

"Aljean, di ko alam mga pinagdaanan mo at pinagdadaanan mo pero sana bukas okay ka na. Wag kang magpatalo sa mga pagsubok na yun, mabait ka naman nabahidan ka lang ng galit diyan sa puso mo." bulong ko habang pinupunasan ang noo niya.

Kilala ko na siya noon pa, kilala kasi sila sa pambubully sa campus. Pero never silang naexpell. Malakas ang kapit ng mga kaibigan niya kaya di sila natatakot magkanti ng kahit sino.

Dati siyang nerd nung high school kami, nasa isang gilid at laging may mga dalang libro.

Kaya nagulat ako ngayong college na ang laki ng pinagbago niya.

Tinitigan ko siya, di ko maiwasang mamangha sa mukha niyang maamo. Maganda siya at talagang maraming lalaki ang nagkakandarapa sakanya ngayong kolehiyo.

Matapos ko siyang punasan ay niligpit ko ang batya at towel ay inilagay sa lalagyan nito, at tsaka ako nagpasyang umuwi na. Baka hinahanap na rin ako.

Paglabas ko ng unit ni Aljean ay sinarado ko ito at tsaka ako naglakad sa hagdan, oo hagdan. May tao kasi ang elevator.

Saktong pagbaba ko sa sunod na palapag ay nagulat ako ng bumungad sakin si Aera kasama si Julia at Alonika.

Natigilan sila at napatingin sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alonika sakin.

Napansin ko naman ang pag-iwas ng tingin sakin ni Julia, kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot talaga. Mukhang iniiwasan niya talaga ako.

"Ah may dinaanan lang na kaibigan.." sagot ko sakanya, napatango naman si Alonika. "..eh kayo saan kayo galing?" tanong ko sakanila.

"Galing kaming mall bumili kami ng regalo para kay Aira." sagot ni Aera sakin.

Aalis na sana sila ng magsalita ako.

"Julia, pwede ba tayo mag-usap?" sambit ko, kaya natigilan silang tatlo. Lumingon si Aera at Alonika pero si Julia ay nanatiling nakatalikod sakin. "..please Julia mag-usap tayo." pakiusap ko pa.

Kaya tiningnan siya ni Aera at Alonika. At sinenyasan ang mga ito na mauna na, kaya naiwan kaming dalawa..

"Julia, may problema ba tayo?" panimula ko sakanya. Kaya salubong na kilay na tumingin siya sakin at nilingon ako.

"Problema? Meron ba tayo nun. Should I say? May karapatan ba tayong magkaroon ng problema. Walang tayo, this is all fake. Ako lang may gusto nito." seryosong sabi niya sakin, at halata mo ang lungkot sa mga mata niya.

"Ano bang nangyayari sayo Julia, I don't understand you." naguguluhang sabi ko sakanya.

"Raf, narealize ko na hindi ko kailangan ng tao na bubuo ulit sakin. Dapat pala ako lang bumuo sa sarili ko, kasi oo binubuo mo ko pero di ko akalaing ikaw din ang sisira sakin. Kaya Raf, I just wanna say.." sandali siyang tumigil at pilit na ngiti na humakbang palapit sakin at hinawakan ang kanang pisngi ko.

"Na ano? Julia." kinakabahang tanong ko sakanya.

"..itigil na natin to, di mo na ko makikitang muli Raf. You deserve better di katulad ko na napilitan kalang naman, deal lang naman lahat to after all. You're free!" she said at walang pasabi na tinalikuran ako at mabilis siyang lumayo. Di ako nakapagsalita at natulala lang ako.

Julia wag!

Kailan siya aalis? Kailangan ko siyang pigilan! Di ko kaya.

Anna Luisa

"Julia, sigurado ka na ba na uuwi na ka na satin." garalgal na tanong ni Alonika sa kapatid niya.

Madaling araw na ngayon at eto ang napiling oras ni Julia pero bumiyahe pabalik sa poblacion indang.

Nabigla kami ng marinig namin siyang nag-iimpake kanina ang buong akala kasi namin ay iiwas lang siya kay Rafael kaya di namin lubos maisip na hahantong siya sa gantong pagpapasya. At nagulat talaga kami sa desisyon niya.

"Eto lang nakikita kong paraan, Alonika para mabuo ko ang sarili ko ng mag-isa. Ng hindi ako gumagawa ng deal para lang buuin sarili ko.." nakangiting sabi niya sa kapatid na nakayakap sakanya at bumaling sakin. "..Ate Aera pakibantayan tong kapatid ko ah, medyo buang pa naman ito." natatawang sabi niya sakin pero bakas na bakas ang lungkot na kinukubli niya.

"Julia, akala ko ba pupunta pa tayo sa party ni Aira. Bakit ngayon ka pa aalis?" umiiyak na sabi ni Alonika sakanya. "..Julia akala ko ba sabay tayong magtatapos sa paaralan na to na bata palang tayo ay pangarap na natin." dagdag pa ni Alonika at patuloy na nagbagsakan mga luha niya.

Hinawakan ni Julia ang mukha ng kapatid at mapait na ngumiti rito.

"Alonika, sana ay matapos mo ang apat na taon dito. Wag mo ko aalalahanin magpapatuloy ako ng pag-aaral sa ibang bansa, oo sa ibang bansa sa pinapasukan ng mga pinsan natin. Uuwi ako sa probinsya para ipaalam kina Mommy na sa susunod ako sa mga pinsan natin na nasa ibang bansa.." paliwanag ni Julia sa kapatid."..at pasabi nalang kay Maxwell na di na ko makakapunta sa surprise party para kay Aira. Dahil kailangan ko ng umalis. Paabot nalang ng regalo ko para kay Aira." dagdag niya pa.

Di ko mapigilang maluha dahil naging malapit na sakin si Julia sa loob ng ilang buwan naming magkakasama. Napamahal na ko sakanya.

Kaya di ako makapaniwalang aalis na siya at sa ibang bansa niya binabalak mag-aral. Siguro para na rin siguro bubuin ang sarili niya.

"Pero paano si Rafael?" tanong ko sakanya. Kaya napalingon siya sakin.

"Si Rafael? Di ako yung para sakanya ate. Pakisabi nalang sakanya na wag na niya akong hanapin dahil di niya ako kailangan, at pakisabi sakanya na minahal ko siya." maluha-luhang sabi niya samin.

Tumayo siya at inaayos ang sarili at binitbitbit ang maleta niya. Buo na talaga desisyon niya.

"Julia, please wag mo ko iwan." umiiyak na sabi ni Alonika sakanya at niyakap ng mahigpit ang kapatid. Kaya napaiyak na rin si Julia.

Lumapit naman ako sakanila at nakiyakap, at naramdaman ko na rin ang pagbabagsakan ng mga luha ko.

"Mahal ko kayong dalawa, kaya galingan niyo sa klase ah. Video call nalang tayo haha.." garalgal na sabi niya samin. At kumalas kami pare-parehas ng yakap. "..sige na aalis na ko wag niyo na ko ihatid kasi baka magbago isip ko." she said at lumabas na ng unit namin, gustong-gusto namin siyang habulin pero naisip namin ni Alonika na baka eto lang ang paraan para mabuo ni Julia ang sarili niya.

Ng tuluyan ng makaalis si Julia ay niyakap ko si Alonika at inalo dahil humagulhol siya, pagkaalis ng kapatid niya.

Nawa ay maghilom ka na, Julia.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now