Kabanata 31

116 22 0
                                    

Maxwell

Nandito na ko sa mall, at kung saan-saan na ko pumasok na store para lang bilhin lahat ng dapat bilhin. I also order foods sa isang resto dito. Dahil alam ko namang nagugutom na din mga pinapagawa ko dun sa ilog paraiso. Nagtext sakin si Catriona na nagsisimula na raw sila at nakahanap na sila ng place kung saan gaganapin ang surprise.

At sobrang kaba ang nararamdaman ko, actually kagabi ko pa iniisip to kung paano ko to gagawin o isasagawa. Kaya hiningi ko na tulong nila Catriona. Kagabi ay tinawagan ko si Steven, at ang gago gulat na gulat di raw siya makapaniwala na manliligaw na ko.

"Ah, miss magkano po magpagawa ng letters na kwintas?" tanong ko sa isang babae. Sa isang pinasukan ko na shop. Jewelry Shop to, naisipan ko kasing bigyan ng kwintas si Alonika. Na may nakalettering na name niya.

"Ah sir, 1200 po may promo po kasi ngayon sir." sagot nung saleslady sakin.

"Ay sige, magaavail ako. Kaya ba within 30 mins. tapos na kahit mag add-ons nalang ako." nakangiting sabi ko sakanya.

"Naku sir, kahit wag na po. Para kanino po itong kwintas?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Ah para sa babaeng liligawan ko miss, kaya sana gandahan niyo ah." saad ko sakanya, kaya kinikilig siyang kumilos agad para gawin ang kwintas na may pangalan ni Alonika. Naibigay ko na kanina sakanya ang pangalan kaya di na siya nagtanong pa.

Umupo muna ako sa waiting area, at panay ang tingin ko sa relo. Maaga pa naman kaya sure akong aabot ako. Maaga kasi kami umalis sa school, para di makahalata si Alonika.

Medyo delikado kasi kung mamaya pa, baka magduda yun kung saan kami pupunta at sabay-sabay pa. Eh malimit mangyari yun.

After 30 mins. ay natapos na ang kwintas. Nilagay niya ito sa isang box at agad na inaabot sakin. Napangiti naman ako ng tingnan ito, napakaganda ng pagkakaukit, agad ko itong binayaran at tsaka lumabas ng shop.

Paglabas ay saktong nagvibrate ang phone ko senyales na may nagtext. Pagtingin ko ay si Aira pala.

From: Aira
Kuya, nandito na kami ni Angge sa Ilog Paraiso. Napakaganda pala rito, btw kuya bili mo kami ni Angge ng Milktea bilang kapalit na rin ng pagtulong namin HAHAHA i love you kuya!

Napailing nalang ako ng mabasa ko yun, milktea na naman. Kaya paglabas ko ay pumunta na ko sa resto na pinag-orderan ko ng pagkain. Tapos na rin kasi ako, nabili ko na lahat ng kakailanganin. Tulad ng automatic lights, kaya eto na ko at kukunin na ang pagkain para makapunta na sa Ilog Paraiso.

Pagdaan ko sa resto ay agad naman nila itong binigay sakin, na agad ko namang binayaran. At pagkatapos nun ay pumunta na ko sa parking lot, at pagsakay ko ng kotse ko ay napatingin ako sa oras. Alas dos na pala, after lunch kasi kami umalis ng school..

Kaya agad ko ng minaneho ang sasakyan ko papunta sa ilog paraiso. Para kay Alonika, gagawin ko lahat.

Pagdating ko sa Ilog Paraiso, ay nandun na nga sila at nagaayos na. Sa isang puno sila pumwesto. Ang puno kung saan sinasabi ni Aera na nakaukit ang pangalan ni Anna Luisa at Juancho. Pero sa tagal daw ng panahon mukha raw nabura na.

Marami ng nakasabit na mga desinyo at napakagaganda. Di ko maiwasang di mamangha sa pagkakasabit ng mga design na yun. Maasahan ko talaga tong mga to.

Paglapit ko sakanila ay dun palang nila ako napansin dahil lahat sila at busy sa mga ginagawa nila. Agad kong inabot ang pagkain at ang milktea naman kina Angge at Aira.

Tuwang-tuwa naman sila kasi bumili talaga ako, nakapakuripot ko daw kasi. Bwisit! Di nalang nagpasalamat eh. Lakas ng mga to! Kumain na muna kami bago magpatuloy ulit sa pag-aayos. Isasabit na kasi namin mamaya ang mga lights para maging maganda. Madilim na kasi pupunta sila Aera dito para di makikita ni Alonika ang nakahandang surpresa para sakanya. All I can say is planado na lahat. Nabago lang sa oras, susulitin daw nila Ethan at Aera ang pamamasyal sa Arcade.

Anna Luisa

Pagkatapos ng klase ay agad naming niyaya si Alonika sa Arcade, nagtaka pa nga siya kung bakit nagbago isip namin at di na kami sa Ilog Paraiso pupunta, kaya pinaliwanag ni Ethan sakanya na mamaya nalang kaming gabi pupunta dito para malamig at masarap tumambay.

Pagdating namin sa Arcade ay nanguna si Alonika sa basketball ring, yun daw tawag dun eh. At panay ang hagis niya ng bola.

At kami naman ni Ethan ay umupo sa isang bench at pinanood si Alonika na naglalaro.

"Natutuwa ako kay Maxwell, dahil napagtanto niya kung sino talaga ang gusto niya." nakangiting sabi ni Ethan sakin habang nakatingin kay Alonika na di magkamayaw sa kakahagis ng bola.

"Sa katunayan ako ang nagtulak sakanya para mapagtanto niya kung sino talaga ang tinitibok ng kanyang puso." bulong ko kay Ethan.

Matagal pa kaming nag-usap. Hanggang sa pumasok sa isip ko na huling araw ko na bukas kasama si Ethan, kaya nais kong sulitin ang pagpunta namin sa Ilog Paraiso mamaya. At aminin sakanya ang totoo, maintindihan man niya o hindi.Ang mahalaga ay nalaman niya.

"Oh? Tulala ka na naman?" nag-aalalang tanong niya sakin habang may hawak na popcorn na di ko alam saan niya nabili. Nagpaalam kasi siya kanina na bibili lang ng pagkain.

Si Alonika naman ay nandoon sa videoke at nagkakanta. Maganda pala ang kanyang tinig.

"Ay, may naisip lang kasi ako." palusot ko at hinablot sakanya ang isang popcorn. Kaya tinawanan niya nalang ako hanggang sa magvibrate ang cellphone ni Ethan, senyales na may nagtext.

"Ano sabi?" tanong ko sakanya.

"Tapos na raw sila sa paghahanda, kaya pumunta na raw sila. Madilim na raw dun.." sagot niya sakin, kaya napatango ako. "..at tsaka wag daw tayo magpahalata kay Alonika na may mangyayari sa Ilog Paraiso mamaya." dagdag niya pa.

"Tara na, anong oras na pati delikado na sa daan." yaya ko sakanya at tumayo na sa kinauupuan namin at pumunta na kay Alonika para yayain pumunta na sa Ilog Paraiso. Agad naman siyang pumayag kaya eto kami at pabiyahe na papuntang Ilog Paraiso.

Nawa ay maging masaya si Alonika sa surpresang hinanda ni Maxwell para sakanya.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon