Kabanata 22

152 24 0
                                    

Anna Luisa

Nasa sasakyan na kami ni Kuya at papunta na sa venue ng kaarawan ni Aira, eto ang unang beses na makikita ko ang kapatid ni Maxwell. Kaya ramdam na ramdam ko ang aking pananabik na siya ay makita.

Samantalang si Alonika ay nanatiling babad sakanyang telepono. At ako naman ay nakadungaw sa bintana. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa venue ng kasiyahan.

Masaya akong bumaba kasama si Alonika, na inaayos ang kanyang mukha retouch daw tawag sa ginagawa niya.

Napakagandang venue ang inaabutan namin, kumikinang ito at pinapalibutan ng liwanag ang iba't ibang sulok ng venue.

Pagdating namin doon ay agad na sumalubong samin si Catriona at Yuri kasama si Jannine.

"Hala ang ganda mo bessy, ikaw ba yan?" namamanghang bungad ni Catriona sakin at niyakap ako.

Habang si Yuri ay napatitig lang sakin at si Jannine naman ay binati ako tsaka nakipagkwentuhan kay Alonika na medyo bumubuti na ang pakiramdam.

"Oo naman ako ito." nakangiting sagot ko sakanya.

Pagkatapos nun ay nagkwentuhan na sila ni Yuri habang ako ay nanatiling pinagmamasdan ang paligid dahil sa kakaibang ganda nito, halatang pinaghandaan eto ng mabuti.

"Ano't panay linga mo sa paligid?" sulpot ni Kuya sa tabi ko kaya napatingin ako rito, saan kaya ito galing?

"Ang ganda ng mga palamuti, Kuya. Lalo na ang iba't ibang kulay ng liwanag." sabi ko sakanya kaya ningitian niya ako at nilingon ang paligid.

"Ganto-ganto rin nung sa debut mo Aera, mas bongga nga yun eh." nakangiting sabi niya sakin.

Debut?

Di na ako nagtangkang magtanong pa dahil baka magduda na siya na hindi ako ang kapatid niya. Hanggang maaari ay iniingatan kong may makaalam na galing ako sa ibang taon at hindi ako si Aera.

"Oy nandiyan lang pala kayo, tara na sa loob. May nakahandang lamesa para sa inyo." bungad ni Maxwell samin kasama si Ethan at Rafael. Teka nasaan si Steven?

"Nasaan yung hunghang kong boyfriend?" nakataas na kilay na tanong ni Jannine kay na Ethan.

Nagkatinginan naman ang tatlo at tsaka si Rafael na sumagot.

"Nasa backstage, nag-aasikaso ng sound system para sa performance niya mamaya. Alam mo naman yun." sabi ni Rafael kay Jannine kaya napatango nalang si Jannine.

Napabaling naman sila kay Kuya, at kinuyog ito.

"Sa wakas, nabuo rin tayo. Masyado kang busy sa trabaho mo tsk." natatawang biro ni Maxwell kay Kuya.

"Alam niyo naman na eto ang buhay ko, ang trabaho ko simula ng.." medyo malungkot na kwento ni Kuya at di na tinuloy ang huling sasabihin ng tapikin siya ni Ethan.

"Oo na naiintindihan ka namin. Pero masaya talaga kami at nakapunta ka." masayang sabi ni Ethan kay Kuya. Napatango naman si Kuya.

Hanggang sa napabaling si Ethan sakin at ganun rin si Maxwell.

"Aera ikaw ba yan?" namamanghang tanong ni Ethan sakin.

"Ay malamang si bessy yan, ganda niya no.." sabat ni Catriona at inakbayan pa ako. "..diba Yuri, ang ganda nung sinayang mo." dagdag pa ni Catriona at siniko si Yuri, agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Yuri. Kaya nagtawanan nalang kami.

Wala na kasing ginawa tong si Catriona kundi asarin to si Yuri, araw-araw niya inaasar si Yuri eh walang palya. Di ko talaga alam bakit lagi siyang inaasar ni Catriona minsan ay tinatawanan ko na lamang sila.

Napansin naman namin ang panay linga ni Rafael sa paligid.

"Sino hinahanap mo?" tanong ni Catriona sakin, ang bilis talaga makahalata nito.

"Ah si Julia, di ba siya pupunta?" mahinang sabi ni Rafael samin. Nagkatinginan naman kami nila Kuya, kanina bago kami umalis ay nasabihan na namin si Kuya na walang makakaalam kung saan pumunta si Julia, at kung anong dahilan niya para umalis.

"Ah si Julia, di siya makakapunta Rafael. May inaasikaso lamang siya, eto nga at pinadala niya lang regalo niya samin." sabi ni Kuya kay Rafael.

Kaya biglang nalungkot si Rafael.

"Ah guys, una na ko sa loob ah." biglang paalam ni Rafael at tsaka tuluyang umalis, nagkatinginan naman kami nila Kuya at Alonika, pare-parehas kaming nakokonsensya. Makakatulong kasi na hindi malalaman ni Rafael ang naging desisyon ni Julia, kailangan niya muna mapag-isa. At kailangan din na walang pumigil sakanya papunta sa ibang bansa.

Ng tuluyang makaalis si Rafael ay niyaya na kami ni Maxwell na pumasok sa loob.

Ng makarating kami sa lamesa ay agad kaming umupo. Sabi ni Maxwell ay nasa bahay na raw si Aira at walang kaalam-alam sa nangyayari.

Nandito na rin ang kanilang mga magulang at naghihintay sa pagdating ng anak nila na si Aira.

Magkatabi kami ni Alonika kaya eto kami at nagkwekwentuhan.

"Alonika, nagtext na ba si Julia?" bulong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.

"Hanggang ngayon nga ate, di pa siya nagtetext nakarating na kaya yun?" sagot niya sakin at panay tingin siya cellphone niya.

"Sa tingin ko naman nakarating na siya sa poblacion, nagpapahinga lang siguro." bulong ko sakanya, kaya napatango nalang siya at binulsa ang cellphone niya.

Maya-maya pa ay dumating na si Aira na nakatakip ang mata ng panyo. Madilim ang paligid at panay ang tili ni Aira na umaalma sa paghawak sakanya.

"Ano ba pakawalan niyo ko?" bulalas ni Aira at panay ang pagpiglas sa mga may hawak sakanya.

Dinala siya sa stage at pinaupo sa upuan.

"Ano ba kasing binabalak niyo sakin? Nasaan ang bestfriend ko?" sigaw pa ni Aira, lumayo na ang mga may hawak sakanya at iniwan siya stage. Habang si Maxwell ay lumapit sa kapatid, at di nito mapigilang matawa.

Nandun nga pala si Kuya, kakanta siya para kay Aira. Nagsimulang kumanta si Kuya, at doon na natahimik si Aira.

"Kakaibang kidnapper, nagcoconcert na. Aba ibang klase ka." bulalas ni Aira. Kaya napahagikhik lahat ng mahina upang di marinig ni Aira, nakatakip pa rin kasi mata niya at hawak siya ni Maxwell para di tanggalin ang takip ng mata niya.

"This night is your night, Maxine Aira Sarmiento. Your now a lady." nakangiting sabi ni Kuya kaya natigilan si Aira.

"Pamilyar boses mo ah." sabi ni Aira kaya lalong napangiti si Kuya, at napangiti rin si Maxwell.

"Maxine Aira Sarmiento, you was our princess, but now your now a lady. Time flies, and now your now in legal age." nakangiting sabi ni Maxwell sa kapatid kaya lalong natahimik si Aira. At dahan-dahang tinanggal ang takip nito sa mata. Kasabay nito ang pagbukas ng mga ilaw. At doon ay nagbagsakan mga luha ni Aira ng makita niya ang napakaraming tao at ng makita niya ang Kuya niya, mga magulang niya at ang kaibigan niya na naiiyak na nakatingin sakanya. Ng makita ko ang mukha niya ay malaki nga ang pagkakahawig nila ni Maxwell at napakaganda niya.

At halos mamula ng mapagtanto niya na si Kuya ang nasa harap niya na kumakanta kanina.

"Ikaw yung kumakanta?" namumulang sambit ni Aira kay Kuya, ningitian lang siya ni Kuya at tsaka ito nagsalita.

"Happy Birthday, Aira." bati ni Kuya sakanya, at tsaka pumaibabaw ang tilian sa buong venue.

May gusto siya kay Kuya?

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon