Kabanata 20

149 25 0
                                    

Anna Luisa

Pagkaalis ni Julia, nanatiling umiiyak si Alonika. At panay naman ang alo ko sakanya. At galit na galit siya kay Rafael ngayon..

"Mas makakabuti siguro kung di nalang tayo pumunta mamaya." sabi ko sakanya, dahil nag-aalala talaga ko sa maaari niyang gawin mamaya sa kasiyahan na yun.

Kaya taka siyang napatingin sakin.

"Hindi ate, pupunta tayo. Wag mo kong aalalahanin wala akong gagawin kay Rafael." sabi niya sakin. Kaya napatango nalang ako, sana nga wala siyang gawin mamaya.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng may tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag kaya sinagot ko ito.

Si Kuya pala pagtingin ko sa screen ng cellphone.

"Aera, pupunta ba kayo mamaya?" tanong ni Kuya sakin.

"Oo naman kuya." malungkot na sagot ko habang nakatingin kay Alonika na umiiyak pa rin.

"Bakit ang lungkot ng boses mo? May problema ba?" sabi ni Kuya sa kabilang linya, at tsaka naramdaman ang pagbagsakan ng mga luha ko.

Paano ko sasabihin sakanya?

Mismong ako ay di ko matanggap ang nangyari. Di pa rin patuloy natatanggap ng isip at puso ko na umalis na si Julia.

"Kuya, si Julia." garalgal na sabi ko habang nakatitig kay Alonika na nasa harap kolang.

"Oh anong meron sa pinsan natin? May nangyari ba sa inyo?" nag-aalalang tanong niya sa kabilang linya.

"Umalis na si Julia, Kuya. Uuwi na siya sa probinsya natin." garalgal na sabi ko sakanya, kaya narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya sa kabilang linya.

"Ano, kailan siya umalis?" bulalas ni Kuya sa kabilang linya.

"Kanina lang, Kuya. Sige na kuya maghahanda na kami para pumasok sa school." garalgal na sabi ko sakanya at binaba ang cellphone at bumaling kay Alonika.

"Ate." garalgal na tawag niya sakin.

"Bakit? Alonika?" tanong ko sakanya.

"Wag po natin sasabihin sa kanila na umalis na si Julia." sabi niya kasi na siyang pinagtaka ko naman.

"Bakit naman?" takang tanong ko sakanya. Dahil di ko alam kung bakit hindi pwedeng sabihin?

"Di dapat tayo ang magsabi sakanila, dahil ayokong ako o ikaw ang magsabi nun. Sila ng bahala kung paano nila malalaman na umalis na si Julia. Baka maiyak lang ako pagtayo nagsabi sakanila." sabi niya sakin, kaya napaisip naman ako.

"Pero kailangan nilang malaman, dahil kaibigan din nila si Julia." sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Ate please wag mo muna sabihin mamaya." pakiusap niya.

Kaya napahugot nalang ako ng malalim na hininga at pumayag sa gusto niya.

Nag-ayos na kami at naghanda sa pagpasok sa eskwela, halata pa rin ang tamlay na bumabalot kay Alonika siguro iniisip niya pa rin si Julia.

Tahimik lang kami sa sasakyan, at wala man lang siyang kaimik-imik.

"Alonika, nandito na tayo." sabi ko sakanya at tinapik siya kaya napatingin siya sakin, at mapait na ngumiti sakin at bumaba ng sasakyan. Napakibit-balikat na lamang ako at bumaba na rin.

Sa ilang buwan ko sa taon to, marami akong natutunan at nalaman. Ibang-iba na talaga, ang henerasyon ngayon. Iba na ang kahulugan ng pagmamahal, iba na ang ibig sabihin at depinisyon nito sa bawat kabataan.

Maraming mukha ng pagmamahal na ngayon ko lamang nasaksihan sa aking talambuhay.

Nandito ba ako para malaman, kung paano ang tunay at hinding pagmamahal? O may iba pang rason?

Papasok na kami sa campus ng bumungad samin si Catriona at Yuri.

"Oy, bat dalawa lang ata kayo?" bungad ni Catriona samin.

Di siya sinagot ni Alonika, at iniwan na kami. Wala talaga siya wisyo ngayong araw.

"May importanteng gagawin si Julia, kaya di namin siya kasama." pagpapalusot ko sakanila. Dahil nangako ako kay Alonika na wala akong sasabihan ng tungkol sa pag-alis ni Julia.

Napatango nalang ang dalawa at niyaya na ko, pumasok ng klase.

Pagdating namin dun ay napatingin sakin si Rafael na para bang may gusto siyang itanong. Habang si Ethan ay nakatingin rin sakin na may parang gustong sabihin, di pa kami ayos sapagkat ako ay naiilang pa rin sakanya dahil sa kanyang paghalik sakin sa ilog paraiso.

Hinanap ng paningin ko si Maxwell, pero mukhang wala siya dahil siguro maghahanda siya para sa kasiyahang ihahanda para sa kapatid niya.

Umupo ako at ipinatong ang siko sa lamesa at nagpangalumbaba.

Julia

Habang nasa biyahe ako, bigla akong may nareceive na message from Rica sa messenger ko kaya agad ko itong binuksan at nagsisi ako ng buksan ko ito.

Litrato ito ni Rafael na inaasikaso si Aljean. Nabitawan ko ang cellphone ko at natulala nalang ako, at doon ay umiyak ako.

Maraming napapatingin sakin na kasama ko sa bus pero di ko nalang sila pinansin dahil durog na durog ako, habang yung katabi ko naman ay lalaki at nakatakip ang mukha at tulog na tulog.

Di ko siya kilala.

Nagising siya ng marinig ang pagbagsak ng cellphone ko.

"Miss, alam mo bang natutulog ako?" masungit na sabi niya sakin at tinanggal ang takip ng mukha niya.

Naamaze naman ako sa mukha niya dahil infernes mga sis gwapo siya.

"Oo, alam ko pero wala akong pakialam." garalgal na sabi ko sakanya at pinunasan ang luha ko at dinampot ang cellphone ko.

Napakunot naman siya ng noo ng may mapansin siya mukha ko, ano namang nakita nito?

"Miss, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin. Kaya agad kong iniwas ang tingin ko at sa bintana nalang ibinaling ang tingin. Naramdaman ko naman ang pagbalik niya sa pagtulog.

"Deserve ko ba lahat ng nararanasan ko ngayon? Ang paulit-ulit na madurog. Deserve ko ba Raf?" bulong ko sa ere na ako lang ang nakakarinig. Dahil baka sabihin pa ng mga to na baliw ako. "..alam kong deal lang lahat, pero bakit nahulog ako sayo." dagdag bulong ko pa. At doon na nagbagsakan ang mga luha ko at napahikbi nalang ako.

Nagulat ako ng may mag-abot ng panyo sakin, yung katabi ko pala. Tinanggap ko naman ito at pinunas sa luha ko.

"Mukhang may pinagdadaanan ka miss." sabi niya sakin.

Pero di ko siya sinagot, at tinitigan lang siya. Ningitian naman niya ako at tinulungang punasan ang luha ko.

"Alam mo kasi miss, di tayo nasasaktan dahil deserve natin yun. Nasasaktan tayo para matuto tayo ng matuto, hanggang sa mapunta tayo sa tamang tao." sabi niya sakin at patuloy na tinulungan akong punasan ang luha ko.

"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko sakanya.

"Bakit pagpumasok ka ba sa isang relasyon, sigurado ka na bang hanggang dulo na kayo at walang sakitang mangyayari. Lahat ng relasyon nagiging toxic hanggang sa natatapos. At lahat ng relasyon minsan happy ending, pero kadalasan tragic." nakangiting sabi niya at tsaka inabot sakin ang panyo at sinenyasan na punasan ang luha ko, patuloy pa rin kasi sa pagbagsak eh.

Natahimik naman ako at natulala nalang, hanggang sa pumara siya. Mukhang baba na siya, at tanda ko tong babaan niya. Malapit lang to sa poblacion indang.

"Btw miss, ako si Clyde. Tandaan mo mga sinabi ko ah." sabi niya at tsaka tuluyang bumaba ng bus.

Di ko alam ang nangyari, ang tanging alam ko lang ay napagaan niya ang loob ko, sobrang napagaan niya nararamdaman ko.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now