Kabanata 42

104 22 1
                                    

Anna Luisa

"Ate ano yan?" takang tanong niya sakin, dahil titig na titig ako sa talaarawan ko. Umupo ako upuan at tsaka ito binuklat..

At binasa ang unang pahina nito.

"Ako si Anna Luisa, bata pa lang ako. Mahilig na ako magtanong ng mga bagay na napakaimposibleng maganap.Ngayon ay kaarawan ko at naisipan kong gumawa ng talaarawan upang patuloy kong maaalala na ngayon ay naganap ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko at eto ang araw na nakilala ko rin ang lalaking iniibig ko."

                                     - 10 Mayo (1894)

Basa ko sa unang pahina, at nakita ko ang petsa at Mayo 10, 1894. Ang araw na sa pagkakatanda ko ay nagtagpo kami ni Juancho sa ika-labinglimang kaarawan ko.

At binuklat ko naman ang sumunod na pahina, wala kasi akong maalala na nagkaroon ako ng talaarawan.

"Magandang araw aking talaraawan, ngayong araw ay nagkita kami ni Juancho sa Ilog paraiso. Sobra niya akong pinapasaya sa tingin ko siya na ang lalaking makakasama kong ihaharap sa altar, dahil wala na kong nakikitang katulad niya pa. Siya lang lalaking nakikita ko habangbuhay na makakasama ko, kahit na ikamatay ko pa ito dahil ayaw nila Ina at Ama sakanya."

                                      - 18 Mayo (1894)

Di ko alam pero kusang nagbagsakan mga luha ko ng mabasa ko ito, naalala ko kung gaano kaayaw nila Ina at Ama kay Juancho, dahil di raw kami bagay at di kami magiging bagay kahit kailan.

Naramdaman ko ang paghimas ni Lara sa likod ko, at hinawakan niya ang balikat ko para gumaan ang pakiramdam ko.

Lumipas ang mga oras ay marami na kong nabasa sa talaarawan ko at puro masasaya lamang iyon at laging si Juancho ang laman ng aking talaarawan..

Hanggang sa isang pahina ang pumukaw ng atensyon ko.

"Magandang araw talaarawan, alam kong magugulat ka sa sasabihin ko. Dahil hinihiling ko na sana ay mabuhay ako sa makabagong taon. Dahil gusto kong maranasanang mabuhay sa taon na malaya sa mga kastila. Di kami masyadong nakakapagkita ni Juancho dahil sa giyera at pag-aaklas na nagaganap at pinapalawig. Kasama sa pagpapalawig ng himagsikan ay aking Tiyo Andres."

                                        - 4 Mayo (1896)

Naalala ko nga ang kaganapan na iyon pinagbawalan kami lumabas dahil noong bago ang kaarawan ko noong 1894 ay nagtatag na sila Tiyo Andres ng KKK. Naitatag ito noong labingtatlong taong gulang lamang ako, noong Hulyo 7, 1892 naitatag ang KKK.

Ang ibig sabihin ng KKK ayon kila Ina ay: KATAAS-TAASANG,KAGALANG-
GALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN, na isa raw lihim na samahan na itinatag ni Tiyo Andres ang layunin ay palayain ang bansa sa ilalim ng mga mananakop na Espanyol. Naitatag nila ito matapos mahuli at maipatapon sa dapitan si Jose Rizal, na siyang pinuno ng La Liga Filipina at si Tiyo Andres ay miyembro rin nito.

"Grabe, totoo pala yung mga nakatala sa mga libro noon sa kaganapan sa Pilipinas." namamanghang sabi ni Lara habang binabasa ko kanina ang talaarawan ko, na di ko maalalang gumawa ako nito noon.

Binitawan ko muna ang talaarawan at nagpasyang ang libro ng angkan ng Bonifacio ang buksan upang malaman ko na kung may Sarah Bonifacio ba sa angkan ng mga Bonifacio. At ng tingnan ko ay ganun nalang ang gulat ko ng malaman kong walang Sarah sa libro ng kasaysayan.

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now