Kabanata 41

124 24 0
                                    

Anna Luisa

Narito na kami ni Lara sa taas ng mansyon at naghahanap ng libro ng angkan ng Bonifacio. Pero sadyang napakahirap hanapin, dahil wala kasi samin nakakaalam kung saan ito nakalagay.

"Ang hirap hanapin naman ng libro na yun." umiiling na sabi ni Lara habang hinahalungkat ang isang baul sa matandang kwarto ng mansyon. Wala raw napasok rito dahil pribadong kwarto ito na walang nakakaalam kung anong nakaraan nito at bakit bawal pumasok ang kahit sino.

Nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa isang maliit na orasan na lumang-luma na ang nakuha ko mula sa baul.

"Iyan ang sinaunang relo noon diba? Halata mo na ang kalumaan pero napakaganda." namamanghang saad ni Lara habang nakatingin sa orasan.

"Pero hindi ito simpleng orasan lamang, Lara. May iba akong nararamdaman sa orasan na ito." kinakabahang saad ko sakanya.

Dahilan para matigilan siya at mapatingin sakin.

Kaya kinuha niya ang orasan at tiningnan at pinag-aralan ito. At halos mabitawan niya ang orasan sa nakita niya sa likod ng orasan. Buti nalang ay nasalo ko ito..

"Anong nakita mo?" takang tanong ko sakanya.

"Tingnan mo yung likod, tiyak kong di ka maniniwala sa nakaukit diyan." di makapaniwalang saad niya sakin kaya dali-dali kong tiningnan ang likod. At ganun nalang din ang gulat ko na magpagtanto na pangalan ko ang nakaukit rito at unti-unti na itong nabubura, at may petsa sa ibaba nito na nabubura na rin. Bakit naglalaho ito bigla?

Yung petsa, sa pagkakaalam ko ito ang aking kaarawan. Mayo 10, 1879 ako ipinanganak sa pagkakatanda ko.

At dahil patuloy itong nabubura ay nagulat ako ng biglang umukit dito na ibang pangalan na siyang kinabigla ko at ng basahin ko ang bagong nakaukit ay natulala na lamang ako.

Pangalan ni Aera ang nakaukit, at parehas kami ng kapanganakan. Pero bakit pangalan niya na ang pumapalit rito?

May nababago na ba sa kasaysayan ng di namin namamalayan, nandun ng kaya sa 1897 si Aera at wala siya sa dilim tulad ng napanaginipan ko.

"Bakit ate, anong nangyayari?" nag-alalang tanong ni Lara sakin kaya pinakita ko sakanya ang bagong nakaukit sa likod ng lumang orasan. "..shet bakit Aera na ang nakalagay, bakit tila nagagalaw ang kasaysayan. Kailangan na natin kumilos at magmadali sa paghahanap ng libro ng angkan ng Bonifacio." saad niya kaya dali-dali akong tumayo. At tsaka kami sabay na lumabas ng kwartong iyon, dala ko pa rin ang orasan dahil baka isa ito sa maging susi para mahanap ko ang mali ng nakaraan sa kasalukuyan.

"Lara, alam mo bang parehas kami ng araw ng kapanganakan ni Aera?" saad ko sakanya kaya napalingon siya sakin at natigilan.

"Oo, naikwento sa akin ni Mommy na magkamukha ng kayo at halos parehas ng araw, oras at petsa ang kapanganakan niyo." kwento niya sakin, habang patuloy na kaming naglalakad papunta sa isa pang lumang kwarto.

Ang kwarto ng pinakamatandang angkan ng Bonifacio na bawal rin pasukin pero dahil may hinahanap kami ni Lara ay kailangan naming pumasok rito. Malakas rin ang ulan at rinig na rinig namin ang kidlat at nangangalit na ulan sa labas.

Kaya minsan nakakaramdam kami ng takot ni Lara dahil kami lang dalawa ang narito sa mansyon na ito.

Bakit kailangang magkaroon ako ng kamukha sa kasalukuyan? Kung di maganda ang aking nakaraang buhay.

Pagpasok namin sa kwarto ng pinakamatandang angkan ng Bonifacio, at halos magtaasan ang balahibo namin ni Lara ng humambalos ang napakalamig na hangin sa pagbukas namin ng pinto.

Pero kahit kinakabahan kami at nakakaramdam na ng takot ay nagpatuloy pa rin kami at pumasok sa loob tulad ng naunang kwarto na pinasukan namin ay may baul rin dito. Baka may makita pa kaming bagay na makakatulong samin sa pagtuklas ng mga bagay na dapat naming malaman.

At sa pagbuklat namin ng baul ay ganun nalang ang gulat namin ng magliwanag ang orasan na hawak ko at maglipadan ang mga gamit sa kwarto na ito. At kusang pagsara ng pinto ng kwartong ito kaya napakapit si Lara sa akin..

"Mukhang narito na ang hinahanap natin?" bulong ko kay Lara.

"Ang alin, Ate Anna Luisa?" kinakabahang tanong niya sakin na todo kapit dahil talaga namang naglipadan lahat ng gamit rito. Na tila ba nagwawala ang hangin?

"Ang libro ng kasaysayan ng mga Bonifacio." sagot ko sakanya.

At tsaka ako nagdesisyon na protektahan siya sa mga nagliliparang gamit.

"Anong ginagawa mo rito Anna Luisa? Hindi ka dapat narito?" saad ng isang matandang lalaki sa batang ako. Oo isang eksena ang nakita namin sa loob ng kwartong ito. Kaya natahimik si Lara at napatingin sa kaganapang napapanood namin.

"Lolo nais ko po sanang hiramin ang libro niyo, may nais lamang po akong isulat." saad ng paslit na ako sa matandang lalaki na di ko matandaan kung sino siya?

"Ano naman ang iyong isusulat?" tanong ng matanda sakanya, kaya umupo ang paslit na ako sa kama at nagkunwaring nag-iisip.

"Sabi kasi nila Margareth, ang tao raw ay nagkakaroon ng kamukha sa hinaharap kaya gusto kong isulat at idikta ang kaganapang parehas naming pagdadaan ng magiging kamukha ko sa hinaharap." sagot ng batang paslit na ako sa matandang lalaki.

Bakit wala akong matandaan na ginawa ko yan? Ni hindi ko kilala ang matandang lalaki na kausap ng paslit na ako.

"Kilala mo ba siya, Ate Anna Luisa?" bulong ni Lara sa akin. Kaya napalingon ako sakanya.

"Hindi eh, ngayon ko lang siya nakita." sagot ko sakanya at muli ng binalik ang tingin sa matandang lalaki at sa paslit na ako.

"Ngunit alam kong batid mo na mali na diktahan natin ang hinaharap diba? Dahil malaki ang magiging epekto nito sa mga susunod na henerasyon." saad ng matandang lalaki sakanya.

"Pero nais ko po talagang magsulat sa libro na tinatalaan niyo ng mga kaganapan sa panahon natin at sa mga magaganap pa." desididong sambit ng paslit na ako.

Kaya walang nagawa ang matanda at binigay sa paslit na ako ang libro at ng makuha ng paslit ay naglakad ito sa lamesa bitbit ang libro at tsaka nagsulat.

"Ano kaya ang sinusulat niya?" bulong ni Lara sa akin.

"Di ko alam, dahil di ko matandaan na may ginawa akong ganyan nung bata ako." sagot ko sakanya, dahilan para matigilan siya.

At maya-maya pa ay naglaho na ang matandang lalaki at paslit na ako. At bumalik sa normal ang kwartong ito, at sabay kaming napalingon ni Lara sa baul kung saan nandoon ang libro ng kasaysayan.

"Sa tingin ko ito na ang libro ng kasaysayan." saad ko kay Lara, kaya napatango siya. Lumuhod naman ako para kunin ito, at halos magulantang kami ng kumidlat ng napakalakas. Kaya dali-dali kaming lumabas ng kwarto ni Lara dala ang libro ng kasaysayan.

At ng makarating kami sa sala ay agad kaming umupo.

"Nahihiwagaan talaga ako sa sinulat ng paslit na ikaw sa libro ng kasaysayan." saad niya sa akin. Kaya napalingon ako sa kanya, at agad ko namang inalis ang tingin ko sakanya at binuklat ang libro ng kasaysayan nagulat ako ng may tumalsik na isang maliit na kwaderno.

Kaya agad ko itong pinulot. At halos manlaki mata ko ng mabasa ko ang nakasulat sa unahan nito..

'Ang talaarawan ni Anna Luisa'

To be continued..






AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now