Kabanata 26

131 25 0
                                    

Anna Luisa

Ilang araw na nakakalipas simula ng manggaling kami sa kaarawan ni Aira, at ayun na ang huling beses na nakausap ni Alonika ang kapatid niya. Sa ngayon ay narito kami sa paaralan, huling linggo na raw ito ng klase dahil sembreak na raw sa susunod na linggo.

Heto na ang huling Lunes bago ang sembreak. Kaya todo asikaso kami ng mga requirements dahil sa pagbalik namin ay bagong semester na ulit ng klase, hudyat na sa malaking pagbabago ng mga iskedyul namin.

"Oy, Ate ano't tulala ka diyan sa bulletin board." biglang sulpot ni Alonika sa tabi ko, kaya gulat akong napalingon sakanya.

"May iniisip lamang ako, nasaan na sina Yuri?" saad na tanong ko sakanya kaya napakibit balikat nalang siya at may kung anong hinalungkay sa bag niya.

Sa loob din ng ilang linggo, patuloy sa panunuyo sakin si Ethan. Talagang ginawa niya ang sinabi kong pamamaraan ng walang palpak, pero sa kabila nun ay di pa rin niya batid ang ibig sabihin ng salitang binitawan ko sakanya noon.

Buti na nga lang ay di siya nagtatanong sakin, mukhang nakalimutan na nga yata niya eh, mas maganda na rin yun ayokong madamay pa siya sa oras na mangyari na ang nakatakda na dapat mangyari.

"Hala ka! Ate, ano bang nakain mo at lagi kang tulala?" saad ni Alonika at winagayway pa ang kamay niya sa mukha ko.

"Alonika, paano kung hindi ako ang Ate Aera mo?" wala sa sariling tanong ko sakanya, dahilan para matigilan ako at ganun rin siya.

"Anong ibig sabihin mo, Ate? May iba pa bang Ate Aera." sarkastiskong sabi niya at medyo natatawa pa sa sinabi ko, kaya kunwaring natawa na rin ako. Mukhang di siya maniniwala sakin, kailangan ko kasi ng taong tutulong sakin upang makabalik sa isang libo't walong daan at siyam na pu't pito na taon. Dahil dun ako nararapat at hindi sa taon na to.

"Malay mo lang diba? Nagbibiro lamang ako." nakangiwing saad ko sakanya, kaya tinawanan niya lang muli ako.

Matapos nun ay nagdesisyon kaming magtungo sa tree house nila Maxwell at Ethan, sa hinuha raw ni Alonika ay nandoon sila Yuri at Catriona.

Habang papunta roon ay nakasalubong namin si Rafael na kasa-kasama si Aljean, at simula rin nung araw na magwala si Rafael maraming nagbago sakanya.

Nilayuan niya kami, maging ang mga kaibigan niya. Minsan nga ay gusto siyang banatan ni Steven pero pinipigilan lamang siya nina Maxwell at Ethan.

At eto pa, konsumisyon ko ngayon sina Maxwell at Ethan. Ang kukulit nila, panay ang suyo sakin, nalaman kasi ni Maxwell na nanliligaw si Ethan sakin kaya ayun nanligaw na rin sakin.

Kaya minsan mas pinipili ko kay Yuri sumama kaysa sa dalawang makulit na yun. Eto naman kasing si Maxwell nandiyan naman si Alonika, bakit ako pa? Masasaktan lamang siya tulad ni Ethan sa pagpipilit niya sa pagdating ng panahon.

"Oh, Aera at Alonika ang mga tanga-tanga sa mundong ibabaw.." natatawang sabi ni Aljean samin. "..nasaan na si Julia, patay na ba? Sabihan niyo lang ako, ako na bahala sa lamay." nakangising dagdag niya pa. Habang si Rafael ay parang di kami nakita.

Dahilan para makita ko ang pagkuyom ng kamao ni Alonika kaya agad ko siyang pinigilan, dahil tiyak na tulog to si Aljean pag nasapak siya ni Alonika.

"Pwede ba, Aljean? Dadaan lang kami kaya wag mo kami simulan ngayon." walang gana na saad ko sakanya, dahilan para mapangisi siya.

"Oh, okay! Pero di pa ko tapos sa inyo. Nagsisimula pa lang ako." nakangising sabi niya samin, at hinila na si Rafael paalis.

At ng tuluyang makaalis ang dalawa at doon na naglabas ng sama ng loob si Alonika.

"Nakakainis talaga yung babaeng yun, wala ng nagawang maganda. Siya kaya patayin ko, at ako rin bahala sa lamay niya. Tapos ako na rin sa biskwit at kape niya." gigil na gigil na sabi ni Alonika at para siyang sasabog na bulkan sa sobrang galit niya. Kaya nilapitan ko siya at inakbayan.

"Kumalma ka nga, hayaan mo an yun wala lang magawa yun. Hayaan mo at kakarmahin rin yun.." saway ko sakanya, at tsaka siya ningisian dahilan para mapairap nalang siya. "..at tsaka kung papatulan natin sila, wala naman tayong mapapala. Kaya tara na sa tree house magpalamig ka muna ng ulo mo." nakangiting sabi ko sakanya at hinila na siya papunta sa tree house.

Pagdating namin doon ay rinig na namin mula sa baba ang tawanan nila, mukhang narito din si Angge at Aira. Pag-akyat namin ay tama nga ang hinala namin nandito nga ang magkaibigan, at nandito na naman si Kuya, oo na naman. Halos araw-arawin niya kaya pagpunta rito.

"Wag kang kiligin, Aira. Dahil magiging kamatis ka sige!" pang-aasar ni Angge sa kaibigan, kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Aira.

"Aysus, paano di kikiligin yan eh nandito si Azrael." panunukso naman ni Catriona at si Yuri ang pinagtripan kaya inis siyang tiningnan ni Yuri, mag-aaway na naman to sigurado ako.

"Tigilan mo ko, Angge ikaw nga diyan ay di maalis ang tingin kay Kuya Maxwell." nakangising pang-aasar ni Aira sa kaibigan, kaya namula si Angge at natigilan naman si Maxwell. Nagulat naman ako sa naging reaksyon ni Alonika.

Para siyang nasamid na ewan kaya dahilan para mapalingon silang lahat samin.

"Oh, nandito na pala kayo. Saan ba kayong galing dalawa?" bungad at tanong ni Yuri samin at nilapitan kami.

"Sa Bulletin Board, yang si Ate parang ewan na nakatitig sa bulletin." umiiling na kwento ni Alonika sakanila.

Agad namang nag-unahan lumapit sakin sina Maxwell at Ethan. Kaya napailing nalang ako, dahil eto na naman sila sa pangungulit sakin.

"Tara, Mcdo tayo." yaya ni Maxwell sakin. Sasagot na sana ako ng magsalita rin si Ethan.

"Tara, Milktea tayo." yaya naman ni Ethan.

"Hala ka? Bessy saan ka sa Mcdo o Milktea?" pang-aasar ni Catriona sakin at lumapit at tinulak si Yuri na nasa harap ko para siya ang nasa harap ko. Kaya inis ko siyang tiningnan dahil di siya nakakatulong talaga. Kahit kailan talaga itong si Catriona.

"Wala, maglolomi tayo. May lomihan diyan sa labas.." sabi ko sakanila kaya natigilan ang dalawa ng lingunin ko sila. "..at kayo ang magbabayad." nakangising dagdag ko pa.

"Ang utak mo talaga, Aera." natatawang sabi ni Kuya sakin, kaya ningitian ko siya.

Wala ng nagawa ang dalawa ng magyaya na ko na pumunta sa lomihan. At pagdating dun ay kung ano-anong inooder namin.

Kaya talaga kami pumunta sa Tree House ay para sabay-sabay kaming magtanghalian bago kami magpatuloy sa pag-aayos ng requirements namin.

Maya-maya ay naramdaman kong naiihi ako kaya nagpaalam ako sakanila saglit at iniwan sila sa lomihan.

At paglabas ko sa banyo at bumungad sakin ang matandang laging nagpapakita sakin.

"Iha, malapit na. Ikaw ay maghanda na." makahulugang saad niya sakin, dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang takot na idinulot nun.

To be continued..



AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon