Kabanata 14

187 25 0
                                    

Anna Luisa

Napatayo ako ng makita ko si Ethan na parang wala sa sarili kaya sinundan ko siya, gusto kong matawa sa pagsigaw-sigaw niya pero ng mapagtanto kong umiiyak siya. Di nalang ako tumawa.

Nilapitan ko siya na tulalang nakatitig sa kawalan, madlim na ang paligid dahil lumubog na ang araw.

"Anong nangyare sayo?" tanong ko sakanya at naupo sa tabi niya kaya napalingon siya sakin.

"Alam mo bang may minahal akong babae, she's my everything. Lagi ko siyang sinusurprise para maging masaya siya.." panimulang kwento niya sakin. Kaya napatitig ako sakanya. Pero unti lang naiintindihan ko pero ramdam ko lungkot niya. "..legal kami both sides, tanggap ako ng family niya at tanggap siya ng family ko." kwento niya pa.

Tanggap naman pala eh, buti pa nga kayo tanggap. Paano nalang ako? Kami ni Juancho. Kahit kailan di natanggap ng pamilya namin ang relasyon namin.

"Ayos naman pala eh, eh bakit umiiyak ka diyan." tanong ko sakanya.

"Then may nangyari na di ko inaasahang mangyayari, she died. Ng di ko man lang nakita ang bangkay niya.." mapait na ngiting kwento niya pa.

She died? Ano yun? Kaya hinalungkat ko muna sa utak ko kung ano ang tagalog ng died hanggang sa maalala mo ang nabasa ko sa diksyunaryo ng English-Tagalog.

Died? Diba namatay yun.

"Namatay siya?" tanong ko sakanya.

"Oo, namatay siya Aera. Yung sinasakyan iyang barko papuntang cebu, lumubog at di na natagpuan ang bangkay niya kaya walang libing na naganap dahil di makita ang bangkay niya, nung una umasa ako na buhay siya pero nung halos ilang taon na eh wala pa rin kaming balita ay doon ko sumuko." kwento niya pa sakin. At mapait na nakangiti sa kalangitan.

Sandaling katahimikan ang pumaibabaw sa pagitan namin hanggang sa humarap siya sakin na kinagulat ko.

"Aera, di ko alam pero pakiramdam ko ikaw siya. Nakikita ko siya sayo! Naalala ko siya sayo." sabi niya ng may malulungkot na mata at dahang-dahan inilapit ang mukha niya sakin kaya nagulat ako at di nakagalaw sa pwesto ko. Ni minsan hindi ito ginawa ni Juancho sakin, dahil siguro sa nirerespeto niya ko. At bawal ang mga ganto sa taon namin.

"Pero hindi ako siya, Ethan. Ako si Aera at hindi ako siya." sagot ko sakanya pero di niya pinansin yun at pinagpatuloy niya ang paglapit sa mukha ko. Hanggang sa wala ng hangin pa ang makakadaan sa pagitan namin.

Nagulat ako ng idampi niya ang mga labi niya sa labi ko. Naestatwa ako at di nakagalaw ko sa pwesto ko. Tumagal ang halik na yun ng higit sa limang segundo.

Di ko alam pero iba nararamdaman ko sa halik na to, naramdaman ko ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ano bang nangyayari sakin?

Ni minsan hindi ako naging ganito kay Juancho, ngumingiti lang ako tuwing kakausapin niya. Labis ang tuwa ko paghinahagkan at niyayakap niya ako. Pero iba to, at di ko alam kung paano ko aalaminin kung anong ibig sabihin ng nararamdaman ko.

Nagulat ako ng tumapat samin ang isang alitaptap at kuminang ito na wari mo'y may ipinapabatid siya. Hanggang sa unti-unti na kaming pinalibutan ng mga alitaptap.

Parang katulad eto nung gabing inaawitan ako ni Juancho, gantong-ganto ang kinang ng paligid. Anong ibig sabihin nito?

Kaya kusa ng hiniwalay ni Ethan ang labi niya sa labi ko at natutuwang pinagmasdan ang pagsusulputan ng mga alitaptap, habang ako ah napahawak nalang sa labi ko.

Eto ang unang halik ko, at eto ang pinangarap kong kaganapan sa unang halik ko ang palibutan kami ng mga alitaptap.

Pero bakit kay Ethan? Bakit sakanya ko ito mararanasan?

"Bakit naglabasan yung mga alitaptap, pero ang kyut nila ah." nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ang mga alitaptap at pagkinang ng ilog.

Nanatili akong tulala at di makaimik, kaya ng mapansin niya na di ako nagsasalita ay nilingon niya ako.

"Aera, sorry di ko dapat ginawa yun nadala lang ako." malungkot na paghingi niya ng tawad. Anong sasabihin ko?

Ang tanging alam ko nalang ay tumayo ako at nilayasan siya at tsaka inaya sila Alonika at Julia na umuwi na. Dahil di ko alam kung ano na ba talagang nararamdaman ko? At bakit nagkakaganto ako.

Alonika

Simula ng umuwi kami galing Ilog paraiso, nag-iba na ang inaakto ni Ate. Kakaiba siya! Lagi siyang tulala at halatang balisa.

Gusto namin siyang tanungin ni Julia pero baka di niya lang kami pansinin. Napasok naman siya sa school, pero iba ang katahimikan niyo, oo tahimik naman siya noon pero mas iba ngayon.

Pansin rin namin ang ilang araw na pagkawala ni Ethan ang sabi ni Maxwell ay nagpunta raw ito sa Poblacion Indang para bisitahin ang farm nila don. Pero duda ako sa nagaganap? Bakit biglang pupunta ng Poblacion si Ethan at bakit laging balisa si Ate.

"Oopss, sorry I did it again." rinig naming sabi ni Aljean kaya napalingon kami sa kanya at napatayo kami lahat sa upuan ng makita naming basang-basa si Ate Aera habang si Aljean ay hawak ang plastic bottles na mukhang pinangbuhos niya kay ate.

Lumapit naman si Rica sakanya at tinapunan siya ng pansit sa ulo. Pero walang pakialam si Ate Aera sakanila, nanatiling blanko ang tingin niya at malalim ang iniisip.

"Oops..Aera, I did it also." natatawang sabi ni Rica kaya pumaibabaw ang tawanan sa canteen. Kailan ba nila titigilan si Ate? Ako sana ang maninigaw sa mean girls ng biglang unahan ako ni Julia. Lumapit siya sa mga ito at pinaghahagisan ng plastic bottle na pinag-inuman namin, madami-dami yun.

Wala sila Maxwell dito dahil nauna na silang lumabas ng canteen ganun rin si Catriona at Yuri dadaan pa raw silang library kaya kami lang ni Julia ang kasama ni Ate.

"Alam niyo kayo, wala na kayong magandang nagawa sa buhay niyo. Inaano ba kayo ng Ate ko? Kung naiingit kayo, pwes mamatay kayo sa inggit." sigaw ni Julia sakanila kaya agad akong lumapit para awatin siya, warfreak kasi tong si Julia. Lagi siyang nasa guidance nung sa Poblacion Indang pa kami nag-aaral. Napapaaway siya noon, dahil sa boyfriend niyang gago.

"Ha? Ako inggit? Kanino sa Aera na yan, nah I'm not baka kayo inggit sakin. Bukod sa maganda na ako eh maganda talaga ako." nakangising sabi ni Aljean samin.

Grabe talaga tong babaeng to, gulo talaga lagi hanap eh.

"Please, Aljean tama na tumigil na kayo. Leave Ate Aera, alone." inis na sabi ko sakanila habang hawak si Ate Aera na blanko lang ang tingin, ni hindi nga siya nag-aksayang punasan ang sarili at tanggalin ang pansit sa ulo niya.

May problema ka ba ate?

"Tsk, tara na nga gurls. Nasayang lang oras natin dito." yaya ni Charm sakanila at agad naman tumango ang dalawa.

Kami naman ni Julia ay hinila palabas ng canteen si Ate Aera, bale bitbit na namin bag niya. Para linisan siya! Pero wala pa din siyang pake at nanatiling blanko ang paningin niya.

What's wrong with you, Ate Aera?

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now