Kabanata 34

106 23 0
                                    

Rafael

Friday ngayon, at nagulantang ako ng nagmamadali na hinila ako ni Aljean palabas ng campus. At sabi niya ay samahan ko daw siya sa Airport, kaya kahit di ko alam nangyayari ay pumayag ako na magmaneho papuntang Airport. Balisa siya at tila natataranta na di maintindihan.

"Sino ba pupuntahan natin sa Airport?" tanong ko sakanya habang nagdadrive.

"Mamaya ko na sasabihin sayo, ang mahalaga ay dalian mo nalang. Tetext ko pa sina Charm at Rica eh." she said at nagpipindot sa cellphone niya senyales na may tatawagan siya.

Kaya natahimik nalang ako nagdrive papuntang Airport, ng bigla kong maalala ang litrato na nakita ko kanina sa newsfeed. Litrato yun na nagconfess at nanliligaw na si Maxwell kay Alonika. Good for them, sa totoo lang miss ko na sila, pero ako lang tong iwas ng iwas na sa akin ang problema. Iniisip ko na pagsumama pa ko sakanila mas lalo lang ako masasaktan na umalis na si Julia at walang kasiguraduhan kung babalik pa siya.

Lalo na mukhang may bago na siyang nakilala sa bansang pinuntahan niya.

Pagkarating namin sa Airport ay agad kong pinark ang kotse ko, at hinila na ko ni Aljean papasok sa Airport. Sino ba kasi parating? At sino ba pupuntahan niya dito sa Airport?

Akmang tatanungin ko na siya ng makita kong may kausap siya.

"Mommy, bakit bigla kayong napauwi?" tanong niya sa kausap niya sa cellphone niya.

"At bakit? Bawal na ba kami umuwi?" rinig kong sabi nung nasa kabilang linya.

"Hindi naman po, it's just hindi ako sa mansion umuuwi." sagot ni Aljean sa kausap niya.

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap hanggang sa nagulat nalang ako ng halos mabitawan niya ang cellphone niya, buti hindi basag sana!

At ng tingnan ko ang tinitingnan niya ay nanlaki din ang mata ko, pamilyar ako sa isang babae na tinitingnan niya, Shet! Magkapatid sila?

Eunice?

Ng makalapit ito ay dali-daling niyakap ni Eunice si Aljean at nakangiting nakatingin ang parents nila sakanila. Halata naman kasi na eto ang Mommy at Daddy nila. Magkakahawig kaya sila.

Pero ang di ko matanggap ay di ko nahalata o napansin man lang ang pagkakahawig ni Aljean at Eunice.

"I miss you, Aljean." bulong ni Eunice kay Aljean habang nakayakap sa kapatid niya. Samantalang si Aljean ay parang banas na banas sa ginawang pagyakap ng kapatid.

"Pwede ba wag mo ko yakapin." inis na sabi ni Aljean at tinanggal ang pagkakayakap ni Eunice sakanya.

"Ang bad mo talaga sakin, minsan nalang ako umuwi dito eh." nakangusong sabi ni Eunice kay Aljean..

Mukhang di pa nila napapansin ang presensya ko dahil busy ang magulang nila sa katitingin kay Eunice at Aljean. At si Eunice naman ay busy sa pangbubwisit sa kapatid niya, oo alam ko na magaling sa pambwibwisit si Eunice.

Naging kaibigan namin siya noon.

"Kahit di na dapat kayo umuwi, argh! gugulo na naman mundo ko." frustrated na angil ni Aljean. Pero tinawanan lang siya ng mga magulang at kapatid niya.

Mukhang sa kanilang lahat si Aljean talaga ang maldita, kaya siguro iniwan dito sa Pilipinas. Pero di rin naman biro ang pinaggagawa ni Aljean sa sarili niya.

Hanggang sa mapabaling sila ng tingin sakin, at halos magtitili si Eunice ng makita ako.

"Hala, Rafael? Nandiyan ka pala.." sabi niya at tsaka parang may hinahanap sa paligid. Mukhang si Ethan hinahanap niya. "..si Ethan kasama mo ba?" umaasang tanong niya sakin.

"Eunice, umaasa ka bang sasalubungin ka ni Ethan. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakanya?" di makapaniwalang banat ni Aljean sa kapatid.

So alam ni Aljean na naging si Ethan at Eunice noon, pero kami di namin alam na kapatid pala ni Eunice ang bully at maldita na si Aljean.

"Ha! Di ako makapaniwala na, umaasa kang hahabulin ka ulit ni Ethan, na may babalikan ka pa?" patutsada pa ni Aljean sa kapatid, dahilan para malungkot si Eunice at napayuko nalang.

"Nagbakasakali lang naman ako na baka ako pa din." malungkot na sabi ni Eunice.

Napatingin naman ako sa mga magulang nila na wala na pala sa likod ni Eunice. Mukhang nauna ng umalis, o baka may binili lang.

"Wag ka na umasa, Eunice. Payong kapatid lang, may iba na siya. At wag ka ng umaasa na ikaw pa din, dahil may iba na siya.." paliwanag ni Aljean sa kapatid at nilapitan ito at tinapik sa balikat. "..sige na puntahan ko lang sila Mommy baka kung ano naman bilhin ng mga yun." paalam ni Aljean samin. At ng tuluyan siyang mawala ay napatingin si Eunice na parang may gusto siyang marinig na sabihin ko.

"Totoo ba?" mahinang tanong niya sakin, at halata mo na papaiyak na siya at halata mo ang lungkot sa buong mukha niya.

"Hmmm..oo eh! Ang tagal na rin kasi simula ng umalis ka, Eunice marami ng nagbago. At si Ethan, nakahanap na siya ng taong nagpapasaya sakanya." saad ko sakanya. Kaya natahimik na siya.

"Hys, psh! Tara na nga kila Mommy. Teka nga bakit nga pala ikaw kasama ni Aljean? Kailan pa kayo naging close?" sabi niya at takang tanong sakin.

"Dahil ako ang hinila niya kanina papunta rito, dahil di siya mapakali talaga. Buti na nga lang at last day na namin to para asikasuhin ang mga requirements kaya okay lang kahit anong oras kami pumasok." sagot ko at paliwanag ko sakanya.

"Hmmm, pero kailan kayo naging close?" tanong niya, talagang di niya pinalagpas yun ah. Sabagay, knowing Eunice masyadong maraming tanong to sa buhay. Kaya kahit maliliit na detalye ay gusto niyang malaman.

"Just recently lang, ng may isang babae ang iniwan ako." medyo malungkot na sagot ko sakanya habang patuloy kaming naglalakad papunta sa store na tinext raw ni Aljean sakanya kung nasaan ang parents nila.

"Nagkagirlfriend ka na? Woah! Ang dami na ngang nagbago." natatawa at natutuwa niyang sabi sakin.

"Oo eh, pero kasi napakumplikado lahat. It's was a deal from the start, hanggang sa nahulog ako. Nung time na narealized ko na totoo na nararamdaman ko, saka naman siya nawala." malungkot na kwento ko sakanya, ang sakit lang kasi. Hanggang ngayon ay di ko pa rin matanggap, na ganun nalang ang nangyari samin ni Julia. Di ko man lang nasabi sakanya na mahal ko siya. At totoo na nararamdaman ko para sakanya.

"Hay naku, ang hilig niyo kasi maglaro. Kaya ayan walang nangyari at parehas kayong nasasaktan ngayon." umiiling na sabi ni Eunice sakin. Kaya napahugot nalang ako ng malalim na hininga dahil sa sinabi niya. Kasi tama siya!

"Pero maiba tayo, Eunice. Ano at napauwi ka? Saktong sembreak pa ah." tanong ko sakanya.

"Hmm, gusto ko kasing ayusin ang gusot sa pagitan namin ni Aljean. Medyo di kasi okay ang nangyari samin noong mga bata pa kami. At di talaga kami nagkakasundo. Pero bilang ako ang nakakatanda ay gusto kong maging maayos kami dahil magkapatid kami. At isa na rin sa dahilan kung bakit bumalik ay gusto kong makausap si Ethan, at linawin ang namamagitan samin.." sandali siyang tumigil at malungkot na tumingin sa kawalan. Habang patuloy kaming naglalakad. "..gusto kong ipaliwanag sakanya ng dahilan kung bakit umalis ako? At nandun pa rin ang pag-asa ko na baka pwede pa. Ang hirap kasing magsimula ulit, kung di mo tuluyang matalikuran ang nakaraan." dagdag niya pa. Kaya natahimik ako.

Hanggang sa nakarating naman kami sa store at nandun nga ang mga magulang nila. At kung ano-ano na binili..

Hanggang sa nagyaya na ang mga magulang nila na umuwi na. Kaya ako na ang nagvolunteer na ihatid ko sila sa bahay nila, dahil kotse ko ang gamit namin ni Aljean papunta sa Airport. Sa unahan naman umupo si Aljean para ituro sakin ang daan papunta sa mansion nila.

Ano kaya magiging reaksyon ni Ethan? Sa oras na malaman o makita niya si Eunice? Sino na nga bang matimbang sakanya?

Kahit kasi di ko na sila nakakasama ay nag-aalala pa rin ako sakanila dahil mga kaibigan ko sila.

To be continued..



AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon