Kabanata 50 - Ang Katapusan

197 26 1
                                    

Anna Luisa

"Handa ka na bang malaman ang dapat itama ng nakaraan sa kasalukuyan?" bungad sa akin ng matanda. Kaya tumango ako sakanya."..kung ganun oras na para magkita kayo ni Aera." saad niya kaya gulat na napatingin ako sakanya.

At tsaka siya nagkumpas ng isang spell at lumabas sa harapan ko si Aera. At nakatingin siya sa akin.

"Ate Anna Luisa?" tawag niya sakin ng makita ako.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ng matanda kaya di na ko nagsalita pa, baka magalit eh.

"At dahil narito na kayo parehas kumapit kayo sakin at dadalhin ko kayo sa sinasabi kong naging pagkakamali ng nakaraan sa kasalukuyan." sabi niya samin, kaya sabay kaming humawak ni Aera sakanya.

Kaya napapikit kami ni Aera, at sa pagmulat namin ng mata ay isang pamilyar na senaryo ang nakita namin..

"Bakit dalawa po ang nakikita nating senaryo?" tanong ni Aera sa matanda.

"Dahil dito nagsimula ang pagkakamali, walang kinalaman ang sinulat mo noong paslit ka Anna Luisa sa nangyayari sa kasalukuyan dahil nakatadhana talagang maganap ang mga bagay na iyon. Pero ito ang pagkakamali na dapat niyong itama pagkatapos niyong makita." paliwanag niya sa amin. Kaya tahimik kaming pinanood ni Aera ang nangyayari, halos sabay na umeere ang mga magulang namin. Hanggang sa..

"Ang kaluluwa nitong sanggol na ito nawa ay mapunta sa taong kasalukuyan. Upang maging maganda at sagana ang kanyang buhay. At ang sanggol na kasalukuyang pinapanganak sa kasalukuyan ay mapunta ang kaluluwa sa sanggol na ngayon ay hawak ko." orasyon ng isang matandang lalaki na nagpaanak sa Ina ko. Nagkatinginan kami ni Aera, at natahimik. Nagulat kami ng umalis ang mga kaluluwa ng sanggol sa katawan nila at nagpalit ng katawan.

"Paanong nangyari yun?" gulat na tanong ni Aera sa matanda.

Pero di siya sinagot ng matanda kaya binalik nalang niya ang tingin sa nangyayari.

"Ikaw ay tatawagin na Anna Luisa, at maninirahan sa taon na giyera ay dinadanas pa. Ikaw si Aera ng taong 2020 na napadpad ang kaluluwa sa taong 1897, ay binabasbasan ko na habangbuhay na kayong magkapalit ng inyong mga kaluluwa." orasyon pa ng matandang lalaki. At tsaka niya binitawan ang sanggol at binigay sa kanyang nanay. At tsaka naglaho na ang kaganapan, at bumalik kami sa kung saan kami kanina.

"Ngayong nakita niyo na ang kamalian, handa na ba kayong itama ito?" tanong niya samin. Napatingin ako kay Aera.

"Ikaw pala si Aera, ikaw ang tunay na Aera. Sana ay alagaan at bantayan mo sila Mommy at Daddy mamimiss ko sila lalo na si Kuya, ako ang kaluluwang pilit na dinala sa panahon ng kasalukuyan. Patawadin mo sana kung ikaw ang dumanas ng giyera na dapat ako ang dumaranas." umiiyak na sabi niya sa akin, kaya nilapitan ko siya.

"Pangako, aalagaan ko sila at babantayan.." nakangiting sambit ko sakanya. "..mangako ka rin sakin na papanatilihin mong masaya ang pamilya na kinalakhan ko. Si Annie wag mo siya hahayaang umalis ng bahay, at makipagtanan sa kanyang nobyo. Ikaw na rin bahala sa kanila, dahil sila naman ang tunay mong pamilya." mapait na ngiti na saad ko sakanya.

"Pangako." nakangiting sambit niya sa akin, kaya napangiti ako.

Bumaling naman ako sa matanda na kasama namin.

"Paano po ang mga alaala ng mga tao sa kasalukuyan na tiyak kong nagulat sa kaganapan." takang tanong ko sa matanda.

"Wag kang mag-aalala sa oras na makalipat ka na sa tunay mong katawan, mabubura ang nakita nila kanina lang. Ngunit kayo ay patuloy niyong maalala ang kaganapan na ito." paliwanag niya sa amin.

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now