Kabanata 29

138 24 0
                                    

Anna Luisa

Umuulan ngayon, kaya minsan ay inaantok ako at gusto ko nalang bumalik sa pagtulog. Pero may pasok pa kasi kami, Miyerkules na nga yun. Pangatlong araw ng pag-aasikaso namin ng mga ipapasa.

Nauna na si Alonika, dahil may dapat daw siyang gawin pa ng gantong kaaga. Kaya naiwan na ko mag-isa dito. Kaya kahit inaantok pa ay kumilos na ko, dahil may mga ipapasa ako mamaya sa isa naming mga subject.

Maya-maya pa ay agad akong nakarating sa ekswelahan at papasok na sana ako ng campus ng tumunog ang cellphone ko senyales na may nagtext.

Kaya agad ko itong kinuha.

Si Ethan pala.

From: Ethan
Aera, nasaan ka na?

Basa ko sa text niya, bakit kaya tinatanong nito kung nasaan ako? Ay oo nga pala manliligaw ko siya. Muntik ko ng makalimutan.

To: Ethan:
Dito sa tapat ng gate ng campus, papasok na ko eh.

Reply ko sakanya at binulsa na ang cellphone ko at ng akmang lalakad na ulit ako ay tumunog muli ang cellphone ko. Kaya kinuha ko itong muli.

From: Ethan
Sabay na tayo nandito na ko sa parking lot.

Nandiyan na pala siya, kaya agad ko siyang nireplyan ng sige at naghintay na dito sa tapat ng gate. Maya-maya pa ay dumating na siya. Nakangiti ito sakin at may inabot sakin kahon.

"Ano to?" takang tanong ko sakanya.

"Edi kahon, buksan mo dali para sayo yan." nakangiting sabi niya sakin. Nagtataka man ay binuksan ko na rin. At pagbukas ko ay namangha ako sa nakita ko.

Kwintas ito.

May nakasulat na Aera kaya napangiti ako. At napangiti sakanya.

"Napakaganda nito." pagtukoy ko sa kwintas. Kaya napangiti siya sakin.

"Nung isang araw ko pa yan pinagawa, ngayon ko lang nakuha." kwento niya sakin.

Napakaswerte mo Aera, napakamasinop na lalaki ang nanliligaw sayo. Pero paano kung bumalik na tayo sa mga panahon natin, ano kaya magiging reaksyon mo na may nanliligaw na sayo dahil sakin.

Patawad Aera, di mo ko masisi. Mahal ko na din si Ethan, at mas lalo ko na siyang minamahal sa mga ginagawa niya. Hindi lang dahil kamukha niya si Juancho, kundi dahil sa malaking pagkakaiba nila ni Juancho.

"Ako na magsusuot sayo." nakangiting sabi niya kaya tumango ako at siya na nga ang naglagay sa leeg ko. At pagkalagay ay agad na kaming pumasok sa campus dahil mag aalas-siete na at pasahan na ng isang requirements sa isang subject.

Pagdating namin sa room ay nagkakagulo na sila at kanya-kanya ang ginagawa. Dahil nga ilang minuto nalang ay pasahan na.

Agad na rin akong nag-asikaso, ganun rin si Ethan ay nag-asikaso na.

Maya-maya pa ay dumating na ang Professor at agad na kinolekta ang mga folder namin, nasa loob nun ang mga pinapapasa niya.

Wala namang nahuli, at lahat naman kami ay umabot sa oras.

Pagkatapos ng unang klase ay nagkakakayaan kaming tumambay muna sa tree house. At doon gawin ang iba pang gawain.

"Grabe talaga tong week na to, sunod-sunod ang ipapasa at dapat gawin." himutok ni Steven samin.

Kaya napatingin kami sakanya.

"Di mo sila masisi, last week na natin to. Magsesembreak na kaya, di ka pa ba nasanay every year naman silang ganto." paliwanag ni Maxwell sakanya. Kaya napanguso si Steven sa kaibigan.

"Nasaan nga pala si Alonika?" tanong ni Catriona sakin.

"Ah, nasa klase pa niya. Maaga umalis yun eh napakarami raw kasi nilang ipapasa ngayong araw." sagot ko kay Catriona.

"Ay kaya pala di ko siya napapansin mula kanina." saad ni Catriona at bumalik na ulit sa ginagawa niya.

Nagpatuloy kami sa pag-aayos hanggang sa nagpasya na kaming bumalik sa classroom, para sa sunod na subject.

Julia

Ilang linggo na mula ng pumunta ako dito sa bansa kung saan nag-aaral mga pinsan ko. Masaya naman at di ako naboboring. Nagulat pa nga ako nung isang araw ng makita ko yung lalaking nakatabi ko sa bus, na dito rin pala nag-aaral at nakatira. Umuwi lang pala siya sa Pilipinas nun at binisita mga lolo at lola niya. Pero dito pala siya nakabase sa America.

"Oy, Julia tara dun. Nandon mga pinsan mo oh.." yaya ni Clyde sakin at hinila na ko sa kung nasaan ang mga pinsan ko na sina Yana at Kiel.

Busy sila sa kapipicture. Linggo ngayon at walang klase kaya napagdesisyunan naming gumala sa mga pasyalan dito para daw makapagrelax man lang kami.

Kamusta na kaya sina Ate Aera at Alonika? Alam kong stress sila ngayon dahil sembreak na nila next week.

"Julia tingnan mo to, ang ganda magpicture dito. Dali pwesto kayo ni Clyde." excited na sabi ni Yana sakin at tinulak kami ni Clyde sa pwesto na sinasabi niya.

At pinicturan kami, nakailang take pa siya hanggang sa masatisfiend siya sa picture namin ni Clyde.

After nun ay nagkakayaan pumunta sa isang sikat na milktea shop. At sagot daw nina Yana at Kiel. Kaya sumama na kami ni Clyde, aba libre daw eh.

By the way, di na ko masyadong nag-oonline simula ng dumating ako dito, kasi ayokong makita si Rafael. Gusto kong magmove-on sa paraang alam ko at yun ay ang di pag-oonline. Minsan naman ay nakakatext ko si Alonika at nangangamusta siya sakin.

Ng makarating kami sa milktea shop ay agad umoorder sina Yana at Kiel. At agad kaming uminom nito at nagkwentuhan na.

Rafael

Ilang linggo na kong umiiwas sa mga kaibigan ko, at di madali sakin ito. Ginagawa ko lang naman to para makalimot kay Julia, pero kahit anong gawin ko eto ako at patuloy bumabalik sakanya.

At umaasang babalik siya. Mahal ko pa rin siya kahit anong gawin ko. At umaasa nalang ako sa pagbabalik niya. Oo kami ni Aljean, pero di ako masaya. Di kailanman ako naging masaya sa relasyon namin ni Aljean.

"Raf? Tara sa milktea shop later." yaya ni Aljean sakin.

"Anong gagawin natin dun?" tanong ko sakanya.

"Doon kami magkikita-kita nina Rica at Charm. Magbobonding kasi kami." paliwanag niya sakin.

Oo mabait si Aljean, malayo siya sa malditang kilala ng lahat. Pero di ko pa rin siya magawang mahalin sa di ko malamang dahilan. Tumango nalang ako sakanya at nagbukas ako ng facebook ko. At halos magsisi ako sa bumungad sakin. Nakatag lang yung picture kay Julia.

Picture ito ni Julia at ng isang lalaki, sino naman ito. Kaya inis akong pinatay ang phone ko.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now