Kabanata 21

147 25 0
                                    

Anna Luisa

Nanatiling walang imik si Alonika, at tulala lang eto habang kumakain kami ng tanghalian, tanghali na kaya nasa kantina kami lahat. Pansin na pansin naman ang pag-aalala nila Catriona at Yuri sa walang imik na si Alonika.

Habang si Ethan ay panay ang sulyap sakin na wari mo'y may gusto talaga sabihin na di niya masabi. Habang si Rafael ay tulala lang na tila may iniisip.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng may lumapit samin, at ito ay ang tinatawag nilang Mean Girls.

Dalawa lang sila, nasaan kaya yung pinuno nila?

"Rafael, gusto lang namin magpasalamat sa pagtulong mo samin kahapon." biglang sulpot ni Charm sa tabi ni Rafael kaya napatingin ito sakanila.

"Hmmm..wala yun. Kamusta na pala siya?" seryosong sabi ni Rafael sakanila.

"Ayun, okay na naman siya. Sige na alis na kami may klase pa kami eh." sabi ni Rica at hinila na si Charm paalis.

Sinong siya tinutukoy niya?

"Pre, kailan pa ka pa naging close sa mga yun?" tanong ni Steven kay Rafael.

"Ah n-nagpatulong lang sila sakin kahapon." sagot ni Rafael kay Steven.

Napatingin naman si Ethan sakanya. Napatango naman si Steven. Hanggang sa dumating si Jannine.

"Myghad, excited na ko sa birthday surprise party ni Aira." sabi niya at umakap kay Steven.

"Same here." sabat naman ni Catriona sakanya. Di ko nalang sila pinakinggan dahil di ko naman batid ang ibig sabihin ng mga winiwika nila. Hanggang ngayon kasi ay di ko matutunan ang mga winiwika nila.

Bumaling nalang ako kay Alonika na nakalugmok sa lamesa.

"Alonika, ayos ka lang ba?" bulong ko sakanya. Kaya napalingon siya sakin, at mapait na ngumiti sakin.

"Di ko alam ate." garalgal na sabi niya at nagbagsakan mga luha niya kaya niyakap ko siya para kumalma siya at para na rin di mapansin ng mga kasama namin na umiiyak siya.

"Binibining Alonika, iiyak mo lamang yan narito lamang ako." bulong ko sakanya.

"Binibini? Ang lalim nun ate ah. Pero salamat ate!" bulong niya sakin at pinunasan ang mga luha niya at kumalas na sa yakap namin sa isa't-isa.

"Oy ano yan?" tanong ni Catriona samin kaya napatingin ang iba naming kasama, dali-daling tumayo si Alonika at bumaling sakin.

"Ate, pasok na muna ako. Kita nalang tayo mamaya." sabi niya at tumango nalang ako at tsaka siya tuluyang umalis.

Ng maiwan kami ay napabaling ang tingin nila sakin.

"Anong nangyare dun?" takang tanong ni Jannine sakin.

"Hayaan niyo na siya may pinagdadaanan lang siya." sagot ko sakanila at ningitian sila para di na sila maguluhan at magtaka pa.

"Ano naman yun?" usisa na tanong naman ni Rafael.

"Samin nalang yun, tara na ala una na, at mahuhuli na tayo sa sunod na klase." yaya ko sakanila at tumayo na. Nagsitanguan naman sila, isusukbit ko na sana ang bag ko ng biglang hawakan ako ni Ethan. Di ko nga alam kung paano siya napunta ng ganun kabilis sa likod ko.

"E-ethan?" utal na sabi ko sakanya.

Napatingin naman ang iba at napakibit-balikat nalang at umalis na at iniwanan na kami ni Ethan. Wala na rin ganoong estudyante at kami nalang talaga naiwan sa kantina.

AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon