Kabanata 32

123 26 1
                                    

Alonika

"Ate Aera, Ethan? Nasaan kayo?" pagbaba kasi namin ay bigla silang nawalang dalawa. Kaya eto wala akong choice kundi magpunta sa ilog kahit madilim ang paligid. Gusto ko kasi mag-isa, at mag-isip-isip pansamantala. Lalo na tong nararamdaman ko para kay Maxwell na wala namang patutunguhan.

Ilang araw ko na din itong pilit iniiwasan at pinipilit sa sarili ko na wala akong gusto sakanya, pero everytime na makikita ko siya biglang nagbabago lahat. Nakakalimutan ko ang pag-iwas ko sakanya, nakakalimutan kong pinipigilan ko pala ang sarili ko na magkagusto sakanya.

Dahil sa madilim naman sa lugar na pinagpwestuhan ko, malayo to sa puno na noon ay pinagpwestuhan namin nila Ate Aera at Julia nung may pinag-uusapan kami noon.

Nagpagpasyahan kong magbukas ng cellphone ko at makipagvideo call kay Julia, alam kong umaga sakanila ngayon kaya sure akong sasagutin nito tawag ko.

Hanggang sa..

"Ano at biglang napavideo call ka? Tsaka bakit ang dilim ng paligid mo?" ayan agad ang bungad niya sakin. Di man lang naghi sermon agad, saming dalawa kasi siya na ang tumayong ate.

"Madilim na kasi mundo ko char, namiss kasi kita." sagot ko sakanya, kaya napangiti siya.

"Pero seryoso nasaan ka? Bakit ang dilim?" kunot noo na tanong niya sakin.

"Sa Ilog Paraiso, actually kasama ko sina Ate Aera. Nagkahiwalay lang kami bet nila magsolo ni Ethan eh kaya di ko na sila hinanap.." paliwanag ko kay Julia. "..so kamusta ka na diyan?" tanong ko sakanya.

"Okay naman, di naman ako naboboring dahil nandito mga tarantado nating pinsan. Btw Alo may ipapakilala ako sayo?" masayang sabi niya at halata ang excitement sa mukha ng sinabi niya na may ipapakilala siya sakin.

"Oh sino naman yan?" natatawang tanong ko sakanya.

Nakangiti siyang saglit na umalis sa cam at parang may tinawag siya. At pagbalik niya ay may kasama na siyang lalaki, parang eto yung nakita ko sa post niya nung isang araw o nakaraang linggo ata yun basta nakita ko yan..

"Alonika, si Clyde nga pala. Clyde si Alonika kapatid ko." nakangiting sabi niya samin. Kaya nagngitian kami ni Clyde.

"Hi, Clyde." nakangiting bati ko sakanya.

"Hi, Alonika. Bakit ganun mas maganda ka pa kaysa kay Julia?" nakangiti at biglang pang-aasar niya kay Julia. Kaya binalingan siya ni Julia at binatukan.

"Hala, patay mas maganda pala ako sayo Julia eh." nakangising pang-aasar ko kaya sinamaan niya rin ako ng tingin.

"Isa ka pa! Talagang ginatungan pa kalokohan nito ni Clyde." umiiling na sabi ni Julia sakin.

Matagal kaming nagkwentuhan, pero lamang ang asaran nila Julia at Clyde. Kaya natatawa nalang ako sakanila. Hanggang sa..

Nagulat ako ng may maglagay ng blindfold sa mata ko kaya nabitawan ko phone ko, at kasalukuyan ko pang kausap sina Julia at Clyde. Nagulat nga ako ng di ko na narinig ang boses ni Julia.

Sapilitan akong tinayo ng kung sino man, at kinaladkad sa kung ano.

"Sino ka? Bakit mo ko hinihila? Saan mo ko dadalhin?" sunod-sunod na kinakabahan na tanong ko sa kung sino man to, nagbabakasali ako na baka sumagot eh. Pero wala talaga, di talaga sumagot. Tibay ah! "..at tsaka nasaan cellphone ko? Kausap ko pa kapatid ko eh." tanong ko pa, kahit alam ko namang di ako sasagutin nitong nagkakaladkad sakin.

Hanggang sa tumigil kami, at iniwan niya ako. Oo naramdaman ko kasi na umalis siya, putspa kidnap ba to? Tapos papatayin ako. Eh?

Hi
Girl you just caught my eye
Thought I should give it try
And get your name and your number
Go grab some lunch and eat
some cucumbers
Why did I say that?
I don't know why
But you're smilin' and
it's something I like
On your face, yeah it suits you
Girl we connect like we have Bluetooth

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now