Kabanata 47

121 23 0
                                    

Rafael

Sabi nila Azrael ay mamayang gabi raw ang dating nina Alonika at Julia kaya napagpasyahan naming gumala muna sa napakagandang lugar ng Poblacion Indang. At kasama namin ang maligalig na si Aljean, btw kasama niya mga barkada niya na sina Charm at Rica para humingi ng tawad sa nagawa nila kay Julia, para kasing yung ginawa nila ang tuluyang nagtulak kay Julia na umalis ng bansa at sa ibang bansa magpatuloy ng pag-aaral.

"Bakit ang ganda-ganda rito?" namamanghang sambit ni Catriona, habang nakatingin sa Plaza ng Poblaciong Indang, ang Indang Town Plaza ang isa sa historical landmark dito sa lugar na ito.

Napakaganda tingnan ng plaza, sunod naman kaming dinala sa  Bonifacio Shrine di kalayuan sa hacienda ng mga Bonifacio.

Napakatayog at ganda nito, palatandaan na dito nagmula ang isa sa mga bayani ng Pilipinas.

Matapos naming magpunta sa mga magagandang lugar rito, ay nagpasya kaming magpunta sa hacienda. May garden doon kung saan namin pwede ihanda ang surpresa para kay Julia. Ramdam na ramdam ko ang kaba ko pero nangingibabaw sa akin ang excitement. Pagdating namin doon ay todo ayos na sina Catriona, Yuri at Aira. Di nakasama si Angge, dahil ngayon ang alis nila papunta sa Canada. Bibisitahin daw nila ang lolo at lola niya na doon na nakatira.

Habang tumutulong na rin naman sina Aljean kay na Catriona, habang ako ay todo praktis ng mga sasabihin ko. Habang sina Jannine at Steven ay nasa loob at naghahanda ng makakain, tapos ang magulang nila Aera at Lara ay nagpasyang magpahinga muna dahil napakalayo ng biniyahe namin.

Habang si Lara ay nasa loob at mas piniling manood ng mga movies, tapos si Maxwell at Azrael ay lumabas upang bumili ng mga kakailanganin pa sa surpresa. Nasabihan na raw ni Maxwell si Alonika kaya alam na ni Alonika ang mangyayari pagdating nila dito.

At habang sina Ethan at Aera ay tila malalim ang pinag-uusapan sabagay may mga bagay pa silang di napag-usapan nung biyernes. Eto kasing si Ethan dumating lang si Eunice, naguluhan na agad.

Lumapit ako sa mga busy na sina Catriona at naabutan kong patuloy silang nag-aasaran ni Yuri.

"Alam mo dapat di ka na sumama dito, psh! Panay ka kasi lingon sa nakaraan mo na hindi na naman babalik sayo." patutsada ni Catriona kay Yuri kaya napatingin ito sa sakanya.

"Siyempre lilingon-lingon ako kasi parte siya ng nakaraan ko, pero di naman ibig sabihin ng paglingon ko ay gusto kong bumalik. Lumilingon ako kasi masaya ako na nakikitang masaya siya." depensa ni Yuri sakanya, todo panood naman sila Aljean sa kanila na patuloy pa rin sa paggawa ng mga design para maging maganda ang puno na napili naming pwestuhan para sa surpresa. Buti nga napapayag namin ang mga magulang nila Aera eh, nung malaman nila na para kay Julia ay walang pasubaling pumayag sila.

"Pero lumilingon ka pa rin, ibig sabihin nun di ka pa tuluyang nakakawala sa nakaraan mo." patutsada pa ni Catriona at inirapan si Yuri na napatingin nalang kay Catriona na wari mo'y di na alam ang nais ipahiwatig ni Catriona sakanya.

Kaya pinakatitigan niya si Catriona at tsaka nagsalita.

"Matagal na kong nakawala sa nakaraan, dahil masaya ako kung sino ang nasa harap ko ngayon. Sa ngayon ay di ko pa naamin yung totoo kong nararamdaman sa kanya. Pero isa lang alam ko, oras na umamin sakanya, pinapangako sakanya na hinding-hindi na ko lilingon pa sa nakaraan kasi nandiyan na siya upang maging dahilan ng di ko paglingon sa nakaraan." nakatitig na sabi ni Yuri kay Catriona na busy naman sa pagkabit ng mga palawit sa sanga ng puno. Mukhang di nga alam ni Catriona na sakanya nakatingin si Yuri eh, napansin ko naman ang pagpipigil ng tili ni Rica at Charm habang si Aljean ay panay ang irap sa ere, napakabitter talaga nito.

"Oh bakit di ka pa umamin sakanya?" nakatalikod na tanong ni Catriona kay Yuri.

"Eh kasi di pa siya lumilingon eh." nakangiting matamis na sambit ni Yuri, mukhang nagkahulugan na nga ang dalawang kaibigan ni Aera.

Good for them, dahil sa totoo lang bagay sila kahit puro away sila at bangayan lalo na pag nasa klase kami.

Kaya natigilan si Catriona sa pagsasabit ng design at napalingon kay Yuri na nakangiti sakanya.

"A-anong i-ibig mong sabihin?" nauutal at kabadong tanong ni Catriona kay Yuri.

Pero ningitian lang siya ni Yuri

"Oh ayan lumingon na siya, nangangako ako sakanya na di na muli ako lilingon sa nakaraan dahil matagal na kong nakaalis sa nakaraan na sinasabi niya." nakangiting sabi ni Yuri na dahilan para matulala si Catriona at nabitawan pa ang hawak niyang design.

"Catriona." sabay-sabay na sigaw namin sakanya.

At sa di sinasadya ay naout-balance ang upuan na pinapatungan niya kaya agad kaming sumaklolo ni Yuri sakanya. At ng makatayo siya, swertehang di siya nasugatan dahil nasalo namin siya ni Yuri.

Iniwan ko na siyang hawak ni Yuri at habang ako ay tumulong na kina Aljean habang siyempre nakikinig sa dalawa, galing magconfess ni Yuri dinaan sa palingon-lingon.

"Totoo ba yung mga sinabi mo kanina?" tanong ni Catriona kay Yuri, btw nakaupo sila sa damuhan kaya ayan nag-uusap na silang dalawan. Kaya ningitian siya ni Yuri at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Catriona.

"Kailan ba ako nagsinungaling sayo? Wag mo na ko itutulak muli na lumingon sa nakaraan baka mahirapan na naman ako bumalik." sabi ni Yuri kay Catriona kaya napatango-tango nalang si Catriona at mukhang naniniwala na siya sa mga sinasabi ni Yuri. Tumayo si Yuri at pinagpagan ang sarili at tsaka inalalayan si Catriona patayo.

At tsaka sila lumapit samin para tumulong na ulit.

"Galing mo umamin ah, dinaan sa palingon-lingon." pang-aasar ko kay Yuri kaya sinamaan niya ako ng tingin, samantalang si Catriona ay natawa nalang.

"Wala nadaan ako sa palingon-lingon eh." gatong pa ni Catriona. At sumabat na si Yuri kaya ayun nagsimula na naman silang mag-asaran pero di na ganun kalala. Para na silang bata na nag-aagawan ng laruan ganun, dejk lang. Yung asaran nila minimal nalang kasi may alam na nila ang nararamdaman ng isa't-isa kahit na walang deretsang pag-amin. Napalingon naman ako kina Ethan at Aera ano kayang pinag-uusapan nila? Sana magkaayos na tong dalawang to? Para mas lalong maging masaya ang gabi namin mamaya..

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now