Kabanata 27

133 23 0
                                    

Anna Luisa

Magmula kahapon ay di na ko natahimik sa kaiisip sa nais ipahiwatig ng matanda sakin, Martes ngayon at eto ang pangalawang araw ng pag-aasikaso namin ng mga dapat ipasa sa paaralan.

Kasalukuyan akong sinusuklay ang aking buhok habang patuloy na inaalala ang matatalinghaga at mga makahulugang salita mula sa matanda na di ko batid kung sino siya.

Kahapong kaganapan..

"Iha, malapit na. Ikaw ay maghanda na." makahulugang saad niya sakin, dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang takot na idinulot nun.

"Ano pong nais niyong iparating? Alin po ang dapat kong paghandaan?" kabado at di alam ang gagawin na tanong ko sakanya.

"Iha, malapit ng itama ang lahat ng mali. Malapit ng maisulat ang mga di naisulat, at malapit ng mabura ang di dapat nakadikta sa kasaysayan. Ikaw ang magbabago." nakangiting wika niya sakin at hinawakan ang palad ko.

"Ako po? Bakit ako lamang po? Nasaan si Aera? Nasaan siya?" tanong ko sakanya, kaya natigilan siya.

"Paumanhin, ngunit di ko masasagot ang iyong katanugan ma takdang panahon para iyong malaman ang lahat ng kasagutan sa iyong mga tanong. Sa ngayon ay nais ko lamang balaan ka sa mga magaganap at gaganapin palang sa pagtungtong mo ng Poblacion Indang.." nakangiting sambit niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Dahil para mapatitig ako sakanya. "..marami kang malalaman, na tiyak kong iyong ikagugulat. Mag-iingat ka iha! Dahil ikaw ang nakatakdang magtama ng lahat kaya ka naparito sa taon na ito." saad niya pa. Kaya lalo akong natigilan.

Di ko man siya maintindihan ay napatango nalang ako.

At magtatanong pa sana akong muli ng maglaho na siya. At kasabay nun ay ang pagkatok ni Ethan sa pinto..

"Aera, tara na. Kailangan na nating bumalik sa school." sigaw ni Ethan mula sa pinto, kaya inaayos ko ang sarili at tsaka lumabas ng banyo.

Pero kahit nasa paaralan na kami ay di pa rin mawaglit ang mga winika sa akin ng matandang laging nagbabala sa akin.

Katapusan ng kaganapan..

"Ako ang magtatama ng mga nakasulat? Ng alin ng libro at kasaysayan ng angkan ng Bonifacio? Bakit may mali bang naisaad o naisulat?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. "..kasi kung oo, alin doon ang mali na dapat kong itama. Di kaya ang matandang yun ang nagdala sa akin sa taon na ito?" bulong ko pa. Nasa banyo si Alonika kaya di niya alam na kinakausap ko ang aking sarili, dahil marami talaga akong tanong sa aking isip na di ko pwedeng sambitin sa kahit sino na nasa taon na ito. Dahil walang maniniwala sa akin.

Minsan ko ng sinubukan kay Alonika na sabihan ngunit akala niya ay nagbibiro lang ako kaya di siya naniwala, kailangan ko ng taong tutulong sakin at maniniwala sa akin. Pero sino?

Nasa ganun akong sitwasyon ng tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag kaya agad ko itong dinampot na nakapatong sa lamesa na malapit sa pwesto ko.

At ng tingnan ko si Kuya pala.

"Kuya, bakit ka napatawag?" bungad ko sakanya.

"Tumawag sakin sila Mommy, sinabi nila na uuwi ngayong Sembreak si Lara ang anak ni Tita Shaira at Tito Karl." sabi niya mula sa kabilang linya, Lara sino siya?

"Lara? Sino siya Kuya?" takang tanong ko sakanya.

"Si Lara ang pinsan nating sa ibang bansa sa lumaki." sagot niya sa akin.

"Sa bansa ba ito? Kung saan nagpunta si Julia?" tanong ko pa sakanya.

"Hindi, Aera. Sa Australia nanirahan sila Lara kaya ngayon lang natin siya makilala. O sige na pasabi nalang kay Alonika ah, kaso nga lang ay di ako makakasama pag-uwi marami din kasi akong aasikasuhin." sabi ni Kuya sa kabilang linya.

"Sige kuya, ako na magsasabi kay Alonika. Ingat ka po diyan, paalam." sabi ko at tsaka binababa ang tawag. At napatingin muli sa salamin.

Sino si Lara?

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang sumulpot sa tabi ko si Alonika na bihis na, papasok na kasi kami sa klase at nauna akong matapos sa kanya mag-ayos. Mabagal kasi siyang kumilos kahit na sabay kaming nagising at nagsimula ng lagi naming ginagawa.

"Ate, sinong kausap mo?" tanong niya sakin habang may kung anong nilalagay sa mukha niya, sa pagkakatanda ko ang tawag daw sa nilalagay niya sa mukha ay cream.

"Si Kuya, sinabi niya na uuwi raw si Lara kasama sina Tita Shaira at Tito Karl sa sembreak sa Poblacion. At di raw siya makakasama." paliwanag ko kay Alonika.

"Hala, sayang di rin ako makakapunta. Nakalimutan kong sabihin sayo, Ate na tumawag kagabi si Mommy sabi niya ay bibisitahin namin si Julia sa ibang bansa at babalik din naman agad." saad niya sakin. Di rin siya makakasama, bakit ganun? Ang mangyayari nito ay mag-isa akong magtutungo sa Poblacion Indang para isakatuparan ang binabalak ko roon.

"Ganun ba, sige ayos lamang maalam na naman ako pauwi roon." sabi ko sakanya at tinapos na ang mahabang oras na pagsusuklay ko sa aking buhok.

At isinukbit ang bag ko. At nilagay ang cellphone sa loob nito, tiningnan ko rin kung nandito ang wallet, at di naman ako nabigo kasi nandito pa siya, minsan kasi ay di ko alam kung saan ko nailalagay ang mga gamit ni Aera, kaya minsan panay ang bantay ko at tingin upang masigurado na walang nawawala sa mga ito, dahil di ko ito pag-aari. Hiram ko lamang ang buhay na ito kay Aera.

"Sorry talaga Ate ah, ay teka tara na nga pala baka mahuli na tayo sa mga klase natin, diba at may defense kayo ngayon." sabi niya sabay agad na tinapos ang pag-aayos ng sarili, at isinukbit na rin ang bag niya at tsaka kami lumabas ng unit.

Tulad ng dati ay si Alonika pinagmaneho ko dahil mas may kasanayan siya sa pagmamaneho nito, ano bang alam ko sa gantong sasakyan. Mas sanay akong sumakay sa kalesa na di ko na natagpuan sa taon na ito, marahil ay tinanggal at napalitan na ito ng mga kotse at kung ano-ano pang teknolohiya na nagbubuga ng usok.

Pagkarating namin sa paaralan ay dali-dali kaming naghiwalay ni Alonika para magtungo sa mga klase namin. Pero habang nasa klase ay patuloy na bumabagabag sa akin si Lara, na parang bigla akong kinilabutan ng marinig ko ang pangalan niya, sino kaya siya? At anong wangis niya?

A/N:

Goodnight, bukas ulit guys!!

Thank you for your time to read!!

DON'T FORGE TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

- paraiso_neo ❤

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now