Kabanata 3

375 37 0
                                    

Anna Luisa

Pagkatapos ng klase ay di ko na alam kung paano ako babalik sa tahanan na kinamulatan ko kaninang umaga.

Kasalukuyan na kaming palabas ni Catriona ng paaralan kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na ako sakanya.

"Binibining Catriona, maari bang ihatid mo ko sa aking tahanan?" tanong ko sakanya napalingon siya sakin at nagsalubong ang kilay.

"Hala bessy pati condo mo nakalimutan mo, napapaano ka ba?" nagtatakang sabi niya sakin.

"Condo?" takang sabi ko sakanya. Kaya napasapo nalang siya noo niya at napailing.

"Ay teh, iba na tama mo. Oh siya tara na ihahatid na kita para makauwi na rin ako." umiiling na sabi niya at tsaka hinila na ako paalis sa gate ng paaralan.

Sumakay kami sa isang sasakyan na sinakyan rin namin kanina. Dyip raw ito sabi ni Catriona, napakamoderno na pala ng taon na ito. Andami ng mga gusali at mga naglalakihang sasakyan.

Naging matagal ang biyahe dahil daw sa trapiko sabi ni Catriona. Isa daw ito sa problema ng bansa ngayon ang trapiko sa mga lansangan.

Habang sa biyahe, kwinentuhan ako ng kwinentuhan ni Catriona ng lahat ng mayroon sa panahon na ito. Dahil mukha daw akong may amnesia sa katatanong ko sakanya. Tinuruan niya rin ako kung paano sumakay at ano ang sasakyan pag ako lamang mag-isa ang bibiyahe. Di rin nawala ang paningin namin sa daan upang masaulado ko ang daan pabalik at papunta sa paaralan.

At sinabi rin niya sakin na may mga conveniece store sa tapat ng condo na tinutuluyan ko raw at may mga mall naman sa makalagpas sa paaralan namin.

At sa lahat ng sinabi niya may mga ilan akong di naintindihan may ilan di namang nasaulado ko tulad ng pag-uwi ko at pagpunta sa paaralan.

Hanggang sa pumara na kami sa pamilyar na gusali. At tsaka ko naalalang dito kami galing ni Catriona bago pumasok sa paaralan.

Mukhang narito na kami sa aking tuluyan.

Hinatid niya ko hanggang sa pinto ng aking condo at ngumiti sakin.

"Di ko man alam ang nangyayari sayo? Pero bessy handa akong tulungan ka kung may di pamilyar na salita o bagay ay tanungin mo lang ako. Kaibigan mo ako eh." nakangiting sabi niya sakin.

Kaya tumango ako at ngumiti sakanya.

"Salamat Binibining Catriona, salamat sa pagsama sakin." sinserong sabi ko sakanya.

Ngumiti naman siya ng malapad at niyakap ako.

"Sige na bessy, baka di ko kayanin yang kalaliman ng mga salita mo. Tsaka bessy itawag mo sakin, masyadong pormal ang binibini." natatawang sabi niya.

Kakaibang taon talaga to. Ni binibini ay pormal na kung matatawag sa taon na to.

"Patawad, binib--bessy." nakangiting sabi ko sakanya.

"Sige na alis na ako baka hinahanap na ko nila Mommy bukas ulit daanan kita dito." nakangiting sabi niya at tuluyan ng umalis.

Ng di ko na siya matanaw ay pumasok na ko sa condo at sinarado agad ang pinto. Nilapag ko ang bag ko sa sala at tsaka nagtungo sa kusina at tiningnan kung may pagkain.

Napasimangot nalang ako ng tingnan ko ang puting malaking lalagyanan na nakakapaso ang lamig. Ano kaya tawag rito?

Pero di yun ang problema ko. Walang laman ang kasangkapan na ito. Anong  ipanglalaman ko sa kumakalam na sikmura ko?

Ng maalala ko na may sinabi sakin si Catriona na may conveniece store daw sa tapat ng gusali na ito. Kaya pumunta ako sa kwarto at binuksan ang kabinet at may nakita akong jacket raw ang tawag na may pangsaklop sa ulo mo.

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now