Kabanata 44

110 23 0
                                    

Ang Katotohanan

Anna Luisa

Di natapos ang araw na to na di ko nababasa ang libro ng kasaysayan. Tulog na si Lara kaya ako nalang naiwan sa sala, gabi na rin kasi kaya naiintindihan ko siya.

Patuloy ako sa pagbabasa ng napakakapal na libro ng kasaysayan dahil di ko matagpo-tagpuan ang sinulat ng paslit na ako sa libro na ito. Nagulat ako ng kumidlat ng napakalakas, dahilan para makaramdaman ako ng takot.

Ang higpit naman ng hawak ko sa lumang orasan na nakuha ko sa isang baul sa taas, dahil malakas ang kutob na ito ang magiging susi para makabalik ako sa taong 1897.

Habang lumalalim ang gabi, ay lalo ako nakakaramdam ng takot at kaba.

Nakailang pahina ng biglang isang pahina ang pumukaw ng atensyon ko. Kaya agad ko itong binasa.

"Kasaysayan ng isang Anna Luisa Bonifacio, ang panibagong Anna Luisa ay tatawaging "Aera" na nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang "panahon" ang isisilang na sanggol ang magsasaayos ng kamalian ng nakaraan sa kasalukuyan."

Unang basa ko sa unang talata, ibig sabihin nito ako ang nagtakda sa pangalang Aera para sa kasalukuyan, ano ba kasing kamalian ng nakaraan sa kasalukuyan? Kaya nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Ang pangalang Aera ay nanga- ngahulugang "walang hanggang regalo" kaya lubos na tagumpay ang mararanasan ng panibagong ako. Nais kong parehas kami ng tadhana, sa kung ano mang tatahakin ko sa aking paglaki ay nais kong ganun rin ang kanyang tahakin. Ngunit kumpara sa akin ay swerte siya sa pamilya, sa minamahal at mga kaibigan."

Kaya pala parehas kami na iniwan ng lalaking mahal namin, at yung kay Aera ay naiwan siya ni Yuri at ako naman ni Juancho.

Magkaibang taon pero iisang tadhana. Anong nasa isip ko at ito ang isinulat ko?

"Dahil alam kong malaking pagkakamali ang pagsilang ko sa panahon na ito, kaya nais kong ang isisilang sa taong 2020 ay lubos na swerte at pagpapala ang kanyang matamo. Ako si Anna Luisa na sa pagdating ng panahon ay muling mabubuhay sa pagsilang ng bagong sanggol sa kasalukuyan."

Nagulat ako sa huling talata na nabasa ko, nabuhay ang kwento ko ng ipanganak si Aera. Pero bakit? Kailangan samin maganap ito, di ko pa rin maintindihan wala pa rin akong maintindihan.

Ako ang nagtakda ng kapalaran ni Aera, ako ang nagtakda ng pag-ibig at tadhana niya. Bakit ko naman nagawa iyon?

Tumayo ako at nilapag muna ang libro ng kasaysayan at tsaka ko tumayo at saktong pagtayo ko ay bumayo ang malakas na hangin sa buong sala ng mansyon at napansin ko ang pagliliwanag ng lumang orasan. Kaya nagulantang ako at napapikit nalang, at ng imulat ko ang mata ko ay nasa panahon na ako kung saan nasa mansyon kami ng buong angkan kami.

Nilingon ko ang paligid at nakita ko ang sarili ko na tahimik sa isang sulok at malayo ang tanaw. Mayo 10, eto ang mismong araw ng kaarawan ko at araw na nagtungo kami sa Hacienda Bonifacio. Walang katao-tao sa labas ng mansyon tanging ako lang ang nasa labas, at tahimik na nakaupo sa isang sulok.

Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko.

"Oras na para malaman mo ang buong katotohanan.." biglang sulpot ng isang matandang babae, teka siya yung laging sumusulpot noon.  "..hawakan mo lang ng mahigpit ang lumang orasan, dahil iyan ang susi sa katotohanang hinahanap mo." dagdag niya pa.

"Diba ikaw yung matandang laging nagpapakita sa akin? Nasaan si Aera? Nasaan siya?" sunod-sunod na tanong ko sakanya.

"Tulad ng lagi kong sinasagot sayo, ay ikaw lang ang makakaalam ng mga kasagutan sa sarili mong katanungan." makahulugang sambit niya at tsaka tinutok ang hintuturo niya sa noo ko kaya napapikit ako. At sa pagmulat ko ng mata ko.

AERA (The Girl In The Past)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon