Kabanata 48

140 22 0
                                    

Anna Luisa

Ng makabalik kami mula sa paglilibot sa mga pasyalan dito sa Poblacion Indang ay nagpasya kaming humiwalay ni Ethan sa mga kasama namin at pag-usapan ang dapat naming pag-usapan.

"Aera, gusto ko magsorry dahil hinayaan kitang umalis ng di man lang tayo nakakapag-usap." panimula at basag niya sa katahimikan.

"Nabasa mo ba yung liham?" tanong ko sakanya. Kaya tumango siya, senyales na nabasa niya nga.

"Kaya nga nandito ako sumama sa Kuya mo, para lang sundan ka at magsorry sayo ng paulit-ulit." sinserong saad niya. Kaya malungkot akong napatingin sakanya..

Ako dapat ang humingi ng tawad sayo, dahil anumang oras ngayon ay bigla akong maglalaho para harapin ang tadhana ko sa nakaraan.

"Di mo kailangang huningi ng tawad sa akin, dahil wala kang kasalanan. Naiintindihan ko na ganun ang iyong inaakto dahil, dati mong kasintahan ang nakita mo. Kaya naiintindihan kita." nakangiting saad ko sakanya.

"Pero hindi kita dapat binalewala, Aera. Alam kong di mo pa ko sinasagot, pero gusto kong malaman mo na hanggang kamatayan ay sayo na ako. At mahal na mahal kita, Aera." maluha-luhang saad niya, kaya ningitian ko siya mapait at hinawakan ang kamay niya.

"Alam kong di mo ko maiintindihan sa ngayon, pero gusto kong ipabatid sayo na masaya ako na nagpunta ka rito at sinundan ako para makasama ako. Masaya ako nandito ka at makakasama kita, at sana ay wag kang magalit sa mga magaganap sa mga susunod na oras." malungkot na saad ko sakanya, dahilan para kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Di kita maintindihan, bakit naman ako magagalit sayo. Eh mahal kita, Aera!" naguguluhang sambit niya sa akin, kaya dagliang ko siyang niyakap ng mahigpit at doon na nagbagsakan mga luha ko.

"Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw ang pipiliin ko Ethan. Mahal na Mahal din kita!" bulong ko sakanya.

Pero di na natin maaaring baguhin ang tadhana ko, di natin maaaring baguhin ang mga kaganapan dahil lahat ng ito ay nakasulat. Ito na ang kaganapan kung saan ako mismo ang nagsulat noong paslit pa lamang ako, sulat na nagpapagulo ngayon sa kasalukuyan.

Nagulat siya sa huli kong sinambit at dali-daling kumalas sa yakap ko at nagugulat na napatingin sa akin.

"Mahal mo din ako, akala ko magspanish ka na naman eh. Masaya ako na mahal mo din ako, Aera sobrang saya na narinig ko sayo ng buo ang katagang matagal ko ng gustong marinig sayo." maluha-luhang sambit niya sakin, kaya hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinunasan mga luha niya dahilan para matigilan siya.

"Dahil eto na ang tamang oras para marinig mo ang mga salitang iyon. Lagi mong tatandaan na kahit saan man ako mapunta o magtungo, lagi kong pakakatandaan na may ikaw na sobra akong minahal ng walang labis at walang kulang.." saglit akong tumigil dahil nararamdaman kong magbabagsakan na ang mga luha ko. "..salamat sa muling pagpapasaya ng aking puso na ni sa panaginip ay di ko akalaing mararanasan kong muli. Ethan, sana kahit anumang maganap o makita mo mamaya ay mapatawad mo ako, at sana ay mangingibabaw sayo ang pagmamahal ko na kahit kailana ay di mabubura sa puso at isip ko." makahulugang sambit ko dahilan para lalo siyang maguluhan at mapatingin nalang sa akin.

"Di kita maintindihan, Aera. Bakit ba ganyan ang mga sinasabi mo?" takang-taka na tanong niya sa akin. Kaya mapait na ngiti ang ibinigay ko sakanya at muling nagsalita.

"Balang araw ay maiintindihan mo rin ako, Ethan." makahulugang saad ko sakanya, magsasalita pa sana siya ng biglang sumulpot sina Kuya Azrael at Maxwell.

"Ang hilig niyo magsolo, tara na tulungan na natin si Rafael. Parating na sina Julia at Alonika, kaya kailangan matapos na yun." sabi ni Kuya Azrael. Kaya napatingin kami ni Ethan sakanya, bumaling sa akin si Ethan na tila marami pa ang tanong na gustong itanong sa akin.

"Tara na, Ethan!" yaya ko sakanya, naguguluhan man ay sumama na siya. Pagdating namin sa pinaggagawaan nila Rafael ay agad kaming tumulong ni Ethan at ng matapos ang pag-aayos ay nagpaalam muna ako saglit na papasok lang sa loob, pagpasok ko ay naabutan ko si Lara na nanonood na naman ng movies. Maghapon talaga siyang nilibang ang sarili sa panonood.

Mukhang apektado pa din siya napag-usapan namin kahapon. At hindi ko siya masisi, sinenyasan ko siya na sumunod sa kusina kaya agad naman siyang sumunod. Agad akong umiyak ng nasa kusina na kami.

"Lara, hirap na hirap na ko. Di ko siya kayang iwan, di ko kaya." umiiyak na saad ko kay Lara.

"Pero tulad ng sinabi mo, eto yung tadhana napadpad kalang dito para sa isang misyon. At ngayong gabi ay magaganap ang malaking pagbabago at pagtatama sa pagkakamali ng nakaraan sa kasalukuyan.." saglit siyang tumigil para punasan ang luha niya at tsaka muling nagpatuloy. "..kahit ako di matanggap na anumang oras ay susunduin ka na niya. Ang hirap tanggapin, Ate Anna Luisa. Kaya nga eto ako at sinasanay ko ang sarili ko na wala ang presensya mo." sambit niya na naging dahilan para tuluyan siyang umiyak.

Di na ako nakapagsalita pa, dahil mas nangingibabaw ang luha ko. Dahil sa katotohanang nahihirapan akong iwan sila, di ko kayang iwan sila. Di ko matanggap na ito na ang huling araw na makakasama ko sila.

Matapos nun ay nagpasya na akong lumabas ng mansyon at magpunta sa likod ng hacienda kung saan magaganap ang surpresa para kay Julia. Naabutan ko dun ang kabadong-kabado na si Rafael kaya nilapitan ko siya, habang iba ay busy sa pag-aayos ng lamesa.

"Rafael." tawag ko sakanya, kaya napalingon siya sakin.

"Bakit, Aera?" takang tanong niya sa akin, umupo ako sa tabi niya kaya napasunod siya ng tingin sa pag-upo ko sa tabi niya.

"Gusto ko lang sabihin sayo, na sana ay bantayan at alagaan mo si Julia. Wag na wag mo siyang sasaktan muli, gawin mo ang lahat maging masaya lang siya. Masaya ako na ginagawa mo lahat ng to para sakanya at di mo siya sinukuan. Basta ipangako mo sakin na aalagaan mo ang pinsan ko." bilin ko sakanya kaya nagtataka man ay ngumiti sa akin.

"Siyempre naman, aalagaan ko ng sobra si Julia at di ko na hahayaang muli siyang mawala sakin. Okay lang sakin na sa ibang bansa siya mag-aaral basta mapatawad niya lang ako sa pagkukulang ko sakanya." nakangiting sagot niya sakin, kaya napangiti ako dahil sa sinabi niya. Maya-maya pa ay lumapit samin si Kuya Azrael.

"Nandiyan na raw sila sa arko ng Poblacion, kaya tara na Aera sasalubungin natin sila.." sabi ni Kuya, kaya tumango ako. At tsaka siya bumaling sa mga kasama namin na saktong katatapos lang mag-ayos ng lamesa. "..at kayo dito muna kayo! Hintayin niyo kami." bilin ni Kuya sa kanila at tsaka kami dali-daling umalis ni Kuya para salubungin sila Alonika at Julia.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now