Kabanata 36

116 21 0
                                    

Azrael

Dahil Friday ngayon, naisipan kong magpunta sa PUP Sta. Mesa para bisitahin at tingnan si Aera at siyempre para makita si Aira.

Mahirap iexplain pero mayroon akong nararamdaman para kay Aira nung una ay di ko matanggap na magkakagusto ako sa isang babae na mas bata pa sakin, kasi una palang talaga ayoko na sa mga bata pa. Dahil sasakit lang ulo ko sakanila, pero eto ako after ng debut ni Aira. Nagpasya akong manligaw sakanya. Akala ko nga nung una tatanggi siya pero pumayag din naman at tuwang-tuwa siya na manliligaw na ko sakanya.

Nasa isang flower shop ako ngayon at bumibili ng bulaklak para kay Aira. At mamaya ay bibili akong milktea para sa kapatid ko, mamayang lunch pa naman ako pupunta dahil may dadaanan pa ko bago ako pumunta sa school nila. After kong bumili ng flower ay agad na kong nagmaneho papunta sa office ko para icheck muna kung may di pa ba ako natatapos, dahil bukas ay maraming dadating na papers sakin kaya nga di ako makakasama kay Aera sa pag-uwi sa poblacion. Balak ko ay humabol nalang sa Lunes, alam ko namang magtatagal sila Lara doon.

After kong mag-ayos ng mga gamit ko ay nagpasya na kong pumunta sa campus nila Aera, btw kanina bago ako pumuntang flower shop ay galing ako sa Condo ko, pagdating ko sa campus ay agad kong pinark ang kotse ko at talaga namang agaw-pansin ang bitbit kong bulaklak at milktea ng pumasok ako sa campus..

"Alam na kaya niya na nakabalik na si ano?" bulungan ng ilan sa mga nasa daan habang nakatingin sakin

Sinong nakabalik?

"Mukhang di niya pa alam, base na rin sa galaw niya." bulong naman ng isa na rinig ko naman.

Di ko sila pinansin at nagdere-deretso ako sa classroom ni Aira. Kaya nagtilian ang mga kaklase niya.

Itong mga 2nd year college na to, mga makatili wagas! Oo 2nd year college lang si Aira habang si Angge na bestfriend niya ay ka-year level lang nila Aera at kaklase siya ni Jannine.

"Aira ang manliligaw, ayan na!" kinikilig na sabi ng isa sa mga kaklase niya. Kaya nahihiyang tumayo si Aira at lumabas ng classroom niya.

"Buti naman naisipan mo kong puntahan, at talagang alam mo ang oras ng lunch ah." natatawang sabi niya sakin. Kaya natawa na rin ako.

At tsaka ko inabot ang bulaklak at milktea na dala ko para sakanya.

"Hala, salamat nag-abala ka pa." nahihiyang sabi niya habang inaabot ang bulaklak at milktea.

"Ano ka ba? Aira minsan lang tayo magkita kaya lulubusin ko na." natatawang sabi ko sakanya.

Kaya napangiti siya, hanggang sa..

"Hay naku! Tanghaling tapat nagliligawan. Mga nagsikain na ba kayo?" biglang sulpot ni Angge kaya natawa kami ni Aira sakanya. Bale kasama niya si Jannine. Mukhang maglulunch na sila at susunduin si Aira, kaya nandito tong mga to.

"Psh! If I know, naiinggit kalang! Kasi walang nanliligaw sayo." patutsada ni Jannine kay Angge kaya sinamaan siya ng tingin ni Angge.

"Atleast walang sakit ng ulo diba?" nakangising saad naman ni Jannine. Mukhang ayan na naman sila sa parinigan nila. Kaya bago pa lumalala ay nagsalita na ako.

"Mas mabuti pang tara na, baka nasa tree house na sila." yaya ko sakanila. Alam ko namang every friday ay doon sila naglulunch tulad ng nakasanayan namin nila Ethan nung 4th year college ako at sila ay 3rd year college. Bale nauna lang talaga ako grumaduate sakanila.

Kaya after nun ay nagpuntahan na kami sa tree house at tama hinala namin na nandun sila, pero parang may iba. Nakita ko sa isang sulok si Aera na tulala at tila malalim ang iniisip habang si Ethan ay nakahiga sa kama at tila wala rin sa sarili.

"Oh, anong nangyari diyan sa dalawa?" tanong ko kina Catriona, Yuri at Steven na naabutan namin na kasama ng dalawa.

"Ako wala akong alam, basta ang alam ko lang ay di na nila kinakausap ang isa't-isa mula kaninang umaga pagpasok nila." depensa ni Steven samin. Halata nga na wala siyang alam, kasi kung meron malamang sa malamang nagkwekwento na yan samin.

"Hmm..ako naman, wala din akong alam. Nagulat na nga lang ako na panay ang iwas nila sa isa't-isa." kwento naman ni Catriona habang nakatingin kay Aera at Ethan.

"Tulad nina Steven at Catriona ay wala din akong alam." kibit balikat na sabi naman ni Yuri samin, kaya nagkatinginan nalang kami nila Angge, Aira at Jannine.

Kaya lumapit ako kay Aera, dala ang milktea na binili ko para sakanya.

"Aera?" tawag ko sakanya, kaya gulat siyang napatingin sakin.

"Kuya Azrael? Ano't naparito ka?" ngiting pilit na tanong niya sakin. Mukhang may problema nga sila ni Ethan? Kaya umupo ako sa tabi niya, habang sina Catriona, Yuri at Steven ay panay ang tanong kay Aira ng kung ano-ano at panay na rin ang kwentuhan nila. At siyempre panay ang asaran nina Jannine at Steven, psh itong magjowa na to talaga naman oh.

"May problema ba?" tanong ko sakanya kaya malungkot mata na napatingin siya sakin. At tsaka ko naisipang iabot sakanya ang milktea na agad naman niyang inabot at ininom.

"Kuya, ganun ba talaga pag nagmamahal na pag nakita mo ang nakaraan niya ay masasaktan ka talaga? Lalo na't alam mo na siya ang nauna." malungkot na tanong niya sakin.

Kaya napakunot ako ng noo? Anong ibig niyang sabihin. Napakalalim naman nun, first time ko siyang makita sa gantong sitwasyon.

"Oo naman masasaktan ka naman, pero kung alam mo sa sarili mo na kaya mo siyang higitan dahil ikaw ang kasalukuyan niya. Wala kang dapat ikatakot, oo nandoon na tayo sa nauna siya pero magkakaroon ba ng pangalawa kung naging okay ang nauna?" sandali akong tumigil ng mapansin kong napatingin siya sakin na akala mo ay di naintindihan ang sinabi ko. "..isipin mo Aera, kung naging maayos ba sila ng nauna? Magkakaroon ba ng chance na magkakilala kayo. Aera, sa bawat relasyon walang nauna o walang pumapangalawa dahil wala naman kayo sa isang race para.." sabi ko pa at muling nagpatuloy sa pagsasalita "..magpaunahan, dahil alam mo kung ano ang mahalaga ngayon?" dagdag ko pa at tanong ko sakanya kaya napaisip siya at napatingin sakin.

"Anong mahalaga ngayon?" takang tanong niya sakin.

"Ang mahalaga ngayon ay ikaw, dahil ikaw ang nasa kasalukuyan. Ang nakaraan ay nakaraan na at tapos na iyon, Aera kaya ipaglaban mo lang hangga't di siya bumibitaw at bumabalik sa nakaraan." nakangiting paliwanag ko sakanya.

Dahilan para maliwanagan siya at mapangiti sakin at tsaka ako niyakap ng mahigpit, yakap na para bang eto na ang huling beses na mayayakap niya ako. Di ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko, pero di ko maiwasang makaramdam ng takot.

"Salamat, Kuya." she whispered, kaya napangiti ako. Eto ang unang beses na narinig ko sakanya ng malambing na tinig ang pagpapasalamat niya.

Hanggang sa..

"Guys, nandito na ang McDo na inoorder namin ni Maxwell." biglang sulpot ni Alonika, na agad natahimik ng makita sina Aera at Ethan na parang mga walang sa sarili, pero di nalang siya nagtanong pa. Dahil niyaya na siya ni Maxwell kumain, ganun rin ang iba ay nagsikain na!

Tumayo ako at niyaya si Aera na kumain pero umayaw siya. Kaya wala akong nagawa, kaya sinabi ko nalang kay na Yuri na itago ang pagkain ni Aera at ibigay sakanya pag nakaramdam ng gutom. Napatingin naman ako kay Ethan na tulog na pala sa kama.

Ano bang problema ninyong dalawa? At sinong nakaraan ang tinutukoy ni Aera? Shet! Sana mali ako ng iniisip.

Sana!

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now