Kabanata 28

124 24 0
                                    

Anna Luisa

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan at inaayos ng mabuti ang mga kailangang ipasa ngayong araw, at panay rin ang pagsasaulado ko ng mga sasabihin ko mamaya sa defense. Kagrupo ko sina Yuri at Catriona dito kaya di ako masyadong nahirapan na makipagsabayan sa kanila. Kahit na di ko batid ang ibig sabihin ng defense.

"Aera, saulado na ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ni Yuri sakin na panay rin ayos ng mga papel niya.

Kaya napalingon ako sakanya.

"Mabilis ko namang nasasaulado ngunit may mga salita akong di maintindihan." sagot ko sakanya.

"Okay lang yan, tulungan ka nalang namin mamaya." sabi ni Catriona sakin at maya-maya pa ay nagpatuloy na kami sa mga ginagawa namin.

Maya-maya pa ay nagdesisyon kaming lumabas ng classroom para kumain ng tanghalian. Dahil baka raw magutom kami mamaya sa defense namin.

Wala sina Ethan, Maxwell at Steven dahil sila ang magkakagrupo sa defense sa tree house raw sila nagsasaulado at inaaral yung kanilang mga sasabihin mamaya.

Kaya ang kasama ko lang ay si Catriona at Yuri, wala din si Alonika dahil marami din siyang ginagawa.

"Kinakabahan ako para mamaya." pagpapakatotoo ko sakanila habang kumakain kami. Kaya napatingin sila sakin.

"Wag kang kabahan, nandito kami ni Yuri gagabayan ka namin. Kaya kumalma ka bessy." pagpapagaan ni Catriona ng loob ko kaya napatango nalang ako.

Matapos kumain ay agad kaming bumalik sa klase para mag-aral muli ng mga sasabihin namin mamaya, ganito pala kakumplikado ang pag-aaral sa gantong taon. Di madali lahat ng pinapagawa nila, buti na lamang at kaya kong magsaulo minsan itong naituro ng mga pinsan kong nakakapag-aral noon.

Makalipas lang ang ilang oras ay sumalang na kami, iba ang kaba at kabog ng dibdib ko. Dahil sa mga tinatawag nila panel na gigisa raw samin, at di kami titigilan hanggang sa di nila makuha yung gusto nilang marinig samin.

At ng magsimula ay maayos naman naming nasimulan at naipaliwanag sa mga panel ang nilalaman ng topic namin, di rin naman kami nahirapan dahil sinasalo namin ang bawat isa sa mga tanong na binabato samin.

At katagalan ay naapproved nila ang topic namin, kaya masaya kami na naging maayos ang defense namin.

After nun ay sumunod na sina Ethan, Maxwell at Steven, paglabas nga namin kanina ay sila nakita namin. At doon lang namin nalaman na sunod na pala sila samin.

"Oy guys, tara sa lomihan. Sagot ko to!" nakangiting sabi ni Ethan samin. Nasa labas pa kasi sila, iniintay nila ang pagtawag sa kanila na pumasok na sa loob.

"Ay, bakit anong meron?" nakangisi na may halong panunuksong tanong ni Catriona kay Ethan.

"Masama ba manlibre, celebration lang dahil tapos na defense natin sa isa sa mga mahihirap na subject natin." sagot ni Ethan sakanya.

"Kung ano-ano kasi iniisip, naku." pagpaparinig ni Yuri kay Catriona kaya inis siyang binalingan ni Catriona at hinampas.

Napansin ko naman si Maxwell na parang may hinahanap.

"Ah, Aera nasaan si Alonika?" biglang tanong niya sakin, mahina lang ang pagkakasabi niya kaya di narinig ng iba.

"Hmm..nasa klase niya pa napakarami rin kasi niyang inaasikaso.." sagot ko kay Maxwell. "..lalo na't paalis siya sa Sabado." dagdag ko pa kaya natigilan si Maxwell, hmmm mukhang kay Alonika talaga to may gusto? Pero bakit ako nililigawan nito?

"A-aalis siya?" nauutal na sambit niya sakin.

"Oo, bakasyon lang naman wag kang mag-aalala.." nakangiting sabi ko at tinapik siya sa balikat at tsaka nagsalita ulit. "..mas mabuti pang sakanya nalang manligaw, wag mo ng lituhin ang sarili mo Maxwell. Halatang-halata na si Alonika talaga gusto mo." nakangising sabi ko sakanya kaya natigilan siya.

Umalis naman ako sa harap niya at pumunta na kay Catriona na nakikipag-away pa rin kay Yuri. Samantalang busy naman sa pag-aaral sila Ethan at Steven, nakita ko naman ang paglapit ni Maxwell na mukhang iniisip pa rin mga sinabi ko.

Ayaw nalang kasi magpakatotoo.

Hanggang sa..

"Mister Ethan, Mister Maxwell and Mister Steven go inside now." sigaw ng prof mula sa loob kaya agad silang kumilos at pumasok sa loob.

Matagal bago sila natapos hanggang sa dumating na sina Alonika at Jannine na halos sabay lang dumating.

"Nasaan sila Steven?" bungad na tanong ni Jannine samin.

"Nasa loob pa, nagdedefense." sagot ni Catriona sakanya. Kaya napatango nalang si Jannine.

"Ate Aera, kamusta defense niyo?" pangangamusta ni Alonika sakin.

"Ayos naman. Di kami nagisa ng matindi dahil nababasag namin agad mga tanong nila." sagot ko sakanya.

"Teka nga pala Ate, bat di pa pala tayo umuuwi?" tanong niya sakin.

"Nagyaya sila Ethan na kumain ulit sa lomihan diyan sa tapat." sagot ko sakanya.

"Naku, parang inaraw-araw naman. Sino naman manlilibre ngayon?" sabi niya at tanong niya sakin.

"Si Ethan, di ko talaga maintindihan yung isang yun bigla-biglang nanlilibre." umiiling na sagot ko sakanya, kaya bigla akong sinundot ni Alonika sa tagaliran ko.

"Naku, di ba ay nanliligaw sayo yun. Tamang harana sayo nung Sabado." pang-aasar niya sakin.

Tama sinabi ni Alonika, hinarana ako ni Ethan nung Sabado. Nagulat nga ako eh, at alam mo kung sino mga dinamay niya sina Catriona at Yuri lang naman.

"Tapos si Maxwell naman, binigyan ka ng kwintas. Teka nasaan pala yung kwintas?" pang-aasar niya pa sakin at tsaka hinanap ang kwintas sa leeg ko.

"Di para sakin yun Alonika. Ibibigay ko sa karapat-dapat makatanggap nun." makahulugang saad ko sakanya, kaya napakunot siya ng noo sa sinabi ko.

"Ibig mong sabihin may ibang gusto si Maxwell?" tanong niya sakin.

"Oo meron, maganda siya." nakanginting sabi ko sakanya.

"Hala, sino? Ang daya nun ah. Di nagsasabi sakin, ang buong akala ko kasi ay ikaw talaga gusto niya. Diba nga ay nanliligaw siya sayo?" salubong na kilay na saad niya.

"Malalaman mo sa tamang panahon at pagkakataon." makahulugang sabi ko pa sakanya.

Magtatanong pa sana siya ng lumabas na ang tatlong lalaki at agad ng nagkakayaya sa lomihan. Di na ko nagbanyo dahil baka magpakita na naman yung matanda, nadala ako.

Masaya kaming kumain at nagkwentuhan kahit na may kulang ay nagawa pa rin namin maging masaya. Sana sa oras na aalis na ko at lilisan sa taon na to ay nagkaayos na sina Julia at Rafael.

Ayokong umalis dito na di man lang kami nakumpleto.

"Perdóname porque tengo que volver a mi año."  malungkot na nakatitig na bulong ko sa aking isip.

A/N:

Translate niyo na agad para magets niyo HAHAHA thank you for waiting guys!! Iloveyou all.

Happy 700 Followers and 500+ reads ng Aera ❤

Thank you for your time to read!!

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

- paraiso_neo❤




AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now