Kabanata 2

474 42 12
                                    

Anna Luisa

"Oy Aera, ayos kalang ba? Kanina ka pa tulala diyan?" sulpot ni Catriona sa harap ko. Kaya nagulat ako napatakip ng bibig ko."Hala siya, ano bang natira mo bes at nagkakaganyan ka?" natatawang sabi niya pa sakin.

Di ko siya maintindihan. Ano ba ang mga sinasambit niya? Ganto ba talaga sa panahong to. Wala talaga ko maintindihan.

"Binibini, di ko alam ang iyong mga tinuran." seryosong sabi ko sakanya.

Kaya natulala siya at tinaasan ako ng kilay.

"Grabe ka mantrip bes pinanindigan mo talaga eh no." umiiling na sabi niya.

"Ngunit di ko talaga maintindihan ang iyong mga tinuran, binibining Catriona." nakangiting sabi ko sakanya kaya lalo siyang nagtaka at kumunot ang noo sa harap ko.

Nandito na nga pala ako sa PUP na ang buong pangalan raw ay Polytechnic University of The Philippines, isa raw itong pretihisyong paaralan na maraming sangay sa ibang lugar.

Nasa loob kami ng isang malawak na kwarto kung saan naglilinyahan ang mga upuan at may malaking lamesa sa unahan, classroom ito kung tawagin ng mga mag-aaral rito.

Naalala ko ang paaralan na ito minsan itong naisalaysay ni Margareth sakin noon. Itinayo raw ito sa Sta. Mesa, Manila noong 1804. Dito kasi nag-aaral si Margareth. At ako naman ay sa aming tahanan lamang at may darating na guro sa aming tahanan para ako'y pangaralan.

Di ako makapaniwalang napakaganda ng paaralan na ito napakalawak ng damuhan roon sa ibaba nitong establiyamento.

"Bessy, sure ka bang okay kalang. Ang weird mo ngayong araw ah." kunot noo na sabi niya sakin. Di ko siya sinagot kaya umupo nalang siya tabi ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at malalim na nag-isip.

Di pa rin kasi ako makapaniwalang narito ako sa taon na ito.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ang unang guro na sinasabi ni Binibining Catriona sakin kanina. Tumahimik na lahat ng mag-aaral at tumingin sa guro na nasa unahan.

"Magandang araw sa inyong lahat, ang ating pag-aaralan ay ang kasaysayan ng unang pangulo na si Andres Bonifacio." panimula niya. Natahimik ako at muling sinariwa ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay at mapunta rito sa taon na ito.

Si Tiyo Andres wala na siya.

Nanatiling tahimik ang lahat ng mag-aaral. Habang ako ay iniintay ang sasabihin ng aming guro.

"Alam kong naituro na sa inyo ito ng kayo ay nasa sekondarya baitang kaya masasagot niyo ang aking mga itatanong." sabi ng aming guro samin. Napaiwas ng tingin ang iilan at ang iba'y nagkunwaring may alam. Nakikita ko kasi sa kanilang mukha na wala silang alam.

Mga di ba sila nakikinig nung sila ay nasa sekondarya. Mapalad nga sila at nandirito sila sa pretihisyong paaralan na ito. Samantalang ako ay sa aming tahanan lamang nag-aaral.

"Kailan pinanganak at namatay si Andres Bonifacio?" tanong niya saming lahat. Nanatiling walang kibo ang mga mag-aaral, nagmistulang walang mag-aaral dahil wala sa kanilang sumubok na magsalita man lang.

Kaya nagtaas ako ng kamay at agad napangiti sakin ang guro.

Gulat namang napatingin sakin ang ilan sa mga mag-aaral.

"Totoo ba to? Sasagot si Aera ngayon sa History eh diba lagi lang siyang tulog sa klase noon."

"Hala nanaginip ba tayo?"

"Si Aera ba yan?"

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan ng mga mag-aaral rito. Ngunit di ko ito pinansin, tumayo ako at ngumiti sa guro.

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now