Kabanata 46

119 22 0
                                    

Anna Luisa

Lumipas ang Lunes at medyo bumubuti na ang panahon, senyales na pwede ng bumiyahe sila Kuya Azrael bukas.

Kaya eto kami ni Lara at nasa labas ng mansyon upang libutin ang halamanan dito sa Hacienda. Hanggang sa nagpasya kaming umupo sa damuhan rito at tsaka nagkwentuhan.

"Lara, nais ko lamang malaman mo na masaya ako nakilala kita. At gusto kong ikaw ang magsabi sakanila ng totoong kwento ni Anna Luisa.." nakangiting sabi ko sakanya dahilan para mapalingon siya sa akin na puno ng pagtataka.

"A-anong ibig sabihin mo, Ate Anna Luisa?" takang tanong niya sa akin.

"Ikwekwento ko sayo ang katotohanang natuklasan ko sa pamamagitan ng lumang orasan na ito, gusto kong malaman mo at ikwento sa iba na si Anna Luisa ay di nagpakamatay at di natagpuan ang bangkay niya sa Ilog paraiso, tulad ng maling bersyon ng kwento ng ukol sa aking kamatayan.." panimula kong kwento dahilan para matigilan siya at mapatitig sa akin. Kaya muli akong nagpatuloy. "..di ako namatay, bagkus ay nabuhay ako ng matagal pero di alam ng aking pamilya. Nakapangasawa ako na ang pangalan ay Charles, ang lalaking muling bumuo sa durog na si Anna Luisa. Nasabi lang nila na patay na ako dahil naglaho nga ako na parang bula." kwento ko pa sakanya, kaya natulala siya at namangha.

"Sa tingin ko iyan nga ang totoong kwento, dahil sayo na mismo nanggaling. Hayaan mo, gagawa ako ng panibagong akda ukol sa tunay na naganap sa iyong buhay.." nakangiting saad niya sa akin kaya ningitian ko din siya. "..ang ibig sabihin ba nito ay namamaalam ka na ate?" medyo malungkot na tanong niya sa akin.

"May matandang susundo sa akin para tuparin na maisaayos ang kamalian ng nakaraan sa kasalukuyan at pagnagtagumpay ako tiyak kong makakabalik na ko sa taon ko." nakangiting mapait na sabi ko sakanya.

"Ibig sabihin anumang oras o araw ay susunduin ka na niya?" malungkot na tanong niya sa akin.

"Siyang tunay, Lara kaya sayo ko ikwento ang totoong kwento at pangyayari sa buhay ko. Lara kahit anumang mangyari wala kang pagsasabihan kung anong nangyari at bigla akong nawala, magpanggap kang walang alam. Dahil sa oras na makabalik na si Aera ay siya na ang dapat niyong pagtuunan ng pansin, kailangan mong makalimutan na nakilala mo ang isang tulad ko, pero wag mong kakalimutan ang mga bilin ko." nakangiting saad ko sakanya, nagulat ako ng yakapin niya ako at doon ay humagulhol siya.

"Salamat at nakilala kita sa maikling panahon, Ate Anna Luisa. Magiging isa ka nalang nakalipas na henerasyon ng ating angkan." garalgal na bulong niya sa akin.

"Masaya ako na may tulad mo na tumulong sa akin para mahanap ang mga hinahanap ko, salamat!" bulong ko sakanya.

Matapos ng pag-uusap na yun, ay talagang sinulit namin ang bawat oras na magkasama kami ni Lara at kung ano-anong pinaggagawa namin para malibang at sumaya kami.

Kinagabihan ay kaming dalawa ang nagluto ng pagkain kami, may binili palang mga pagkain si Lara bago nagpunta dito. Ako kasi ay tanginh damit lang bitbit ko at nakalimutan kong wala nga palang pagkain dito sa mansyon, dahil di naman ito tinitirhan.

Matapos namin magluto ay niyaya ako ni Lara na magmovie marathon daw kami kaya pumayag ako. At inaliw namin ang mga sarili pagtawa, pag-iyak sa iba't-ibang eksena ng pinapanood namin.

Matapos nun ay nagyaya na si Lara matulog, dahil mukhang bukas na raw dating ng magulang niya at nila Kuya. Tulad niya ay nasasabik na rin ako makita sila Kuya sa huling pagkakataon nga lang, dahil sila ang tinuring kong pamilya sa panahong ito, at hinding-hindi ko sila makakalimutan.

Makalimutan man ng isip ko, pero ang puso ko batid kong di makakalimot kahit kailan.

Ang sabi ni Lara ay bumibiyahe na sila Kuya ngayong kagabi, at sa tantiya niya ay mamayang umaga ang dating ng mga ito, kaya natulog na rin ako para makapagpahinga na rin.

Kinabukasan ay isang lalaki ang bumungad sa akin, kaya napabangon ako at nauntog kami sa isa't-isa sa biglaang pagbangon ko..

"Aray." rinig kong sabi nung lalaki na nalalag sa baba ng kama. Kaya habang hinihimas ko ang nadaling parte ng noo ko ay sinilip ko siya at ganun nalang ang gulat at panlalaki ng mata ko ng mapagtanto ko kung sino siya..

"Aera naman eh, ang sakit ah. Ang gwapo-gwapo ko tapos babangasan mo lang ako." sabi niya habang patuloy na hinihimas ang noo niya na namumula.

Kaya dali-dali akong bumaba sa kama at nilapitan siya.

"Patawadin mo ko, Ethan di ko sinasadya ikaw kasi eh. Bakit kasi nandito ka sa kwarto ko? Alam mo namang tulog ako." sermon ko sakanya, kaya napanguso siya.

"Gusto ko na kasing makita ka, kaya tinanong ko kay Lara kung saan ang kwarto mo. Namiss kaya kita, at tsaka gusto ko paggising mo ako agad makikita mo." nakangiting paliwanag niya sa akin.

"Tingnan mo tuloy nangyari sayo, nagulat kasi ako. Di ako sanay na may biglang gaganyan sa pagmulat ko ng mata ko." saad ko sakanya, nagulat ako ng yakapin niya ako. At naramdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko, tunay nga talaga na minamahal ko na siya.

"Kailangan mo ng masanay dahil sa susunod na gigising ka, asawa mo na ako." nakangiting bulong niya sa akin habang yakap ako. Kaya natahimik ako at di nakapagsalita.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko, bakit ba ganto epekto sakin ng isang Ethan na nagkataon pang kamukha ni Juancho?

Di ko naman siya minahal dahil lang sa kamukha niya si Juancho, minahal ko siya bilang siya at kung sino siya.

Malaki ang pinagkaiba nila ni Juancho, tanging siya lang ang nagparamdam na importante at mahalag ako na dapat akong ingatan lagi siyang nandiyan pag kailangan ko siya. Hinding-hindi niya ako iniwan, pero paano ko siya iiwan kung gantong di ko siya kayang saktan?

Pero iba ang tadhana ko, hindi ako taga-rito sa taon na to. Hindi dapat ako umibig ng taong hindi nabubuhay sa taon ko, pero eto nangyari na at di ko man lang nagawang pigilan.

"Oy, natahimik ka. Tsk, tara na nga sa baba nandoon na sila sa kusina at naguumagahan." sabi niya dahilan para mawala ako sa malalim na pag-iisip. Nauna siyang tumayo at inalalayan niya ako tumayo.

"Sige na mauna ka na, maghihilamos lamang ako." saad ko sakanya, kaya napatango siya. At ngumiti sakin, akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero bigla siyang tumigil sa pinto at nilingon ako.

"Te quiero, Aera." sabi niya dahilan para tuluyang tumigil ang mundo ko, at tsaka siya tuluyang umalis. Naiwan akong halos magwala ang sistema ko dahil sa kaba at di maintindihan na nararamdaman ko. Napahawak ako sa dibdib ko at natulala nalang sa kawalan.

Sa ganitong kalagayan, paano ko siya magagawang iwan?

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now