Kabanata 30

122 23 0
                                    

Anna Luisa

Huwebes na ngayon at habang papalapit ng papalapit ang Sabado ay iba ang kaba na nararamdaman ko. Di ko alam pero pakiramdam ko palapit na ko sa babala ng matanda sakin na di ko alam kung saan nanggaling.

"Tulala ka naman? At titig ka na naman sa ulan. Sure ka bang okay kalang?" pangatlong tanong na sakin to ni Alonika mula ng umalis kami sa condo. Mula kasi kahapon ay di na okay pakiramdam ko. At di ko maiwasang mag-isip ng mag-isip sa maaring maganap sa Sabado. At sa pagtuklas ko sa kasaysayan ng mga Bonifacio..

"Di ko alam." pagpapakatotoo ko sakanya. Kaya napatingin siya sakin, siya kasi ang nagmamaneho. Dahil wala talaga ko sa tamang wisyo mula kahapon.

"Hala, Ate umuwi ka nalang kaya muna?" nag-aalalang suhestiyon niya sakin. Umiling lang ako sakanya.

"Hindi, papasok ako. May usapan kami ni Ethan." sagot ko sakanya. Kaya napatango nalang siya. At nagpatuloy na sa pagmamaneho.

"Naku magdadate kayo noh, naku?" pang-aasar ni Alonika. Pero di man lang ako napangiti o naasar dahil, wala talaga ko sa tamang wisyo. Blanko lang ang aking mukha, na nakatitig sa kawalan.

"Di ah, nagyaya lamang siya sa ilog paraiso." blankong sagot ko sakanya.

"Ah. Pwede sumama?" naeexcite na sabi niya. Kaya ningisian ko siya.

"Oo naman, basta kasama din si Maxwell." nakangising sabi ko sakanya, kaya pinanlakihan niya ko ng mata sa salamin ng kotse.

"Anong napasama sa usapan ang hinayupak na yun?" di makapaniwalang asik ni Alonika sakin, pero ngisi lang ang sagot ko sakanya at bumaling na ulit sa bintana.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot, agad niya namang pinark ang kotse at agad kaming bumaba at pumasok na sa loob. At di na namin ulit pinag-usapan si Maxwell.

"Ah, Alonika? Gusto mo ba sumama mamaya?" tanong ko sakanya bago kami tuluyang maghiwalay.

"Sasama ako kung wala si Maxwell? Gusto kolang magmuni-muni doon kaya ayoko ng bwisit." sabi niya sakin. Napatawa naman ako ng bahagya.

"Ah ganun ba, sige ako na bahala di ko siya pasasamahin." sabi ko sakanya at maya-maya ay nagpaalam na kami sa isa't-isa para pumasok sa mga klase namin.

Pagdating ko sa room, ay nakita ko sina Maxwell at ang iba pa naming kaibigan na tila malalim ang pinag-uusapan kaya lumapit ako sakanila.

"Anong meron at may pagtitipon kayo?" tanong ko sakanila, kaya napatingin sila sakin.

"Si Alonika? Pumasok ba siya?" yan agad ang tanong sakin ni Maxwell kaya napakunot ako ng noo.

"Hmm..Oo bakit?" kunot noo na sabi ko sakanya.

"Eto kasing si Maxwell nagbabalak manligaw kay Alonika, at nalaman niya na sa Ilog Paraiso tayo mamaya. Kaya ayan nagpaplano siya ng isang surpresa para kay Alonika." sabi ni Ethan at umakbay sa akin.

"Surpresa?" gulat na sabi ko kay Maxwell.

"Oo napag-isip isip ko kasi yung sinabi mo nung isang araw. Kaya eto ako ngayon, gagawin ko na kung ano yung tinitibok talaga ng puso ko. Matutulungan mo din ba ako?" paliwanag at tanong niya sakin.

Saglit akong nag-isip.

Sa totoo lang gusto ko talaga silang magkatuluyan, bagay sila kahit saan mo tingnan. Kahit na minsan ay aso't pusa sila pero makikita mo talaga na pwede sila sa isa't-isa.

"Oo naman, buti nalang nayaya ko siya na sumama mamaya sa Ilog Paraiso." nakangiting sagot ko kay Maxwell, kaya napangiti siya ng malaki.

"Oh ayan na pala eh, nainvite na ni Aera. Wala na tayong problema sa kung paano siya pupunta dun." natutuwang sabi ni Steven.

"Ano nga palang plano?" tanong ko sakanila.

"Ganto ang plano, Aera. Mauuna kami nila Jannine, Yuri at Steven sa Ilog Paraiso ng di nalalaman ni Alonika. Kunware ay gagala lang kami sa Mall ganun, habang si Maxwell ay bibili ng mga gagamitin sa Mall siyempre dapat mabilis lang. At kayong dalawa ni Ethan ay mamasyal muna kayo sa isang arcade. Para malibang si Alonika, at tsaka niyo siya yayain na pumunta na sa Ilog Paraiso." paliwanag ni Catriona sakin.

"Hmm, sige ang dali lang pala. Ayusin niyo ha! Galingan niyo sa paghahanda ng surpresa." natutuwang bilin ko sakanila. Kaya napatango sila. Alam ko kasing magaling sa mga pagdedesenyo sila Yuri at Catriona. Aba at napakagaganda ng mga folder nila. Kaya tiyak kong maganda rin ang magagawa nila para sa surpresa para kay Alonika.

"Kami pa ba?" pagmamayabang ni Catriona sakin kaya natawa nalang ako. Maya-maya pa ay naging busy na kami sa mga ipapasa ngayong araw, di pa rin kasi matapos-tapos ang mga napakaraming requirements. Tambak kung tambak.

Saglit kaming kumain sa kantina at agad ring bumalik sa classroom para ituloy ang mga ginagawa namin.

Maxwell

"Hala, Kuya! Manliligaw ka na kay Ate Alonika?" tili ni Aira sa kabilang linya. Tinawagan ko kasi siya para hingin din ang tulong niya at ni Angge, alam ko kasing magaling sila sa mga gantong surprise kaya hiningi ko tulong nila.

"Oo kaya wag kang maingay diyan." saway ko sakanya.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala na maiisipan mo ng manligaw psh!" sagot niya sa kabilang linya. Kaya natawa naman ako. Grabe talaga tong kapatid ko sakin walang bilib sa kuya.

"Oy nanligaw na ko kay Aera ah, sadyang lately ko lang narealize na si Alonika ang gusto ko talaga." paliwanag ko sakanya.

"Aysus palusot mo lang si Ate Aera, kasi ang totoo di mo matanggap na nainlove ka sa halos araw-araw ay kaaway mo.." natatawang sabi niya sa kabilang linya. At nang-asar pa nga. "..wag ka ng magdeny Kuya, ikaw nalang naman tong di nakakita ng nararamdaman mo kay Ate Alonika, ikaw lang naman tong pilit pumipikit at sinasabi sa sarili na wala kang gusto kay Ate Alonika." dagdag niya pang pang-aasar.

Para akong biglang nagsisi na tinawagan ko siya, kingina lakas mang-asar eh.

"Si Angge? Kasama mo ba?" tanong ko sakanya.

"Ah, oo eto at nakikipagharutan sa jowa niya." sagot niya sakin.

"Pasabi kung pwede bang tumulong rin siya? Kailangan kasi maging maganda tong surprise na to, dahil aalis si Alonika sa Sabado. At sa ibang bansa magbabakasyon. Sa Ilog Paraiso ah dun kayo pumunta ni Angge." sabi ko kay Aira.

"Oo naman Kuya, ako bahala dito. Sasama to, alam mo namang malakas ka dito." sagot niya sakin, kaya napangiti ako. At nagpaalaman pa kami saglit bago tuluyang binaba ang tawag.

"So ano, tutulong ba si Aira at Angge?" tanong ni Steven sakin.

Oo nandito na kami sa parking lot, at pag-alis nalang ang dapat naming gawin. Sila Steven ay dederetso na sa Ilog Paraiso, may mga ilang materials na kasi sila. Dahil may mga dala sila Yuri at Catriona, mahilig kasi ang dalawa sa mga pagdedesign.

At ako naman ay pupunta na sa mall para bumili ng bulaklak, baloons, at automatic lights, yung di kailangan ng voltage ng kuryente. At may mga ilang bilin pa na pinabibili sa akin sila Catriona pandagdag sa design.

"Oo tutulong sila." sagot ko sakanila. Kaya natuwa sila.

"Oy, Maxwell wag mong kakalimutan ang pagkain. Importante yun sa lahat." bilin ni Jannine sakin.

Napakamagutumin talaga ng isang to, kaya kawawa lagi si Steven dito eh.

"Oo na, sige na alis na kita kits nalang mamaya." sagot ko sakanila at nagpaalam na at tsaka sumakay ng kotse.

Heto na, sana ay mabili ko lahat ng dapat bilhin.

Basta para kay Alonika!

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now