Kabanata 40

113 23 0
                                    

Anna Luisa

"Kamusta tulog mo?" bungad ni Lara sakin ng bumaba siya galing sa taas. Maaga kasi ako nagising dahil sa marami din akong iniisip kagabi.

"Maayos naman dahil sa di matigil na ulan." saad ko sakanya, pumunta siya sa tabi ko.

"Ano nga palang sabi ng Kuya mo kagabi, diba siya kausap mo kagabi?" tanong niya sakin at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Siya nga, ang sabi niya ay baka sa Martes na sila makapunta rito dahil malakas daw talaga ang bayo ng bagyo." sagot ko sakanya.

"Ah ganun ba, tara luto na tayo umagahan." yaya niya sakin at tumayo na kaya tumayo na rin ako. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Pagdating namin sa kusina ay agad siyang nag-asikaso, dahil siya ang mas may alam sa kusina.

"Ate Anna Luisa, may tanong ako sayo?" sabi niya habang patuloy na nagluluto.

"Ano naman iyon?" saad ko sakanya habang nakapangalumbaba sa lamesa  na malapit sa pinaglulutuan niya.

"Diba ay kilala mo si Lolo Andres Bonifacio? Gwapo ba siya, dejk lang. Paano siya bilang tito?" tanong niya sakin kaya napaisip ako.

"Si Tito Andres, mabait siya. Wala nga lang lagi sa bahay dahil lagi siyang nasa rebolusyanaryo. Diba nga siya ang nagtatag ng KKK. Grabe siya kung makipaglaban para lamang sa kalayaan ng Pilipinas." saad ko sakanya.

Kaya napatingin siya sakin.

"Ah ganun ba, eh ikaw sa pagkakaalam ko ay may Juancho ka at base sa kwento ng nga ninuno natin ay magpapakamatay ka sa ilog paraiso." sabi niya habang patuloy na niluluto, ang adobo ayun daw niluluto niya eh. Tinuro daw ito sakanya bata palang siya bilang tanda na Pilipino siya. Di rin daw siya tinuruan masyado ng ingles na salita dahil mas sinanay siyang magtagalog. Sa eskwelahan lang daw siya napapasabak ng ingles.

Nakwento niya sakin yun kagabi.

"Di ako makapaniwalang magpapakamatay pala ako ng dahil sa isang ginoo na mahal ko. Sa inyo ko lamang nalaman ito. Si Juancho, mabait at maginoo siya kaya di ako makapaniwala na magagawa niya akong lokohin at saktan." di makapaniwalang anas ko sakanya.

"Base lamang iyon sa kwento na pinagpasa-pasahan na mga ninuno natin na naikwento lang sakin nila Mommy kaya nalaman ko. Pero walang ebidensya na ganun nga ang naganap, bigla ka nalang daw kasing naglaho na parang bula." saad niya habang hinahango na ang adobo na niluto niya. At tsaka nilagay sa lamesa at siya na rin ang naghanda ng kanin dahil gusto ko sana siyang tulungan pero pinigilan niya ako. Siya na daw bahala, kaya hinayaan ko na siya. Dahil mukhang gusto niya talaga yung ginagawa niya.

"Naglaho ako, saan mo naman nakuha ang kwento na iyan?" takang tanong ko sakanya.

"Tagong kwento lang iyan, na nalaman nila Mommy noon. Di na rin nila maalala kung sino ang nagkwento sakanila, pero ang tanging kwento na ilan lang ang nakakaalam ay pagkatapos mong maglaho, ay nagkanya-kanya na ang buong angkan ng Bonifacio.." saglit siyang tumigil at umupo. "..ni hindi nga naisulat sa libro ng angkan ng Bonifacio ang naganap sayo at sa pag-iibigan niyo ni Juancho." dagdag niya pa, dahilan para matigilan ako ng tuluyan.

"Hindi naisulat, kaya ba sinasabi mo kanina na sari-saring kwento ang nagpasa-pasahan na ng henerasyon ay walang nakakaalam kung alin doon ang totoo?" takang tanong ko sakanya habang kumakain na. Kaya napatingin siya sakin.

"Parang ganun na nga, kaya nga tinatanong kita kasi alam kong ikaw lang ang nakakaalam ng totoong kaganapan. Pero base sa mga kinikilos mo ay halatang di mo alam ang sumunod na naganap sayo pagkatapos mamatay nina Lolo Andres at Lolo Procopio." sabi niya habang kumakain na rin.

Hanggang sa tumahimik na kami parehas at kumain ng kumain dahil halata saming dalawa ang labis na gutom. Di kasi ako masyadong nakakain kahapon bago ako umalis.

"Ah, Lara alam mo ba kung nasaan ang libro ng angkan ng mga Bonifacio?" tanong ko sakanya ng tumayo siya dahil tapos na siya kumain. At akmang pupunta na sa lababo upang ilagay ang plato niya.

"Hindi eh, pero ang sabi nila Mommy ay nandito lang daw iyon sa mansyon pero di nga lang nila alam kung saan nakalagay, bakit?" sagot niya at paliwanag sa akin.

"Gusto ko sanang makita, may gusto lang ako hanapin na pangalan sa libro ng angkan ng Bonifacio." saad ko sakanya, kaya napatingin siya sakin. Naglalakad na kasi siya papunta sa lababo.

"Gusto mo ba tulungan kita?" desididong tanong niya sa akin.

"At tsaka kailangan ko na rin gampanan ang misyon na inaatang sa akin upang makabalik na si Aera at makabalik na rin ako sa taong 1897, at harapin ang magaganap sa akin." sambit ko sakanya kaya walang pasubaling binitawan niya ang pinggan sa lababo at lumapit sa akin..

"Tutuparin mo ang misyon mo, itatama mo ang mga mali. Pero paano si Ethan na ang sabi mo sa akin ay ang lalaking minamahal mo ngayon?" nag-aalalang tanong niya sa akin, naikwento ko kasi sakanya kagabi ang tungkol kay Ethan at di siya makapaniwala na umibig ako sa isang lalaki sa maikling panahon na napadpad ako rito.

"Lara, alam mo na hindi ako para sa taon na to. At pag hinayaan ko na manatili ako dito? Maaaring may magalaw ako at mabago ng di ko sinasadya. Alam mong si Aera ang dapat narito at hindi ako." malungkot na paliwanag ko sakanya.

"Kung iyan ang desisyon mo, kaya dahil ako ang nakatakdang tutulong sayo ay asahan mong di kita iiwan sa pagtatama ng kamalian ng kasalukuyan sa nakaraan.." saglit siyang tumigil at tsaka muling nagpatuloy. "..masaya ako na makakatulong ako sa tulad mong isa sa taong parte ng nakaraang henerasyon ng mga Bonifacio." nakangiting dagdag niya at pumunta sa likod ko at niyakap ako..

"Masaya rin ako na di ako mag-isa sa misyon na ito, kahit na di ko maiwasang isipin na iisa lang kayo ni Sarah." nakangiting sabi ko at ibinulong nalang ang huli kong sinabi. Buti na lamang ay di niya narinig. Napakalaki kasi talaga ng pagkakahawig nila ni Sarah. Kaya di ako makapaniwala kay Alonika at Julia na walang Sarah sa henerasyon ng Bonifacio, yun ang matagal ng tanong sakin kaya nga nagpasya akong magtungo rito sa mansyon ng Bonifacio.

"Oh sige na Ate Anna Luisa, maghuhugas lamang ako ng pinagkainan natin. Mas mabuti pang hintayin mo ko sa sala at sabay nating hahanapin ang libro ng henerasyon ng Bonifacio." nakangiting sabi niya, at nagpunta na sa lababo. At ako naman ay nagpunta na sa sala.

Ano pa kayang mga kaganapan ang malalaman ko sa susunod na araw?

At tulad ng tanong ko kagabi? Paano ko itatama ang mali ng nakaraan sa kasalukuyan kung di ko naman batid kung ano ito?

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now