Kabanata 33

119 25 0
                                    

Alonika

"M-maxwell?" bulong ko nalang ng makita siya na nakangiting nakatingin sakin.

"Alonika, I know na di kapaniwala-paniwala tong ginagawa ko.." saglit siyang tumigil at lumapit sakin nagulat pa nga ako ng ilagay niya sa kabilang dibdib niya ang palad ko. "..pero gusto kong malaman mo totoo lahat ng ito. At di ito isang panaginip lang, alam kong baliw ka kaya alam kong iisipin mong nanaginip ka lang." medyo natatawang sabi niya kaya inis akong sinamaan siya ng tingin.

"Di ko talaga alam kung dapat bang paniwalaan tong kabaliwan mo sa harap ko?" kunot noo na sabi ko sakanya, pero ang gunggong pinisil lang ang pisngi ko at inalalayan akong umupo. Kaya umupo naman ako, ewan ko ba kung bakit umupo ako? Ah baka nangalay ako kaya umupo ako. Aish! Ewan.

"Hmmm..dapat siguro maniwala ka na! Minsan lang ako maggaganto at sayo ko pa talaga to ginawa." nakakalokong sabi niya at umupo na rin. At nilapag ang bulaklak na hawak niya, maya-maya pa ay biglang sumulpot si Aira at Angge na may dalang pagkain. Para silang biglang naging waiter, psh ang dami niyang dinamay.

"Para saan ba kasi ito? May sapak ka ba? Nakadrugs ka ba?" takang sunod-sunod na tanong ko sakanya.

Narinig ko naman ang pagbungisngis ni Aira at Angge na nag-aayos ng pagkain at nilalapag sa lamesa. At inabot sakin ni Angge ang cellphone ko, nakaon-call pa pala kapatid ko.

"Hindi ah, mamaya malalaman mo rin sakyan mo nalang." nakangising sabi niya sakin.

Pagkatapos ayusin nila Angge at Aira ang lamesa ay umalis na rin sila. At ng maiwan kami ni Maxwell ay sandaling katahimikan ang namayani hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan..

"Alonika, I know kung gaano ka naweweirduhan sa nangyayari at pinaggagawa ko sa harap mo pero gusto ko lang malaman mo na from the very first day na nag-usap tayo ay sobrang gaan na ng pakiramdam ko sayo.." panimula niya at sandaling tumigil at this time tinitigan na niya ako, kaya di na ko nakaiwas pa. "..at first inaamin ko, I found you as a little sister dahil sa height mo. Pero as the days past, akala ko talaga si Aera ang gusto ko.." he stopped at hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa. "..kaya nga niligawan ko siya at nakipagsabayan kay Ethan kasi akala ko si Aera talaga ang gusto ko. Pero ng marealized ko na ikaw pala ang gusto ko ay di naging madali para sakin tanggapin dahil puro nga tayo away, wala akong makitang dahilan para gustuhin kita. Your just a girl with a childish hobby, and then one day I wake up and learn na ang minahal ko sayo ay yung pagiging childish mo. Kuntento ako at masaya ako kung sino ka? Nothing more, nothing less." mahabang sambit niya dahilan para maramdaman ko ang pagpatakan ng mga luha ko. Dahil eti ang unang beses na naramdaman ko ibang tao na mahalaga ako at importante ako. Ganto pala pag nagmahal ka ang sarap sa pakiramdam.

At masaya ako na si Maxwell ang ginusto ko.

"I don't know what to say Maxwell, nauubusan na ko ng words na sasabihin sayo. Dahil di ako makapaniwalang magkatotoo ang isa sa mga pangarap ko.." mangiyak-ngiyak na panimula ko. Kaya napatingin siya sakin.

"Pangarap?" takang tanong niya sakin. Kaya tumango ako sakanya.

"..oo Maxwell, pangarap ko to yung gantong scenario yung surprises. Ikaw lang nakagawa nito sakin, you made me special." garalgal na paliwanag ko sakanya at ningitian siya. Akmang magsasalita na siya ng biglang sumulpot si Yuri at Jannine na may dalang violin. Marunong pala sila magpatugtog ng violin.

    -- 🎶 Kung Magiging Tayo🎶 --

"Ayoko ng magpasikot-sikot pa, Alonika. Gusto kong malaman mo na mahal na kita at mas lalong minamahal na kita.." sandali siyang tumigil at tumayo at pinatayo ako sa upuan ko. At nagulat ako ng lumuhod siya, sa harap ko kaya napatakip ako sa bibig ko at di ko na alam ang gagawin ko, habang patuloy pa rin sa pagtugtog sina Jannine at Yuri.
Di ko alam irereact ko, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagbagsak ng mga luha ko. "..Alonika, I know that you're the one. Alam kong ikaw na ang gusto ko at sigurado na ko sayo." nakaluhod na sabi niya. At parang may sinenyas siya sa likudan niya at doon naglabasan sina Aera, Ethan, Catriona, Angge, Aira at Steven na may placard na mga dala.

Kaya binasa ko ito, dahilan para lalo akong maluha ako. Napansin ko naman si Jannine na hawak na ang cellphone ko at nakikita sa screen na tuwang-tuwa si Julia sa nakikita niya.

"Alonika, can I ask you a one question?" nakangiting tanong niya sakin. Alam ko kung ano itatanong niya? Alam kong yung nasa placard yun, ano bang meron sakin at napakaswerte ko at naranasan ko ang ganto ngayon.

"Hmm.." pagtango ko.

"Alonika, Can I court you?" he asked, dahilan para magtilian ang mga kaibigan namin at rinig na rinig ko rin ang tili ni Julia kahit nasa screen lang siya ng cellphone.

Di ko alam ang sasabihin ko, dahil di ko alam paano magsasalita at magrereact sa gantong bagay. Dahil sa buong buhay ko ngayon ko lang nararanasan ang gantong bagay.

"Alonika, um-oo ka na." sigaw ni Julia mula sa screen ng cellphone ko kaya nagtawanan mga kasama namin..

"Pinapangunahan mo naman masyado si Alonika, Julia. Pero oo nga Alonika, um-oo ka na." natatawang sabi ni Catriona. Di ako makatawa dahil na kay Maxwell ang tingin ko na may hawak na bulaklak at mini-box na hawak habang nakaluhod sa harap ko. Matagal bago nagsink-in sakin lahat, ang tanging alam ko nalang ay lumuhod rin ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya, dahilan para magtaka siya.

"Maxwell, tandang-tanda ko pa kung paano tayo magbangayan at magsigawan pero tandang-tanda ko din kung paano pinaramdam sakin na isa ako sa mahahalaga sa buhay mo. Alam mo bang akala ko kailangan ko ng tanggapin na ang pinsan ko talaga ang gusto mo. Pero di ako makapaniwalang eto ka ngayon sa harap ko.." maluha-luhang sambit ko sakanya. At talagang nanlalabo na paningin ko dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga luha ko. "..gusto kong malaman mo na mahal at gusto rin kita, Maxwell matagal na. And yes you can court me." nakangiting sabi ko sakanya. Dahilan para bitawan niya saglit ang bulaklak ang box na hawak niya at nagulat ako ng buhatin niya ako at yakapin. Nagtilian naman mga kasama namin, eto na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Eto na siguro yun, sa daming nangyari masasabi kong isa ito sa mga gusto kong balik-balikan sa pahina ng libro ng buhay ko.

Ng bitawan niya ako at agad niyang dinampot ang mini-box at bulaklak at inabot niya sakin at bulaklak at binuksan niya naman ang box na may laman na kwintas. At pinakuha niya sakin ang laman nito, at halos mapahagulhol na ko sa nakasulat dito. Ang pangalan ko, pinaukit pa niya, just to make me happy!

"Salamat, Maxwell." bulong ko sakanya ng yakapin ko na siyang kinagulat niya.

Nagpalakpakan naman mga kasama namin at napuno ang gabi namin sa Ilog Paraiso ng saya. At ng pumatak ang alas-otso ng gabi ay nagpasya na kaming mag-uwian. Pero ako nanatili ang ngiti sa mga labi ko, dahil sa saya ng nararamdaman ko.

To be continued..




AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now