Epilogue

219 26 0
                                    

1910

"Anna Luisa, ano bang ginagawa mo diyan?" tawag ni Charles sa asawa niya na di niya alam bakit ang tagal sa banyo. Kaya agad na lumabas si Anna Luisa.

"Charles, balikan natin sila Ina gusto ko ipakilala si Elizabeth sa kanila." sambit ni Anna Luisa sa kanyang asawa.

Kaya ningitian siya ni Charles.

"Masaya ako na naisipan mong magpakita sa inyo." nakangiting sambit ni Charle kay Anna Luisa, at niyakap ito.

"Dahil kahit bali-baliktarin ko man ang mundo ay mga magulang ko sila. At karapatan nilang makilala ang kanilang apo." nakangiting saad ni Anna Luisa sa asawa.

"Tiyak kong matutuwa silang makita ang kanilang apo, na napakabibo at kulit." natatawang sambit ni Charles kaya nagtawanan nalang sila mag-asawa.

Sampung taon na halos ang lumipas simula ng magsama at bumuo ng pamilya si Charles at Anna Luisa. Nung araw din iyon ay nagtungo sila sa Poblacion Indang.

Pagdating nila ay naabutan nila si Annie na nagtatanim sa labas ng bahay, tulad ng bilin ni Aera kay Anna Luisa ay ginawa nga ang lahat para di umalis si Annie at dahil doon sa bahay na nila nagsama si Annie at ang nobyo na asawa na niya ngayon.

Nagbago ang kwento dahil sa kaganapan na yun, pero hinding-hindi na palitan ang kaganapan at mapait na karanasan sa pag-ibig dahil nakatakda talaga maganap ang lahat ng bagay na yun.

"Annie?" nakangiting tawag ni Anna Luisa sa kapatid na napalinga sa paligid dahil sa pagtawag sakanya.

At ng lingunin niya ito ay halos matulala siya ng makita niya si Anna Luisa, nanakbo siya papunta rito at niyakap.

"Ina, Ama si Ate Anna Luisa bumalik na siya." sigaw ni Annie habang yakap si Anna Luisa na tuwang-tuwa sa naging reaksyon ni Annie ng makita siya.

Maya-maya pa ay naglabasan na ang mga magulang nila at tulad ni Annie ay lubos rin ang tuwa nila ng makita ang panganay na anak.

"Anna Luisa, salamat at bumalik ka nawa ay mapatawad mo kami sa mga nagawa namin, na naging dahilan para umalis ka sa ating tahanan." umiiyak na sambit ng kanilang Ina kay Anna Luisa. Kaya napaiyak na rin siya.

"Anak, patawarin mo kami ng iyong Ina. Gusto lang namin mapabuti ka kaya pinapalayo ka namin kay Juancho, di naman namin akalain na magiging dahilan yun para iwan mo kami." mangiyak-ngiyak na sambit naman ng kanyang Ama na nakayakap din sakanya.

"Wag niyo na pong isipin yun, ang mahalaga ngayon ay napatawad ko na kayo. At bumalik na akong muli, dahil gusto kong ipakilala sa inyo ang mag-ama ko.." saglit na tumigil si Anna Luisa at kumalas sa yakap ng kanyang Ina at Ama na nakangiting nakatingin sakanya. At tsaka niya hinila si Charles na buhat si Elizabeth. "..Annie, Ina at Ama, si Charles po ang aking asawa at si Elizabeth ang aming anak na apo niyo po." nakangiting pagpapakilala ni Anna Luisa ng kanyang asawa at anak sa kanyang magulang.

Napatingin sila sa batang babae na buhat nila na nakatingin sa dalawang matanda at kay Annie.

"Ina, sino sila?" tanong ni Elizabeth sa kanyang Ina, dahil bago lang sakanyang paningin ang mga ito. Kaya nilingon ni Anna Luisa ang anak at ningitian.

"Sila ang inyong mga lolo at lola at yung nasa tabi nila ay si Tiya Annie mo ang kapatid ko." nakangiting lahad ni Anna Luisa sa anak. Napangiti naman si Elizabeth at dagliang bumaba sa kanyang ama, at nilapitan ang kanyang lolo at lola. At huli naman niyang nilapitan ang Tiya Annie niya.

"Kinagagalak ko po kayong makilala." masayang sambit ni Elizabeth sakanila.

"Nagagalak din kaming makilala ka, Elizabeth." nakanagiting saad ni Annie at pinisil pa ang pisngi ni Elizabeth, kaya napahawak ito sa kanyang pisngi.

Hanggang sa nakipaglaro na si Elizabeth sakanyang mga magulang at si Charles naman ay pumasok na sa loob kasama si Anna Luisa upang magpahinga.

Ngayon ay masasabi na niyang, eto ang totoong kwento at kaganapan sa kanyang buhay. Nakatakda mang masaktan ngunit sa dulo ay kasiyahan ang aanihin.

Maaaring sa unang pag-ibig ay nabigo, ngunit sa pangalawa ay siyang magiging tagumpay.

After 60 years..

Gumagawa na ng kanyang sariling tadhana si Elizabeth, at siya ang matandang laging nagpapakita kay Aera noong siya pa si Anna Luisa. Siya ang matandang naitakda ring magtama ng kamalian.

Kaya nga di siya nagpakilala sa dalawa upang di magulo ang kanyang misyong maitama ito.

"Masaya ako, na ako nagtama ng naging kamalian ng nakaraan sa kasalukuyan. Masaya ako na naging parte ako ng di makakalimutang pangyayari na tanging kami lang tatlo ang nakakaalala. Ito ang isa sa mga kasaysayan na hinding-hindi maisusulat dahil di naman ito kahit kailan dapat isulat dahil isa lamang itong pagkakamali na di na dapat malaman ng lahat." nakangiting saad ni Elizabeth, na naghihintay nalang bawian ng buhay upang makasama na ang kanyang mga magulang sa kalangitan.

May mga anak na rin siya na magpapatuloy ng kanilang lahi at henerasyon.

"Ang bawat pagkatalo at pagkabigo sa pag-ibig ay di dahilan para ihinto at tuluyan mong wasakin ang sarili mo, dahil sa bawat pagkabigo may kaakibat na bagong pag-asa upang bumangon muli at maging masaya. Mga anak palagi niyong tatandaan na hindi araw-araw ay malakas at matibay kayo, dahil kung.." saglit siyang tumigil dahil nararamdam na yan ang sobrang panghihina at muling nagpatuloy kahit hirap na hirap na. "..manghihina at madudurog kayo, wag niyong kakalimutan na isa lamang itong pagsubok sa inyo na kailangan niyong labanan." dagdag niya pa.

"Ina, kung pagod ka na. Pumapayag na kaming magpahinga ka!" umiiyak na sambit ng kanyang panganay na anak. "..pumapayag na kaming makapiling sila Lola Anna Luisa at Lolo Charles." dagdag pa nito, hinawakan ni Elizabeth ang mukha ng anak kahit na hirap na hirap na at tsaka binalingan ang iba pang anak na nag-iiyakan na. Wala na rin kasi ang kanyang asawa, namatay itong nakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Kaya solo niyang pinalaki ang kanyang mga anak, at gawin silang mabubuting tao. Tulad ng bilin ng kanyang Ina na si Anna Luisa bago ito pumanaw.

"Alagaan niyo ang bawat isa at kayo ay magmahalan lagi, palagi niyong tatandaan na hinding-hindi ako mawawala sa inyo, dahil lagi lamang ako nariyan sa puso niyo. Mahal na Mahal ko kayo!" hirap na hirap na sambit ni Elizabeth. At tsaka siya tuluyang, binawian ng buhay, kaya tuluyan na humangos at tumangis ang kanyang mga anak.

Siya si Elizabeth, ang anak ni Anna Luisa na tumulong upang maitama ang mali ng nakaraan sa kasalukuyan.

Isa siya sa di makakalimutang parte ng kasaysayan.

Ito ang kwentong mabubuksan sa mga makabagong panahon ngunit maraming parte ang di maisasama.

Ito ang kwentong magtuturo sa lahat ng sa bawat pagkabigo, may bagong pag-asa na sisibol.

A/N:

Sana ay tuluyan kayong naliwanagan sa kung sino yung matanda na nagpapakita lagi kay Anna Luisa sa 2020 sa mga naunang chapter hanggang sa huli.

- paraiso_neo❤


AERA (The Girl In The Past)Onde histórias criam vida. Descubra agora