Kabanata 49

149 25 1
                                    

Anna Luisa

Pagpunta namin sa gate ng Hacienda ay saktong nandun na ang kotse nila Julia kaya agad kaming lumabas para sunduin sila. Pagbaba nila ay agad kaming nagngitian..

"Julia, pwede bang mauna ka na sa loob?" pakiusap ni Kuya sakanya kaya agad naman siyang pumayag at nauna sa loob.

Ng maiwan kami sa labas ay mahinang napatili si Alonika, at ganun nalang ako gulat namin ng biglang bumaba ang isang lalaki, sino naman ito?

"Bakit nagtitili ka diyan? Bakit di pa kayo pumapasok?" sunod-sunod na tanong nito kay Alonika.

"Ay bakit bawal ba tumili, pwede ba umuwi ka na muna sa inyo bukas ka nalang pumunta dito magpapahinga na rin kasi kami." sabi ni Alonika doon sa lalaki.

"Oo nga Clyde iho, mas mabuti pang umuwi ka muna. Bukas na lamang tayo muling magkita." nakangiting sabat ni Tita.

Kaya agad na ngumiti pabalik si Clyde at umalis na, ng kami nalang ang naiwan ay kinuha ni Kuya ang bagahe nila Tita sa likod at binuhat ito. At tsaka pumasok sa loob, habang pinasok naman ng driver ang kotse sa loob. Dinala namin sa loob ang mga bagahe nila Tita at niyaya sila sa isang tagong sulok sa likod ng Hacienda kung saan maaari mong makita ang nangyayari. Nakita namin na tila di alam ni Julia kung saan pupunta, dahil napakadilim ng paligid. Nasaktuhan pa na kay Alonika ang cellphone niya kaya wala siyang flashlight. Sinadya talaga naming patayin ang ilaw sa sa buong buhay para maganda ang maging resulta, pinakiusapan pa namin si Lara na sa kwarto na manood.

Buti nalang at pumayag siya agad.

"Hoy, nasaan ba mga tao dito?" sigaw ni Julia sa garden. At todo kapa siya sa paligid, at halatang di niya alam kung nasaan na siya. Eh paano nakarating na siya sa likod ng hacienda, dahil sa sobrang dilim.

Nagkatinginan na lang kami nila Kuya at tsaka pinanood ng tahimik ang mga nangyayari.

Julia

Pagbaba ko kanina ay sinabihan ako ni Kuya Azrael na mauna na, kaya nung paglingon ko sa likod ay wala na sila kaya nataranta ako dahil di ako sanay sa dilim, sakto pang si Alonika may hawak ng cellphone ko. Ang malas ko naman talaga, nasaan ba kasi mga tao dito?

Hanggang sa nakarinig ako ng pagtugtog ng gitara. At kasunod noon ang pagkanta ng isang lalaki, sino ba to? At sino sila? Wag mo sabihing may paconcert dito sa hacienda ng mga Bonifacio. Pero bakit naman madilim, ayaw ba nila ng ilaw.

Kaya bang baguhin ng pag-ibig ang tinakda ng langit para sa 'tin
Sa mga bituin nakasulat na hindi
Karapat-dapat ang dalawang pusong 'di nababagay
At kung hindi ka para sa akin
Bakit ikaw ang napili
Bakit pa nakilala kung paghihiwalayin din ng tadhana
Ooh... Oh oh

Natahimik ako at natulala sa napakagandang boses na naririnig ko hanggang sa may lumapit sa likod ko at may itinakip sa mata ko.


                      Sana sa huli

Ikaw at ako pa rin
Langit sana' y dinggin
Ito ang aking hiling
Sana sa huli pag-ibig natin ang manaig
Sana sa huli
Ooh. Oh oh
Ikaw at ako pa rin
Sana sa huli ikaw at ako
Marami man ang humahadalang
Sa puso ko'y hindi ka iiwan
Sa dulo ma'y walang hanggan
Ikaw at ako magpakailan pa man

Nagpatuloy ito sa pagkanta, hanggang sa naaninag ko ang pagliwanag ng paligid, ano ba kasing nangyayari?

                        Sana sa huli

AERA (The Girl In The Past)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora