Kabanata 23

141 22 0
                                    

Anna Luisa

te quiero

Bulong ko sa ere habang tanaw at pinagmamasdan ko si Ethan na tuwang-tuwa sa paghaharana ni Kuya kay Aira, kaya ibinalik ko ang aking tingin kay Kuya at Aira. Sabi sakin nila Catriona ay may gusto nga raw itong si Aira kay Kuya. Bagay sila, pero mas matanda nga lang si Kuya para sakanya.

Sandaling tumahimik ang paligid ng tumapat kay Kuya ang liwanag at nakangiti siyang nakatingin kay Aira.

"Maxine Aira Sarmiento, happy birthday. Mahal ki--este namin, you were such a wonderful girl and now a lady. Sana nagustuhan mo ang paghaharana ko sayo." sabi ni Kuya, kaya nagsigawan lahat ng narito dahilan para mamula si Aira.

Inabutan naman siya ng microphone daw tawag doon. At tsaka nakangiting sumagot kay Kuya.

"Thank you, Azrael. Sorry kung walang Kuya, ayoko lang tawagin kang Kuya. Thank you for serenading me, you made my 18th birthday whole." nakangiting sabi ni Aira kay Kuya.

Maya-maya pa ay bumaba na sa stage si Kuya dahil tutungo na daw sa ibang segment ng debut ni Aira.

Habang tumatagal ang oras ay lalo akong naiilang sa presensya ni Ethan, dahil nung isang araw lamang ay napagtanto ko ang aking nararamdaman para sakanya.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumayo si Alonika at bumulong sakin.

"Ate, labas lang ako. Tawagan ko lang si Julia." bulong niya sakin, kaya tinanguan ko naman siya at tsaka dagliang nagtungo palabas.

Todo panood naman sina Catriona at Yuri sa kaganapan sa harap. Habang ako ay minsang napapatingin kay Ethan hanggang sa..

"Aera, pwede ba tayong mag-usap sa labas?" biglang wika niya kaya napatitig ako sakanya at nakaramdaman ako ng kakaibang pakiramdam sa aking katawan. At paggalaw ng kung ano sa aking dibdib.

Napalingon ako sa mga kasama namin, pero mukhang wala silang narinig. Kaya agad akong pumayag.

Paglabas namin ay natanaw ko mula sa malayo si Alonika na may kausap sa kanyang telepono.

Pumwesto kami sa di naman kalayuan, sakto lang ang agwat mula sa venue ng kasiyahan.

"Ano ang ating pag-uusapan?" panimula ko dahil mukhang siya ay nahihiya pa.

"Tungkol dun sa paghalik ko sayo sa ilog paraiso." nakayukong sabi niya kaya medyo nakaramdam din ako ng hiya. Bat kanya pa itong pinaalala?

"Hayaan mo na yun." wika ko sakanya, kaya napataas siya ng tingin sakin at tinititigan ako.

"Di ko basta pwedeng hayaan nalang yun, Aera dahil hindi yun magtutugma sa nararamdaman ko ngayon para sayo." deretsang wika niya habang nakatitig sa mga mata ko, kaya napatitig rin ako. Nagulat naman ako sa winika niya.

"Ano ang iyong ibig sabihin?" takang wika ko sakanya, nagulat ako ng hawakan niya ang aking magkabilang pisngi at ngumiti ng ubod ng tamis.

"Nung unang beses na naencounter natin ang isa't-isa, pakiramdam ko kilala na kita agad. Hanggang sa isang araw natagpuan ko nalang sarili ko na masaya pag kasama ka. Alam kong saksi ka sa pag-iyak ko dahil sa nakaraang relationship ko, pero lahat nagbago ng dahil sa halik na yun, Aera." wika niya, kaya nakaramdam ako ng matinding kaba at pagkabalisa. At di ko alam kung paano gagalaw sa sitwasyon na ito?

"Ano ba ang iyong nais iparating?" lakas loob na tanong ko sakanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa pisngi ko, pero inilipat niya ang paghawak sa mga kamay ko. Kaya di na ko nakapalag pa.

"Mahal na kita, Aera." saad niya, na nagpagimbal sa buong pagkatao ko. Natahimik ako at di nakapagsalita hanggang sa..

Di ko inaasahan ang lalabas sa mga labi ko.

"Te quiero.." wika ko habang nakatitig sa mga mata niya na naging dahilan para kumunot ang noo niya. "..no soy de aquí este año." dagdag ko pa, dahilan para mas lalo siyang matigilan. Naintindihan niya ako?

"Anong ibig sabihin ng mga sinabi mo, Aera? Bugtong ba yan." gulat na tanong niya sakin.

"Hmm..hulaan mo ginoo.." nakangising saad ko at tinawanan siya dahil mukhang di niya alam ang ibig sabihin ng mga sinabi ko. "..yo también te amo, Ethan." dagdag ko pa dahilan para mas lalo siyang matigilan.

"Hala andaya naman, paano ko malalaman ibig sabihin nan?" parang bata na saad niya.

"Pag nahulaan mo, ayun ang sagot ko sa sinabi mo kanina. Sana ay narito pa ko oras na malaman mo ang ibig sabihin ng aking mga winika." saad ko at bahagyang bumulong kaya napatingin siya sakin.

"May sinasabi ka? Ano yun?" tanong niya sakin.

"Ah, wala basta hulaan mo nalang ang mga katagang aking sinambit." saad ko at tatalikuran na sana siya ng hilain niya ang kamay ko.

"Ah, Aera. Pwede ba akong manligaw?" tanong niya na siyang kinabigla ko.

Manligaw?

Bahagya akong nag-isip at tsaka tuluyang nagdesisyon.

"Sige, pwede naman. Pero.." nakangiting wika ko, kaya natuwa siya at tumititig sakin upang malaman ang kasunod kong sasabihin, kaya agad akong nagpatuloy. "..liligawan mo ko sa pamamaraan kung paano manligaw ang mga lalaki sa taong 1897." dagdag ko, dahilan para mapanganga siya.

"Seryoso ka diyan, wala akong alam sa taon na yan." di makapaniwalang bulalas niya.

"Ay di mo alam, wag ka nalang manligaw." sabi ko at tinalikuran na siya, balak ko ng bumalik sa loob dahil nagugutom na ako. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng natigilan ako sa sinabi niya.

"Sige na gagawin ko na, manliligaw ako sa pamamaraan kung paano manligaw ang mga lalaki sa taong 1897." sigaw niya dahilan para mapangiti ako.

Sana nga ay iyong magawa, ginoo. Kahit na walang kasiguraduhan ang pananatili ko sa taong ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maabutan niya ako at magpantay na kami, napatigil naman kami sa paglalakad ng biglang sumulpot si Alonika.

"Ate Aera, may dapat kang malaman." sabi niya sakin, kaya dahilan para mapatitig ako sakanya, samantalang si Ethan naman ay medyo nagtaka.

"Anong dapat malaman ni Aera?" sabat ni Ethan, kaya napatingin sakin si Alonika. Titig na wari mo'y sinasabi niya na pabalikin ko na sa loob si Ethan, dahil ako langa ng gusto niyang pagsabihan kaya hinarap ko si Ethan.

"Ah, Ethan mauna ka na sa loob. May pag-uusapan lang kami ni Alonika." sabi ko sakanya, nagtataka man ay agad niyang sinunod ang utos ko. Ng makaalis siya ay tsaka kami tuluyang nag-usap ni Alonika.

"Ano bang dapat kong malaman?" tanong ko sakanya.

"Si Julia ate, nalaman niya na pumunta si Rafael sa unit ni Aljean. At may sinend pa nga raw na litrato sakanya ang isa sa mga kaibigan Aljean. Kaya ayan pabiyahe na siya mamayang madaling araw papunta sa mga pinsan natin sa ibang bansa.." malungkot na kwento niya sakin. "..ate gusto kong magalit kay Rafael dahil kasalanan niya lahat to, pero nandun ako sa punto na di naman sila official ni Rafael. Ate, di ko na alam gagawin ko, gusto kong pigilan si Julia sa pagpunta sa ibang bansa pero wala akong magagawa dahil buo na ang desisyon niya." mangiyak-ngiyak na sabi niya sakin kaya niyakap ko siya upang kumalma siya..

"Wala na tayong magagawa, iyon ang kanyang nais at desisyon. Wala tayong magagawa kundi suportahan nalang siya sa gusto niyang tahakin.." saglit akong tumigil at niyakap siya ng mahigpit dahil ramdam kong iiyak na rin ako anumang oras. "..at ayun ay magpunta sa ibang bansa." dagdag ko. Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang..

"Sinong nagpunta sa ibang bansa?" biglang sulpot ni Rafael kaya napalingon kami sakanya at napakalas sa yakap ni Alonika. Kasama niya pala si Steven.

Nagkatinginan kami ni Alonika at natahimik. Dahil di namin alam kung ano ang aming isasagot kay Rafael.

To be continued..



AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now