Kabanata 45

108 20 0
                                    

Rafael

Nung saktong pauwi na ako nung biyernes ng hapon ay bigla akong kinausap ni Alonika, na baka raw gusto kong sumunod o sumama sa kanila papunta kay Julia. Siyempre nung una natuwa ako, pero naisip ko na baka ipagtabuyan niya lang ako kaya tumanggi ako.

Kaya eto ako ngayon, nasa bahay at nakatambay. Nandito nga pala sila Ethan, Maxwell at Steven, nakipag-ayos na rin ako sa dalawa, dahil naguguilty talaga ako na iniwasan ko sila.

"Talagang di ka sumama kay Alonika para makita si Julia?" di makapaniwalang sabi ni Maxwell sa akin, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka kasi ipagtabuyan niya lang ulit ako, kaya di na ko sumugal." sagot ko sakanya. Kaya nagtinginan sila at tsaka nagtawanan, nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating si Azrael.

Naks naman kumpleto kami.

"Oh, Azrael. Buti naman nakarating ka at nakapunta ka dito?" salubong ni Ethan sakanya. Tumayo rin si Maxwell at Steven para makipagfist bump kay Azrael, at sabay-sabay silang napalingon sa akin dahil di ako tumayo.

"Oh anong problema nan?" natatawang tanong ni Azrael kina Ethan, Steven at Maxwell.

"Naku, pare malaki problema ng kaibigan natin na yan. Paano ba naman niyaya ni Alonika na sumama papunta kay Julia, aba tumanggi baka raw kasi ipagtabuyan siya." kwento ni Steven kay Azrael kaya napalingon sa akin si Azrael at lumapit.

"Okay lang yan pre, uuwi naman sila sa Martes para pumunta sa Poblacion Indang. May reunion ang buong angkan namin, eto ngang si Maxwell at Ethan ay sasama eh." nakangiting sabi ni Azrael sakin kaya napatingin ako sakanya.

At napatingin rin ako kina Ethan at Maxwell, bakit di nila sinabi sakin?

"Eh ano naman gagawin ko dun, baka lalo lang magalit sakin si Julia." sambit ko kay Azrael. Lumapit naman sina Ethan at Maxwell sakin.

"Ayun lang ba pinoproblema mo, sagot namin yan pare!" nakangising sambit ni Ethan.

"Eh, paano kung sumama yung tukmol na Clyde sakanya eh di kawawa ako." umiiling na sabi ko sakanila.

"Si Clyde ba pinoproblema mo? Kami bahala sa mokong na yun para di makalapit kay Julia." sambit naman ni Maxwell.

Mukhang desidido na talaga silang isama ako sa Poblacion Indang, peste!

"Okay sige na sasama na ko. Ayusin niyo lang ah." walang nagawang sabi ko sakanila at binantaan sila.

"Ah guys, pwede ba kaming sumama ni Jannine?" singit ni Steven, kaya natawa nalang kami sakanya.

By the way, Lunes ngayon at bukas na raw ang alis namin papunta sa Poblacion Indang yun ang sabi ni Azrael sakin. Sasabay raw kami sa mga magulang niya at sa magulang ni Lara na pinsan nila na kasama na ngayon ni Aera sa mansyon.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap ng kung ano-ano, hanggang sa biglang sumulpot si Aljean.

"Rafael." sigaw ni Aljean mula sa pinto at nagdere-deretso ni wala nga siyang pakialam kina Maxwell eh.

"Oh, bakit napadpad ka rito?" tanong ko sakanya at lumapit sakanya.

"Psh! Nandito ako para tulungan kang magkaayos kayo ni Julia." nakataas na kilay na sambit ni Aljean.

Kaya nagpalakpakan mga kasama ko. Kaya inis silang tiningnan ni Aljean.

"Anong kapala-palakpak dun, btw kasama ko si Rica at Charm nandiyan sila sa labas." pagtataray niya sa mga kaibigan ko. Ang taray talaga nito kahit kailan, kaya pagmay nang-aapi sayo sure na tutulungan ka nila ang tatapang eh. Yung Charm nga kung titingnan mo ang tahimik at kala mo walang gagawin sayo, pero lintik din pala ang tapang.

Marunong lang talaga siya magpigil dahil minsan ayaw niyang mapaaway, btw alam na rin namin maysakit si Eunice. Madaldal si Ethan, pero di naman alam ni Aljean na alam na namin, mukhang wala ring alam si Aljean sa kundisyon ng kapatid niya.

"Bakit di mo pinapasok?" tanong ni Steven sakanya.

"Saglit lang naman ako dito, gusto kolang naman ipaalam kay Rafael na handa akong tumulong na magkaayos sila ni Julia. Nalaman ko kasi na kasalanan ng mga kasama ko kung bakit nagtanim ng galit si Julia kay Rafael.." paliwanag niya sa amin kaya napatango ako at maging mga kasama ako.  "..so anong plano, para makapaghanda ako?" tanong niya sa amin.

"Willing ka ba sumama sa Poblacion Indang, uuwi kasi si Julia kasama si Alonika na nagpunta nung Sabado sa ibang bansa. Dahil may reunion ang pamilya namin." tanong at paliwanag ni Azrael sakanya.

"Poblacion Indang, parang bet ko pumunta diyan. Sige sasama ako!" nakangiting sabi niya samin, kaya nagkatinginan kami na wari mo'y iisa ang iniisip. "..oh siya sige, text o tawagan niyo nalang ako mamaya kung anong plano? Teka kailan pa ang alis?" dagdag niya pa at sabay tanong sa amin.

"Bukas ang alis. Kaya maghanda ka na at wag na kayo kung saan-saan maglakwatsa ng mga barkada mo, tawagan ka nalang namin para sa plano." sabi ko naman sakanya. Tumango nalang siya at nagpaalam na, dahil gagala pa raw sila.

Pasaway talaga, kahit kailan. Sa pamilya kasi nila si Aljean ang black ship na di naman ganun kamaldita, mabait din naman siya pero pili lang ang taong di niya minamalditahan, sa maikling panahon ay nakilala ko si Aljean pati mga kasama niya.

At doon ko narealized na she deserve to be happy, yung happiness na magtuturo sakanya magpatawad sa mga taong nasaktan siya. At hindi ako ang lalaking gagawin nu, kundi ang lalaking nakalaan para sakanya.

Pagkaalis ni Aljean ay nagplano na agad kami kung paano namin mailalayo si Julia kay Clyde kung sakaling sumama ang mokong at para makausap ko rin si Julia ng maayos at masinsinan.

At pagkatapos namin magplano ay nagkwentuhan na kami ng kung ano-ano at nanonood kami ng mga movies, dahil first time lang ulit namin mabuo. Kaya sinulit na namin ang pagkakataon para magbonding kaming magkakaibigan.

"Maxwell, pwede bang isama mo si Aira? Gusto ko siya ipakilala sa parents ko?" tanong ni Azrael kay Maxwell dahilan para magulat si Maxwell at natawa nalang kami nila Ethan at Steven.

"Grabe di naman halatang inlove ka sa kapatid ni Maxwell." natatawang sabi ni Steven sakanya. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Azrael.

"Psh, alam niyo namang noon pa man ay may gusto na ko kay Aira. Pinigilan ko lang sarili ko dahil wala pa siya sa right age niya. At masyado pa siyang bata." depensa ni Azrael samin.

"Tsk, oo na alam na namin yan. Sige na isasama ko na si Aira, alam ko namang matutuwa yun." natatawang sabi ni Maxwell.

Matapos nun ay bumalik na kami sa pagkwekwentuhan ng mga pinaggagawa namin nung nag-aaral pa si Azrael. At natapos ang araw na puro kami asaran at biruan.

At matapos nun ay nagpaalam na sila na uuwi na para ihanda ang mga dadalhin para bukas, samantalang si Azrael ay dadaanan raw sina Yuri at Catriona para sumama na rin.

Mukhang magiging masaya itong sembreak, at sana ay maging maayos na kami ni Julia.

Dahil miss na miss ko na siya.

To be continued..






AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now