Kabanata 18

148 23 0
                                    

Rafael

I found myself finding Aljean di ko alam na imbes na si Julia ang hanapin ko ay si Aljean ang hinanap ko. Malinaw na malinaw naman na si Julia ang girlfriend ko. Siya ang dapat inaasikaso ko.

Sinamahan ko sila Rica na hanapin si Aljean kasi baka tuluyan nito ang sarili. Sinabi sakin ng mga kaibigan niya na suicidal daw si Aljean. Kaya lagi dapat silang nakabantay rito.

"Bakit siya Suicidal? May problema ba siya?" tanong ko sakanila habang naglalakad kami sa hallway. Batid kasi nilang narito lang yun sa campus.

"Her family leave her alone here. Nagtatrabaho si Aljean para sa panggastos niya. Namuhay siya ng mag-isa sa condo na regalo sakanya nung parents niya nung 18th birthday niya." kwento ni Rica sakin, nakaramdam naman ako ng awa kay Aljean ng marinig ko yun. Pero humanga ako sa parte na ginawa niyang lahat para mabuhay siya.

"Pero bakit iniwan siya ng mga magulang niya?" tanong ko sakanila.

"She's a black sheep sa family nila kaya ayaw ng family niya sakanya. Umalis nga yung mga yun ng di nalalaman ni Aljean." malungkot na kwento ni Charm sakin.

Kaya napatango nalang ako.

At tsaka kami nagpatuloy sa paghahanap hanggang sa mapadpad kami sa rooftop ng campus. At dun namin nakita si Aljean na walang malay at may kaunting laslas. Tumatagas ito. Kaya nagtakbuhan kami papunta sakanya.

"Dalhin natin siya sa ospital." suhestiyon ko sakanila.

"Wag, baka makarating sa mga magulang niya. At baka tumawag na naman yun para pagalitan si Aljean." pigil ni Rica sakin kaya natahimik ako.

"So paano natin siya gagamutin?" tanong ko sakanila.

"Sa condo nalang niya, patulong nalang kami." sabi ni Charm sakin kaya agad akong pumayag.

Pumunta kami sa condo ni Aljean, nagulat pa nga ako ng parehas lang sila ng building na tinutuluyan nila Julia eh, pero ibang floor naman si Aljean.

Dinala namin siya agad sa unit niya, swertehan nga at may extra keys ang mga kaibigan niya.

Pagpasok namin sa loob ay binuhat ko siya pahiga sa sofa sa sala ng unit ni Aljean at agad siyang inaasikaso ng mga kaibigan niya.

Kaya lumayo muna ako sakanila at pumuntang kusina para handaan sila ng pagkain.

At nagbuklat ng cellphone ko kasi baka may message si Julia pero bigo ako walang message na galing sakanya. May problema ba tayo Julia?

Bakit di ka nagpaparamdam?

Ethan

"Oy mga hunghang nasaan si Rafael?" tanong ko kina Maxwell. Pinapunta nila ako sa bahay ni Maxwell. Paghahandaan na raw namin ang surprise para kay Aira. Dahil bukas na daw ito.

Nasa bahay na kasi ako kanina, pagkatapos kasi ng biglang pag-alis ni Julia ay umalis na rin ako.

"Di nga makontak eh, busy ang line mukhang may tinatawagan ang mokong." sagot ni Steven sakin, di niya kasama si Jannine ngayon dahil bibili raw ito ng regalo.

"Nasaan kaya yun?" bulong ni Maxwell.

"So anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sakanila. Gusto ko na matapos agad para makauwi na ako agad, di pa rin kasi ako pinapansin ni Aera mukhang di niya nagustuhan yung paghalik ko sakanya sa Ilog paraiso. Ang bobo ko rin naman kasi bakit ko kasi siya hinalikan?

"Oy nakikinig ka ba?" kulbit ni Maxwell sakin kaya gulat akong napalingon sakanya.

"Ah, oo anong gagawin?" nagkakamot sa ulo na tanong ko sakanya kaya tinawanan nila ako ni Steven.

"Nakikinig pala ha, ang sabi ko ay kailangang agahan natin bukas sa resort na pinareserve namin ng parents ko para maayos yun. Magdala ka na rin ng damit mo at doon ka na magbihis. After class yun, di kasi ako papasok bukas at mag-aasikaso ako. Kaya sinasabi ko na to sa inyo. Pasabihan nalang si Rafael kupal." sabi niya sakin at napatango-tango nalang ako.

Bakit ba kasi lumilipad utak ko sa kung saan-saan?

Maya-maya pa'y nagpaalam si Maxwell na may tatawagan lang siya kaya lumabas siya habang kami naman ni Steven ang naiwan sa loob. Kaya naisipan kong siya ang tanungin..

"Ah, Steven naranasan mo na bang maguluhan sa nararamdaman mo?" tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin kaya napaisip naman siya.

"Maguluhan? Oo nung mga panahong playboy pa ko, at di ko pa nakakatapat ang isang Jannine. Kasi alam niyo naman ako di talaga akong nagseseryoso ng babae kaya nung umpisa naguluhan ako kung gusto ko na ba siya, o nasasaktan lang ego ko dahil nagagawa niya kong mura-murahin at.." sandali siyang napatigil at napangiti ng maalala kung paano sila nagsimula ni Jannine. "..sigaw-sigawan na hindi nagawa ng mga naging babae ko." dagdag niya.

"Oo nga naalala ko nun paalis na dapat ng bansa si Jannine pero pinigilan mo at dun ka umamin." natatawang sabi ko sakanya.

"Psh! Di mo kasi nagawa kay Eunice di mo siya nagawang pigilan. Pero teka bakit natanong mo? Kanino ka naguguluhan?" takang tanong niya sakin.

Kaya natahimik ako at medyo nag-aalalangan kung sasabihin ko sakanya, ramdam ko kasi na may gusto rin si Maxwell kay Aera kaya natatakot rin akong sabihin kay Steven.

"Actually, nung nasa ilog paraiso tayo. May nagawa ako na di ko sinasadya, nahalikan ko siya at di ko alam kung bakit iba ang dating sakin ng halik na yun, parang ayun yung unang beses na humalik ako ng babae." panimulang kwento ko sakanya. Napatitig naman sakin na tila inaalam niya kung sino tinutukoy ko?

"Sino ba tinutukoy mo?" tanong niya sakin, kaya lalo akong natahimik. Sasabihin ko ba sakanya? Baka kasi sabihin niya kay Maxwell.

"Hys, si Aera. I like her." sagot ko sakanya. Kaya nanlaki mata niya sakin, at natulala sa sinabi ko.

"Nakamove on ka na kay Eunice?" tanong niya sakin habang panay ang pindot sa cellphone niya, mukhang katext niya si Jannine.

"Di pa fully, pero simula ng unang beses na nagkita kami ni Aera. May kakaiba na kong naramdaman sakanya. She's something na gusto kong maging akin, at alagaan." paliwanag ko sakanya.

"Pero bakit di mo ligawan? Gusto mo pala eh." tanong niya sakin.

"This is not the right time, di pa ko handa pumasok ulit sa isang relationship alam mo naman kung anong nangyari samin ni Eunice." malungkot na sagot ko sakanya.

"So kailan ka magiging handa? Pag hawak na siya ng iba. Pag-isipan mo yan pre." he said at nagfocus na sa pagpipindot ng cellphone niya, naiwan naman akong tulala at napaisip sa sinabi niya.

Kayanin ko kayang makita siyang may kasamang iba?

"Oy guys, pwede na kayong umuwi parating na kasi si Aira, yung usapan natin ah." biglang sulpot ni Maxwell. Kaya napatayo na kami ni Steven at nagpaalam sakanya.

To be continued..

AERA (The Girl In The Past)Where stories live. Discover now