PROLOGUE

687 35 0
                                    

Ang sabi nila ay dadating ang tamang tao na para sa'yo sa pagkakataong hindi mo inaasahan. Iisipin mong ang taong iyon ay isa lamang sa mga taong dadaan sa buhay mo pero ang totoo'y sya pala ang nakalaan para sa'yo. Iyon bang hindi mo inaasahang sa pagtatagpo na iyon ay talagang mababago ang ikot ng buhay mo.

Sa kaso ko ay hindi ko naman inaasahan ang ganoon. Hindi ko rin naman masasabing kuntento na ako sa buhay ko mag-isa. Sino ba naman ang gugustuhing mag-celebrate ng mahahalagang okasyon na walang kasama.

Ilang taon na akong nabubuhay mag-isa mula nung mawala ang lahat sa buhay ko. Mula nung nawala ang papa ko.

Well, ang papa ko ang buhay ko kaya mula nung mawala sya ay talagang gumuho ang mundo ko. Napilitan akong mabuhay mag-isa at harapin ang araw araw na walang kasama. Napilitan akong gumising para bumungad ang malungkot na umaga at umuwing pagod pero walang madadatnang ngiti mula sa kanya.

Symepre nakakapagod kasi paulit ulit lang naman na ganon.

Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa nagdadaanang sasakyan. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench sa labas ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Napatingala pa ako at bumuntong hininga. Pinagmasdan ko lang ang mga bituin. Tila kumislap pa nga ang mga iyon sa paningin ko.

Halos araw araw kong iniisip at kusang sumasagi sa isip ko kung gaano na ako kapagod. Gusto ko ng isang pahinga na wala na akong iisipin pagkatapos. Nakakapagod din kasing lumaban mag-isa. Pakiramdam ko'y tila wala ring kwenta dahil mag-isa na nga lang ako. Babangon at matutulog ka na ganoon parin ang dadatnan.

Para kanino ba ang pagsusumikap ko? Ang pagbangon ko sa umaga? Ang pag-aaral ko para makahanap ng magandang trabaho? Ang pag-gapang ko araw araw para lang mabuhay at madatnan muli ang panibagong umaga?

Hindi ko naman masasabing para iyon sa sarili ko dahil mula nga nung mawala ang papa ko ay talagang gumuho ang mundo ko. Ang mama ko naman ay namatay nung pinanganak ako. Kaming dalawa ni papa ang natira tapos ngayon ay ako na lang mag-isa.

Bigla ay tila bumalik sa pandinig ko ang sinabi ng isa sa mga katrabaho ko.

"Hintayin mong mahanap mo ang magiging pahinga mo. 'Yong tipo na makita mo lang sya, parang mawawala na yung pagod mo at mapapakalma ang magulo mong isip." Sinabi pa nya iyon sa kinikilig na tinig.

Pahinga, ah?

Napasandal ako sa upuan at muling napabuntong hininga. May parte sakin na napaisip kung may pagkakataon bang mahanap ko rin ang taong kakalma sa maingay at magulong isip ko. Iyon bang makita ko lang sya ay tila mawawala ang bigat na pinagdaanan ko sa isang buong araw. Hindi ko alam kung posible ba ang ganoon pero hi di ko maiwasang isipin.

Napailing na lang ako sa naisip at tumayo na. Nag-inat pa ako at ilang beses na humikab bago muling bumalik sa loob ng restaurant para isara na iyon at umuwi na. Ala una na at talagang nangangati na ang katawan ko para sa isang pahinga.

Bago tuluyang umalis ay muli pa akong napatingin sa kalangitan para pagmasdan ang buwan na napapalibutan ng nagniningningan at nag-gagandahang mga bituin.

Pahinga, ah? Hmm.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

CRITICISM IS HIGHLY APPRECIATED!

- Yy

Point of retreatWhere stories live. Discover now