Chapter 18: Envious

131 16 4
                                    







Kung madaldal si Jupiter. Masasabi kong mas madaldal si Lemon. Wala pang isang minuto mula ng masundo ko siya sa gilid ng kalsadang kanina niya pang pinagtatambayan ay walang humpay ang kasasalita niya dito sa loob ng sasakyan. Hindi tuloy ako makapag-focus sa pagmamaneho.

Nakakairita. Puro si Zack lang naman ang palagi niyang sinasabi.

Base sa mga kwento niya about kay Brat ay mukhang malalim na nga ang samahan nila dahil na rin sa tagal na kanilang pagkakakilala.

Eh di sila na magkababata.

"Cool boy?"rinig kong tawag niya sa akin.

Hayan na naman siya sa napakawalang kwenta niyang bansag sa akin. Kaya minsan ginagantihan ko na. Tinatawag ko siyang Lemon Juice.

"Lumilipad ang isip mo. Nagkukwento kaya ako."sabi niya pa.

"Shut up. Hindi ako makapag-focus."sabi ko na nanatili ang tingin sa daan.

Bakit ba kasi kinukulit niya si Zack. Sa dinami-dami ng pwede niyang hingian ng tulong si Zack pa. Eh bawal lumabas ng gabi ang isang yun. So, no choice ako ngayon kung hindi ako mismo ang tumulong sa babaeng ito.

Buti na nga lang ay kaya ko ng igalaw ng maayos ang isang braso ko. Maswerte pa rin talaga ako dahil hindi ako masyadong na apektuhan ng pagbaril ng taong yun.

"Sorry naman. Gusto ko lang dumaldal parang hindi boring ang byahe."paghingi niya ng tawad na natatawa.

Hindi naman na ako umimik pa. Pero may bigla akong naisip sabihin.

"May gusto ka ba kay Zack?"

Pagsulyap ko sa kanya ay nakatitig siya sa akin. Napangisi ako ng makita ang gulat sa kaniyang mukha.

"Silence means Yes."umiiling na sabi ko.

"Oy hindi ah. Ano kasi..."

Hindi ako tanga para hindi siya mahalata sa nararamdaman niya para kay Zack. Observant akong tao lalo na dun sa mga madaling mabasa. Same sila ni Jupiter.

"Parehas kayo ni Jupiter. Pinalalambas ninyo kong may crush kayo sa akin para lang mapagtakpan ang totoong feelings ninyo para sa kaniya. Tsk. Nice move."komento ko.

Ganun naman talaga yun. Pansin ko parehas sila ni Jupiter na nagpapansin sa akin. Way nila para malihis sa madla ang totoong feelings nila.

Ang haba ng buhok ni Zack. Dalawang babae naghahabol.

"Crush kaya kita. Nagkataon lang na mas crush ko si Zacky Boy."rinig kong sabi niya.

I knew it. Sa kanya na mismo nanggaling.

"Kung ganun bakit hindi mo aminin sa kanya. Who knows gusto ka din niya."

Gusto kong tampalin ang sarili ko sa ginagawa kong pakikialam. Unang una ay labas ako sa issue nilang tatlo. Secondly, mas may importante akong dapat asikasuhin kaysa dito. Third, wala akong alam sa problemang pag ibig. So, wala akong maipapayo sa dalawang babae ni Zack.

Ewan. Pero nagiging curious lang siguro ko.

"Malabo yan."

"Why? Paano naging malabo?"

"Basta malabo. Tama na nga. Ang daldal mo na masyado."

Para naman akong napahiya dahil dun. Malaki na talaga ang pinagbago ko simula ng matira ako sa mga Imperial. Parang hindi ako ito.

"Mga kawawang nilalang. Nagkakagusto sa taong hindi naman sila gusto."bigla kong na sabi.

Narinig ko ang nakakaasar niyang pagtawa.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang