Chapter 44: Kiss

139 9 0
                                    







Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman matapos magtapat ni Jupiter sa akin. Pilit ko nalang na hindi yun pansinin. Tutal, lasing siya. May posibilidad na hindi niya alam ang ginawa niya at mga nasabi niya.

Gayunpaman, kung ako ang tatanungin. Ayokong maging totoo ang nararamdaman niya para sa akin. Masasaktan lang siya.

Nakakatawang pangyayari.

"Good morning, Young master."nakangiting bati sa akin ng mayordoma.

Kumunot ang noo ko.

Saktong pagbukas ko ng pinto nitong kwarto ko ay nakatayo na siya sa harapan ko.

"May kailangan ka?"

Ngumiti siya ng malapad.

"May bisita kayo sa baba."

Kumunot ang noo ko.

"Sino?"

"Ang Mommy ninyo."

Literal na napasimangot ako. Pasulyap kong tinignan ang wirst watch kong suot. Pasado alas nuebe palang ng umaga. Ang agang mambwisit ni Mrs.Imperial sa akin.

"Pakisabi susunod na ako."

Tumango ang mayordoma at akmang tatalikuran na ako ng may bigla akong maalala.

"Si Jupiter ba? Pumasok?"

Dumiretso ng tingin sa akin ang mayordoma sabay tango.

"Maaga po syang umalis."

"Ah, okay."tanging na sabi ko kaya tuluyan ng naglakad palayo ang mayordoma.

Napabuga ako ng hangin at tamad na lumabas na ng kwarto ko. Wala akong masyadong gagawin ngayong umaga dahil aalis ako mamayang gabi. Ngayong gabi namin paplanuhin ang lahat laban kay Martin.

Tahimik kong binaybay ang daan pababa ng unang palapag ng mansyon. Katahimikan ang nangingibabaw tulad ng nakasanayan. Agad akong tumungo sa malawak na salas. Natanaw ko si Mrs.Imperial na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. Malalim akong bumuntong hininga bago lumapit sa kanya.

Nang magawi sa akin ang kanyang atensyon ay lumapad ang ngiti niya. Napatayo sa kinauupuan.

"Lawliet."masigla niyang tawag sa pangalan ko.

Hindi ako umimik hanggang sa makalapit ako sa kanya.

"Namiss kita, anak."sabi niya pa at hinigit ang isang braso ko kaya pagkaupo niya muli sa sofa ay no choice ako kung hindi maupo na din katabi niya.

"Kung nandito ka na naman para pilitin akong sumama. Nag aksaya ka lang ng oras."diretsahan kong sabi at hinigit ang braso ko na hawak niya pa rin.

Umiling siya at ngumiti ng tipid.

"Don't worry, hindi ko gagawin yun. Namiss lang kita kaya ako bumisita."

Bahagya akong na kampante sa narinig mula sa kanya.

"Kamusta ka? Nabalitaan kong ikaw ang pumalit sa pwesto ni Ricky sa Silberio Inc."

Medyo nagulat ako at alam niya agad ang tungkol dun.

"So far. Okay naman."kaswal kong sagot.

Ngumiti siya at hinawakan ang kanang pisngi ko.

"Kung ako ang tatanungin. Masyado ka pang bata para sa ganyang tungkulin. Isa pa, mas manganganib ang buhay mo dahil dyan. Pero alam kong kahit tumutol ako. Hindi mo ko pakikinggan."

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"Sana lang, maging masaya ka."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя