Chapter 21: Eavesdropping

110 15 6
                                    






"Sorry. Hindi ko sinasadya."paghingi niya ng tawad.

Binitiwan ko ang kanyang kamay at tumuwid ng tayo.

"Sorry na."patuloy niyang paghingi ng tawad.

Tumango ako at naisipang umupo nalang ulit sa sahig. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Lemon sa akin. Hindi ko siya pinansin. Tahimik kong ibinaling ang tingin sa mga halamang nasa paligid. Kasabay nun ay ang pag ihip ng malakas na hangin. Nang mapatitig sa kalangitan ay nakita kong namumula ang langit. Inalis ko ang hoodie na tumatakip sa ulo ko.

Shit. Uulan pa yata.

"Umuwi ka na, Lemon. Gabi na."sabi ko.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Mamaya na. Sasamahan muna kita. Mukhang problemado ka."

Problemado? Tsk.

"Hindi ko kailangan ng presensya mo. Sanay akong mag isa. Lagi akong nag iisa. Tulad ng sinabi mo."

Inis ko siyang tinignan ng bigla niyang tapikin ang isang braso ko.

"Nag sorry na nga ako diba? Ang sama mo sa akin."

Hindi na ako umimik pa at natahimik nalang. Ganun din ang ginawa niya. Parehas kaming napatitig sa kalangitan na natatabunan ng makakapal na ulap.

"Alam mo, kapag may problema ko gusto ko ding mapag isa. Kaya lang, na realize ko mas magaan sa pakiramdam kong may nakakausap ka ng tungkol sa iyong problema."

"Sanay akong mag isa."pag uulit ko sa sinabi ko kanina.

"Tss. Kaibigan mo ko. Pwede kang share sa akin."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Kaibigan? Tinuturing niya akong kaibigan. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dun.

Umayos ako ng pagkakaupo at diretsong tumingin sa kanya.

"Sige nga. Anong gagawin mo kung sakaling matagpuan mo yung pamilya mong nawalay saiyo?"

Sandali siyang natigilan na tila napaisip. Tapos ay ngumiti siya.

"Syempre magpapakilala at sasama ako sa kanila."

"Bakit?"

Napanguso siya.

"Anong klaseng tanong yan? Syempre pamilya ko sila. Kadugo ko sila. Kaya kung saan sila. Nandun din ako."

Napaisip ako dahil dun. Madali lang sabihin yan para sa kanya dahil wala siya sa sitwasyon ko.

"Bakit mo nga pala na itanong?"

Umiling ako.

"Tungkol ba yan sa pamilya mo?"

Muli akong umiling.

"Eh ano?"

Napapikit ako ng mariin dahil sa inis.

"Umuwi ka na. Gabi na."sabi ko at sinulyapan ang wrist watch kong suot.

Pasado alas otso na pala. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Nang makarinig ng ingay ng sasakyan ay nadako ang tingin ko sa di kalayuan. Natanaw ko ang isang magarang sasakyan na pabalik-balik na tila may hinahanap. Kinutuban ako ng hindi maganda.

"Umuwi ka na, Lemon. Ngayon na."

May inis na sa aking tono dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Padabog siyang tumayo at masamang tinitigan ako.

"Fine. Goodnight na. Magkita nalang tayo bukas."paalam niya at naglakad na palayo.

Nakahinga ako ng maluwag at muling tinitigan ang sasakyang nasa malapit. Mabilis kong tinaklob sa ulo ko ang hoodie ng aking Jacket bago naglakad paalis ng parke. Inilagay ko sa magkabilang bulsa ng jacket ang dalawa kong kamay.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now