Chapter 39: Hunch

104 10 4
                                    







"Bakit ka nandito?"bungad na tanong ni Jupiter ng makapasok ako sa mansyon ni Ricky Silberio.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Bakit bawal ba ako dito?"

Ngumiwi siya at umiling.

"Ang ibig kong sabihin. Pasado alas otso na ng gabi. Dapat hindi ka na lumalabas pa. Malamang hinahanap ka nila Zack."

Napabuga ako ng hangin sa narinig. Tahimik ko siyang nilagpasan. Naramdaman ko naman agad ang pagsunod niya sa akin.

"Lawliet, umuwi ka na."

"Dito ako matutulog ngayong gabi."sabi ko habang patuloy na naglalakad.

Didiretso na ako sa kwarto ko dito para matulog tutal pagod ako sa mga naganap kanina.

"Lawliet, sandali!"sigaw ni Jupiter na patuloy pa rin akong sinusundan.

Huminto ako sa paglakad at nilingon siya. Ngayon ay nakatayo siya sa harapan ko.

"Malamang hindi ka nag paalam kay Zack? Pati sa Mommy mo."

Ngumiwi ako sabay tango.

"Ayokong makikita pagmumukha ni Zack Imperial ngayon, bukas at magpakailanman."

Siya naman ngayon ang nagtaas ng isang kilay sa akin.

"Kaya hindi ka uuwi?"

Tumango ako bilang sagot.

"Bakit? Dahil ba sa nangyari kanina?"usisa niya pa.

Natahimik ako at naalala ang maikling pag uusap namin ni Zack ng makauwi sa mansyon ng mga Imperial.

"Lawliet!"

"Tigilan mo ko. Ayoko kitang kausap."asar kong sabi sa kanya.

Saktong pagbaba namin ng sasakyan ay nagmadali akong lumakad papasok sa kabahayan. Pero itong si Brat. Mabilis na nakasunod. Iniwan na nga niya si Mrs.Imperial sa sasakyan.

"Lawliet!"patuloy niyang tawag.

Hanggang sa kwarto ko ay sinundan niya ako. Inis ko siyang hinarap.

"Layas. Matutulog na ako."

Malalim siyang bumuga ng hangin sabay iling.

"Sorry sa mga sinabi ni Lemon."

Ngumisi ako.

"Ikaw ba siya? Bakit ikaw nag so-sorry?"

Napapikit siya ng mariin.

"Kakausapin ko siya."

Saktong pagmulat niya ay umiling ako.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry, Zack Imperial. Lalo na sa mga taong nanghamak at nanglait sa akin. Kaya nonsense kung kausapin mo siya."

"Pero, Lawliet..."

Bakas sa mga mata niya ang pag alala. Hindi para sa akin kung hindi kay Lemon. Mukhang iniisip niyang baka saktan ko ito kaya todo sorry siya para dito.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن