Chapter 4: First day of work

147 17 3
                                    



First year college sa kursong bussiness management. Iyan ang pinag aaralan ng bunsong anak ng mag asawang Imperial sa prestihiyosong eskwelahan dito sa Westvand District.

Ito ay ang Concepcion College na pawang mayayaman ang mag aaral. Wala akong ideya kung anong itsura nito dahil never pa akong nakapag aral sa totoong eskwelahan. Tanging sa mansyon lang ni Kentaro ako natutong bumasa at sumulat. Gayunpaman, hinahanda ko ang sarili sa araw na ito dahil kailangan namin samahan doon ang anak ni Mrs.Imperial.

Malalim akong napabuntong hininga ng matapos magbihis. Saktong paglabas ko ng silid ay naabutan kong naghihintay si Constello at Casper. Napangiwi ako ng makitang pare-pareho kami ng suot ngayon. Syempre dahil papasok din kami bilang estudyante. Kailangan todo effort kame.

Ayon kay Francis, hindi daw pwedeng malaman ng publiko na bodyguards kaming tatlo nila Casper. Kaya magpapanggap bilang scholar ni Mrs.Imperial. Baka daw kasi makatunog ang mga kalaban sa presensya namin. Dedma nalang ako dun.

"Tara na. Mauna na daw tayo sa van sabi ni Boss Zack."biglang agaw atensyon ni Casper.

Tumango si Constello kaya magkasabay na silang naglakad. Napailing ako ng mapansing pare-parehas din kaming may dalang bag. Nagmumukha na kaming estudyante. Nakakapanibago sa part ko.

Tahimik nalang akong sumunod sa kanila. Hanggang sa makarating na kami sa malawak na garahe nitong mansyon. Kagabi palang sinabihan na si Constello na siya ang magiging driver ni Zack kaya nga nasa kaniya na ang susi ng sasakyan.

Agad pumasok sa loob si Constello upang buhayin na ang makina. Nakaupo siya sa driver seat habang kami ni Casper ay nanatili dito sa labas at hinihintay ang amo naming sasak-sakan ng brat.

"Dude, bagay saiyo ang uniporme mo. Nagmukha ka lalong bad boy."komento ni Casper na natatawa pa.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang ang suot ko.

Kasalukuyan akong naka-white polo na hindi naka-butones kaya kita ang sando ko sa loob. Tapos naka-fitted slacks na itim sa baba. Tinernuhan ng converse na sapatos. Of course, itim din. Plus, na nakababa ang buhok ko kaya medyo natatakpan ang dalawa kong mata.

Napaisip tuloy ako. Mukha daw akong bad boy sa suot ko.

"Parang hindi naman."mahina kong bulong.

"Ako naman mukhang goodboy."dagdag niya pa sabay tawa.

Napailng ako.

"Iyon ang akala mo."seryoso kong sabi.

Mas lalo siyang natawa at tinapik ang kaliwang balikat ko.

"Ikaw naman masyado kang seryoso."

Bahagya akong lumayo sa kaniya dahil nagsisimula na akong mairita.

Feeling close.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng matanaw si Zack. Huminto siya sa tapat namin ni Casper.

"Good morning, Boss. Naka-ready na po yung sasakyan."magalang na sabi ni Casper.

Tumango lang si Zack bago papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Casper. Walang pasabing nilagpasan niya kami at pumasok na sa Van. Sinenyasan naman ako ni Casper na sumunod na kami. Dali-dali siyang nagtungo sa backseat at tumabi ng upo sa brat naming amo. Habang ako ay nasa front seat katabi si Constello.

Wala ng inaksyang oras si Constello. Pinaandar niya na ang sasakyan.

Nang makarating sa kalsada ay may tumawag kay Zack sa cellphone. Hindi ko alam kung sino pero tahimik lang akong nakikinig.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now