Chapter 35: Drama

107 13 4
                                    






Umagang umaga. Mukha ni Zack Imperial ang nakita kong nakatayo sa bukana ng kwarto ko. Nakasuot siya ng uniporme niya sa eskwelahan. Agad na akong nagkaroon ng ideya kung bakit siya nandito ngayon sa harapan ko.

"Problema mo?"tanong ko sabay hikab pa.

Ina-antok pa ako. Sa ilang araw sa hospital. Sanay na akong magising ng tanghali. Ngayon ay ang aga kong nagising dahil sa pang iistorbo nitong si Zack.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Papasok na tayo sa school?"

Ngumiwi ako. Sabi ko na nga ba.

"Tinatamad ako."

Napasimangot siya at pumadyak sa inis.

"Nangako ako na gagawin ko lahat ng gusto mo para maging okay tayo. Kaya bilang kapalit. Gagawin mo rin ang gusto ko na bumalik ka sa pag aaral."

Napairap ako sa iritasyon.

"Oo na."sabi ko nalang at tinalikuran na siya.

Mabilis akong pumasok sa banyo para maligo at nang matapos ay nagbihis na. Pinasadahan ko pa ng tingin ang kabuuan ko. In fairness, nakakamiss isuot ang uniporme na ito.

Paglabas ko sa banyo ay nakita ko syang nanatili pa rin sa kanyang kinatatayuan.

"Tara na."aya niya at lumabas na sa kwarto.

Hindi ako umimik. Dinampot ko lang sa kama ang bag ko at sumunod na sa kanya palabas.

Magkasunuran kami ng makarating sa garahe. Akmang tutungo na siya sa sasakyan nila ng higitin ko ang dulo ng polo niyang suot. Natigilan siya at humarap sa akin.

"Doon tayo sumakay sa sasakyan ko."sabi ko at inginuso sa kanya ang sports car na nasa tabi ng Van nila.

"Saiyo yan?"

Tumango ako ngumisi. Naglakad ako palapit doon. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Mamahalin to, ah."puna niya.

Huminto ako sa bukana ng kotse at binuksan ang front seat nito bago bumaling ng tingin sa kanya. Kinuha ko sa bulsa ang susi.

"Oh."sabi ko at iniabot ito.

Kumunot noo siya.

"Anong gagawin ko dyan?"

Muli akong napangiwi. This time ay dahil sa katangahan niya.

"Bakka! (Stupid) Kainin mo kung makakain mo."

Napakamot siya sa tuktok ng ulo niya.

"Ipagmaneho mo ko papuntang school."dagdag ko pa.

Walang imik na kinuha niya ang susi kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. Dali-dali syang umikot papunta sa driver seat. Ilang segundo ay pumasok na din siya. Agad na binuhay ang makina at pinandar ito palabas ng kanilang mansyon.

Nang nasa high way na kami napuna kong hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Para kang baliw."komento ko at tumitig sa bintanang nasa gilid ko.

"Masaya lang ako dahil kasama kita ulit."

Napahikab ako.

"Ang dami mong arte."

"Tss. Masaya nga ako. Sure ako masaya din silang makita ka ulit."

Ngayong nabanggit niya ang kanyang mga kaibigan. Bigla kong naalala si Jupiter. Kagabi ay nakatanggap ako ng ilang text at tawag sa kanya. Pero ni isa, hindi ko nireplayan. Alam kong da-daldalan niya lang ako.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon